CHAPTER 16 : EDI GO!

409 12 0
                                    


Nakatambay kami ni Samuel at Phoebe sa labas ng SC office nung natapos yung klase. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako.



Si Kyle, mawawalan ng pwesto sa Student Council? Bakit kaya?




Anong dahilan?



Seeing him work naman, okay lang. Responsable siya. Palagi nga lang siyang late.



At minsan, hindi na siya pumapasok sa room at wala siya sa SC office madalas. Hindi nga ata pumapasok yon eh.



Yun ba yung dahilan kung bakit siya papatalsikin? Ang OA nila ha!



Kung sa bagay, malaking responsibilidad yung posisyon ng Student Council President.



Nagulat ako nung hinawakan ni Samuel yung kamay ko. Tinignan ko siya. "Hey, are you okay?" Tanong sakin ni Samuel. Tinanguan ko na lang siya.



"Nag-aalala lang ako kay Kyle. Alam kong importante sa kanya yung scholarship niya na yun." Sabi ko. Tinignan ko si Phoebe na sumisilip sa loob ng SC office. Nilingon niya ako tapos umiling.



"Hell to all of them." Sabi ni Phoebe tapos nagsimula nang maglakad. Sinundan namin siya.



"A-anong nangyari Phoebe? Natuloy yung--"



"Of course. Natanggal na talaga si Kyle. Pumalit yung anak ng principal. Expect niyo na rin na mapapalitan na rin ako sa posisyon." Sabi ni Phoebe sabay irap. "Let's go. Alam kong kapag nakita tayo ni Kyle dito, hindi rin siya makakausap. Mas magandang bukas na lang natin siya kausapin. Umuwi na tayo."



Hinila ako ni Phoebe palabas ng school tapos si Samuel naman tahimik na sumusunod samin. "Ano bang problema kay Kyle? Bakit daw siya---"



"Merielle. Kahit alam ko yung dahilan, ayoko namang kumalat yung maling issue. It's too confidential para mai-open sa public. Dapat nga hindi ko sinabi sa inyo yung tungkol sa impeachment na 'yan eh. Anyway, let's go."



Feeling ko parang ang lalim ng issue na tinutukoy ni Phoebe. Naiintindihan ko naman yun na hindi niya pwedeng sabihin. Ang akin lang, hindi ako makakatulog ng mahimbing mamayang gabi dahil sa curiosity ko na laging nangangati!



Sinamahan namin si Phoebe na makipagkita sa jowa niyang si Gino. Kahit okay na kami ni Phoebe, hindi pa din magaan ang loob ko sa bagong bowa niya. 

Ms. Transferee Meets Mr. SC PresidentWhere stories live. Discover now