CHAPTER 64 : Better Than Revenge

81 8 2
                                    



"You'll be explaining this part." Sabi ni Mia, sabay abot sa akin ng maliit na papel. Siya kasi ang leader sa group presentation namin sa English. Kailangan naming ma-interpret ang meaning ng mga poems na binigay ni Ma'am tapos ipapaliwanag sa harap.



Minalas ako today na maging ka-grupo siya, pero dahil nandito na, no choice kundi sundin siya. Agad ko naman 'yong kinuha at binasa ang part ng poem na sobrang hirap intindihin. At binigyan lang kami ng 10 minutes para mag-ready!



"Wait lang, ako lang magpapaliwanag?" Tanong ko habang tumitingin sa ibang ka-grupo ko. "Walang tutulong sa akin?"



Nakita ko kung paano samaan ng tingin ni Mia ang mga ka-grupo namin. "Yes, we will just answer teacher's questions later. Madali lang naman 'yan." Nakangiti niyang sinabi sa akin.



Tinignan ko nang masama si Mia. Minamalas ako today, pero hindi ako aatras sa laro niya.



 "Ayoko, hindi naman group activity ito kung hindi tayo magtutulungan." Tumango 'yung isang kagrupo namin pero parang takot siya kay Mia. 



She raised her eyebrow at me at nagtaas ng kamay. "Ma'am? Can we go first? We're actually done and ready to present."



Umakyat lahat ng dugo ko sa ulo. Shet, hindi ko pa natatapos basahin! Bwisit na Mia 'to! "Ma'am, wait please, h-hindi pa po ako talaga kami tapos---"



"We have to wait for everybody to finish, Mia." Sabi ng teacher namin. "And Merielle, speak English in my class." May mga natawa, at isa na don si Mia na intrimida. Inirapan ko na lang siya at binasa ko na lang ang tula.



Natapos ang 10 minutes, and the teacher instructed us to go back to our seats for our presentation. Mabilis naman akong tinabihan ni Damian. "Everything okay? Are you presenting?"



"Oo, okay lang." Hindi ko siya tinignan, kasi busy nga akong intindihin ang The Passionate Shepherd to His Love



Sabi ni Ma'am, madali lang daw ito, pero nakailang andar na ang mata ko sa mga linya ng tula, lover lang ang naintindihan ko. Basta about love, Merielle.  Talk about love mamaya sa klase, kaya mo 'yan!



"I can help you." Kukunin na sana niya ang papel na hawak ko, pero iniwas ko naman agad. 




"Hindi na, kaya ko 'to." 



Unang tinawag ang grupo ni Allain, maayos at maganda ang pagkaka-explain nila. Nagpatawa pa nga si Allain sa gitna at nag-ingay konti ang klase.

Ms. Transferee Meets Mr. SC PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon