CHAPTER 20 : The Problematic Problem

345 12 0
                                    

"Miss anong kailangan niyo--" sabi nung babae pagkabukas niya ng pinto sa SC office. Hindi ko siya pinansin at nagpilit akong pumasok. "Ate, sandali lang, bawal dito---" 



"Padaan sabi ehh! May kakausapin lang ako!" Sabi ko sa kanya. Hindi ko napigilang hindi magtaas ng boses sa kanya. Leche! Kung kelan namang on fire na ako sumugod, may papigil-pigil pa silang nalalaman!



"Bawal nga kasi." May sumunod na lalaki sa likod niya at siyang nagpahirap pa lalo na papasukin ako. "Hindi ka naman authorized person--"


"Kakausapin ko lang ang bago ninyong president." Sabi ko habang nagpipigil ng hininga. Nagkatinginan sila. 



"Let her in." Sabi ng boses sa loob. Agad namang sumunod yung dalawa at pinagbuksan ako. Tinignan ko muna ng masama yung babae bago ako pumasok. 



Doon ko nakita si Damian sa loob ng opisina, nakaupo sa trono niya, at nakangiti sa akin na para bang ine-expect niya ako. "Leave us." Sabi niya ulit sa dalawa, at para silang robot na sinara yung pinto pagkalabas nila.




"Merielle Saavedra, right?" Tanong niya sakin habang sumesenyas siya sa upuan sa harap niya. "So you came here to inquire because you are a transeferee and you do not know what's going on. Have a seat, please."



Ka-aura nga ng mukha niya si Harry Potter, pero may pagkaugali siya ng dementors! 




"Anong kalokohan 'to, ha?" Sabi ko agad agad. Wala nang paligoy-ligoy pa.




"What are you talking about, Merielle?" Painosente pa niyang tanong sa akin. "Oh, you must have seen the list outside."



"Anong ginagawa ng pangalan ko dun, ha? Pati yung mga pangalan ng mga kaibigan ko dinadamay mo! Anong gusto mong gawin, maghiganti?"



Tinaas niya ang kilay niya. "What's with the attitude? You must be thanking me that I have chosen you and your friends to participate the School Visit. Minsan lang mangyari ang event na ito sa isang taon. In fact you are lucky, transferee."



"Pero--" Natigilan ako. Yung tipong nawala sa isip ko yung dahilan ng pagpunta ko dito. Sabi niya daw kasi lucky kaming mapasama sa listahan.



Pero bakit ganun yung reaksyon ng ibang estudyante? "Pero bakit-- may narinig ako na masama ang mangyayari samin sa pagbisita sa New Gen High-- ano yun?" Shit ang tanga tanga mo talaga Merielle. Sugod pa more.



"Oh, you just come here and argue when the truth is, you really do not have a slightest idea of what's happening, am I right?" Nakangiti siya nung nakita niya akong hindi makapagsalita. "I admire the bravery you possess, Merielle. But I hate stupidity."



Kahit medyo na-move ako sa sinabi niya, mas nangibabaw ang insulto na naramdaman ko. Leche makakapatay ata ako.



I watched him stand. "As the new president, I cannot just sit here and watch new students to be left uninformed of everything. It is my duty to inform you the ins and outs, the rules, and the games of this school." Dahan-dahan siyang lumapit sa akin at syempre ako paatras nang paatras.



"Anong g-gagawin mo?"



Nagtaas na naman siya ng kilay. "Listen to me carefully, transeferee. Totoo ang lahat ng narinig mo kung kanino man na magiging miserable ang buhay ninyo sa unang tapak niyo pa lang sa New Gen. For years, our school has been their longtime enemy when it comes to excellence. They are hungry for revenge, maybe. I am not just sure about how they could make your stay there a living hell."



"Pero bakit mo nga kami nilagay sa listahan na yon, ha? Anong ginawa ko sayo?"



"Well, wala naman. You guys are friends with Kyle and Phoebe, the traitor." Sabi niya, tapos nagulat ako nung tinaas niya yung kamay niya para hawakan lang naman ang butihing dulo ng buhok ko.




