CHAPTER 37 : This Night Is Sparkling

90 5 3
                                    


"Dalaga na talaga ang anak ko." Naiiyak na sabi ni Papa pagbaba ko ng sala matapos akong ayusan ni Tita. Hindi ko alam kung saan ako mahihiya -- sa suot ko ba or sa pag-iiyak ng papa ko?



"Ang OA mo naman," sabi ni Tita sa kanya. Binalingan naman niya ako ng ngiti tapos inayos niya uliy 'yung buhok kong kinulot niya. "Ang ganda mo lang kasi kaya ka iniiyakan ng Papa mo."



Natawa naman ako. "Pa, hindi ko pa ho graduation! Acquaintance party lang po ito."



May narinig kaming busina ng kotse sa labas, napatingin ako sa wall clock. "Naku, sila Phoebe na yata, 'yan. Ang aga naman nila." Dali-dali kong binuksan 'yung pinto at dumungaw sa labas. Nakita ko si Allain sa passenger seat na nakadungaw mula sa kotse ni Samuel.



"Alis na po ako, andyan na sila."



"O sige ha, mag-iingat kayo." Sabi ni Tita sabay abot ng pouch kong black.



"Hihintayin kita mamaya pag-uwi mo ha." Bilin sa akin ni Papa.



Pagkapasok ko ng kotse ni Sam, pansin kong parang natigilan ang lahat. Tapos nanahimik. Napatingin ako kay Allain at Samuel na nakatingin din pala sa akin kanina pa.



"Oh, my gosh! Sabi simpleng acquaintance party lang, bakit may mga dyosang dumating?" Sabi ni Allain. Naka deep green and violet siyang suit. He looked so elegant. "Nagmukhang tao ka today, Merielle ah. Very pretty, diba, Sam?" Panunukso ni Allain.



He smiled a little. He looked clean and dashing sa gray suit niya. Kung hindi ko lang kaibigang tunay ito, sinamantala ko na 'yung trip nito saken eh. Charot. "Yes, she is." Sabi niya.



Kailangan kong basagin ang awkwardness! "Okay, sino next susunduin?"



"Si Phoebe kasama na niya si Sara." Sabi ni Allain habang nakatutok sa cellphone. "Phoebe had to do her hair and make-up kaya sila magkasama." Paliwanag niya.



"Okay, then." Sabi ni Samuel tapos ini-start na niya 'yung kotse niya. "Let's go."

---

Acquaintance-Farewell Party / New Gen - Main Hall

15 minutes bago mag-ala sais nung nakarating kami sa Main Hall ng New Gen. Medyo marami nang mga students from both schools at ang gaganda ng ayos ng lahat. Parang lahat kumikinang.



Pati teachers at other faculty and admin officers ay naka-pormal na ayos din.



To think na sa dati kong school tuwing prom night lang may ganito? Talagang namamangha si Merielle Saavedra from Quezon Province.



"Dun tayo!" Sabi ni Sara na sobrang gandang dalaga ang datingan sa yellow dress niya at braided hair. "Tara na, before someone got that perfect spot!" Turo niya sa pabilog na table na nasa bandang gilid ng stage.



"You heard the boss, tara na!" Tulak naman sa amin ni Phoebe, na kahit sa sobrang ganda na niya naturally, mas kinaganda at kina-kabog pa niya lalo ang curly hair at white chiffon dress.



Nagmadali kaming umupo sa pwesto at nilagay ang mga gamit namin to save the spot. Tapos non nagsimula na kaming mag-selfie at group pic.



Nakaramdam ako ng ihi kaya um-exit muna ako. Ramdam ko na din na medyo kasi nanlalapot sa pawis na ako, hindi pa umpisa ang program, pakiramdam ko ang panget ko na.



"Hi, Merielle!" Bait sa akin ng babaeng naka-blue na dress pagkalabas ko ng restroom after mag-retouch. Matagal kong tinignan 'yung babaeng kulot na bumati. "Ako to! Si Mia! Mia Alcantara!" Sabi niya habang pa-wave wave pa ng kamay.



Ms. Transferee Meets Mr. SC PresidentWhere stories live. Discover now