CHAPTER 22 : Changes

129 5 0
                                    

Peaches, can we eat together at lunch? :)
I'm with Phoebe and Gino.
-Samuel



Matagal kong tinitigan yung text ni Samuel. Magrereply na sana ako kaso biglang hinablot ni Damian yung phone ko. "Hoy! Ano ba! Ibalik mo nga 'yan sakin!" Sabi ko.



Pero mas matangkad siya kaya talon talon na walang saysay ang inabot ko. Tatlong araw na simula nung malipat ako at araw-araw ganito yung eksena namin sa loob ng room. 



Tatlong araw na akong binu-bully at binu-bwisit ni Damian, tatlong araw na ako nakakatanggap ng 'maayos' na treatment sa mga bago kong kaklase, at tatlong araw ko na ring hindi nakakasama sina Phoebe, Gino at Samuel.



Parang ang dating eh, nung nalipat lang ako ng section, parang naging ibang tao na ako. Hindi ko naman gusto itong nangyayari sakin. 



Sadyang mapaglaro lang si Damian at sobrang daming pinapagawa tuwing tapos ng klase dahil nga raw secretary na niya ako.



'Yung time na pwedeng magkita at magkasama kami, nawawala pa dahil laging kinukuha ni Damian ang phone ko kapag may nagte-text o kapag lunch time niya. Sinasadya niyang paghiwalayin niya kaming magkakaibigan.




Tatlong araw na akong nagtitiis, nagtatago ng sama ng loob, at tatlong araw na akong umiiyak.




Nakakapanghina 'yung nangyari, at ewan ko ba kung bakit wala na yung tapang ko. I mean, matapang pa rin naman akong sagut-sagutin si Damian kung minsan pero minsan, matatakot ka na lang sa pwede niyang gawin dahil may kapangyarihan at pwesto siya.



Samantalang ako, si Merielle Saavedra from Quezon Province, isang transferee na bilang lang ang friends, at ngayon isang SC secretary na, ay sadyang napaka-ordinaryo at powerless na nilalang.



This is all because of that stupid jerk. Wait ka lang sasapatusin kita sa face!



Makakarma ka din, Damian. Kaasar!



"Burahin mo." Sabi niya pagkatapos niyang basahin yung text. "You're having lunch with me in the office. Marami na tayong tambak na gawain. Mga gawaing iniwan ng boyfriend mo na ex-boyfriend ng kaibigan mo." Nakangiti na naman siya. 




Alam kong si Kyle yung tinutukoy niya.



"Hoy, excuse me, hindi ko siya boyfriend." Nalungkot ako bigla dahil naalala ko si Kyle. Nasaan na kaya siya? Saang school na siya? Kung nandito siya walang pahirap sa life namin ngayon.

Ms. Transferee Meets Mr. SC PresidentWhere stories live. Discover now