"I am sorry for involving you in this plan, Merielle. Perhaps I could do some rearrangements." 



Anong rearrangements na pinagsasabi niya?



"Sandali nga lang." Medyo nawiwindang ako sa mga sinasabi niya. Siguro epekto lang to ng pag-eenglish niya ng straight at walang tigil o dahil sa paghawak niya ng buhok ko pati utak ko nahila pababa. Lumayo ako ulit sa kanya. "Anong rearrangements ang sinasabi mo?"



"Hindi ko na mababago yung listahan. You and your friends will be official participants of the visit. You will stay there and attend their classes for the whole month, and I cannot control if there will be troubles." Lumapit ulit siya sakin. Pisti ano 'to chacha?  "But since I made a mistake for involving you and your Chinese friend, I will be giving you protection while you are under New Gen High."



Ano daw?  "At bakit mo naman gagawin 'yon? Para hindi makaabot sa school director natin ang mga kalokohan mo?" Natawa ako. "Sorry ka pero ako mismo ang pupunta sa principal para--"



"My father always supports whatever I do, good luck with that. Do you even think he would believe you? Isa pa, hindi ko kasalanan na ang school nila ang magiging host ng School Visit. I do not know what the hell happened and this job was given to me and I had no choice but to do it. Understand this, Merielle. I am giving you the chance to survive your visit in New Gen."



"At paano aber? Papadala ka ng security guard?!" Kung ganito ang gagawin niya okay na. Siguro. Ewan! Hindi ko pa nga alam kung anong klase ng hell yung sinasabi nila na madadatnan namin doon sa New Gen High. Paki ko ba kung enemies sila ng school na 'to? LECHE! 



"No, I have connections. I could talk to them to keep an eye on you while--"



"Sa tingin mo paniniwalan ko yan? Ano ako tanga? Ikaw ang dahilan kung bakit kami nasa listahan, sa tingin mo pagkakatiwalaan kita na protektahan kami?" Leche tong gago na to ha nilalabas niya ang kahayupang ugali ko.



"Kung hindi yun ang gusto mo, fine. What if I could pull you and your friends out of the list, then?" Nakangiti niyang sabi.



"Anong kapalit?" Tanong ko naman agad, dahil alam kong wala nang libre sa mundo at lahat ng mga bagay ay may kapalit. Pinanood ko kung paano lalong lumuwang ang ngiti niya.



"Be my secretary, and your friends will be out from the list -- from the hell." Sabi niya. "Of course I will give you the time to think about it. Perhaps you could give me you answer tomo--"



"Fine." Sabi ko habang nakatingin sa kanya. "Deal."



Ayan na naman siya sa ngiti niya. "Welcome, then."

---


Nadatnan ko yung mga kaibigan ko sa canteen. Dahil tapos na ang regular class, at self studying time na, halos wala nang estudyante sa mga classrooms. At sakto namang nakita ko sila pagkalabas ko ng SC office.



Lalapit sana ako kaso napahinto ako nung nakita kong umiiyak si Phoebe. 



"Kasalanan ko lahat." Sabi niya habang humihikbi. Nandun sina Gino at Samuel na walang ginawa kundi haplusin yung likod ni Phoebe. "I was a bitch and you guys were dragged into this and it's all because of me."



"Hoy, Phoebe!" Sigaw ko para naman magulat sila sa pagdating ko. "Ang drama mo naman, ikaw talaga." Pinunas ko yung luha niya.  



"Where were you?" Tanong niya. "Anong ginawa mo?"



"Nagtanong-tanong lang sa iba. Tapos sumugod ako sa Damian na 'yan." Niyakap ko siya ng mahigpit. "Wag ka nang mag-alala, okay na tayo. Wala na tayo sa listahan."



Bigla siyang kumawala sa yakap ko. "Anong ginawa mo?" Tapos nanlaki mata niya. "What did he do?"



Napangiti na lang ako tapos napakamot. "Nagugutom ako! Samuel libre ka naman oh!"


------

#TheProblematicMERIELLE
Hi readers! *waves*
~FL01

Ms. Transferee Meets Mr. SC PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon