CHAPTER 15 : When SORRY is not enough...

636 20 10
                                    



Isang linggo na akong inii-snob ni Kyle. 



Galit siguro siya dahil dun sa nagawa kong pag-iwan sa kanya nung uwian. Isang linggo na din akong nanghihingi sa kanya ng sorry pero denied palagi. Lagi siyang busy sa SC office. 



Isang linggo na akong medyo malungkot. Isang linggo na ding si Papa Samuel at Phoebe ang kasama ko tuwing recess!




Yes, kasama ko na ulit si Phoebe dahil isang linggo na din silang wala ni Kyle.



"What's wrong, Peaches?" Bulong sakin ni Samuel habang nakasalumbaba ako sa mesa sa canteen. Lumingon ako sa kanan ko kung nasaan siya. Sobrang lapit ng mukha niya. Oh my. 



Umiwas ako sa tingin niya at lumingon naman ako kay Phoebe. Busy siya sa kakapindot sa cellphone.



"What?" She smiled at me. "Nag-away ba kayo?" Pang-aasar niya. Lalong lumukot yung pagmumukha ko. Narinig ko siyang tumawa.



"Alam mo Merielle, nagseselos lang yun si K--" Tinakpan ko yung bibig ni Phoebe at hinila siya sa labas ng canteen. Nag-excuse ako kay Samuel na maghintay siya sa loob. 



"Phoebe naman, wag kang maingay kay Samuel. Hindi niya alam na--"



"Na may gusto ka kay Kyle?" Sabi niya. "Eh ano naman kung malaman niya? Edi malaman niya. Bakit, may gusto ba si Samuel sa'yo?"



"Wala!" Sigaw ko. Sa totoo lang masaya talaga ako na bumalik yung friendship namin ni Phoebe. Pero minsan, nakakainis din eh. Kagaya nito! Imbis na tinutulungan ako eh! 



"Phoebe naman eh. Please? Tikom muna ang chika okay?" Sabi ko.



She rolled her eyes. "Whatever. Alam mo, Merielle? Ang OA mo super." Sabi niya.



"OA? Bakit naman ako magiging ganun?" Napalakas ata ng konti ang boses ko.



"Tignan mo yang reaction mo!" Sabi niya habang tumatawa. "Super OA na nga, super obvious pa! Kaya ang dali mong basahin eh!" Tinaasan niya ako ng kilay. "Alam mo Merielle, mag-sorry ka lang sa kanya ng maayos---"



"Hindi niya talaga ako pinapansin, Phoebe! Pati nga ikaw hindi ka na niya pinapansin. Lagi siyang wala sa classroom tapos nag-sorry na ako sa kanya nung nagkasalubong kami pero hindi niya ako pinansin!"



"Well, maybe sorry is not enough." Sabi niya. Natigilan ako. "Alam mo may feeling ako na may crush sayo si Kyle ehh. Pero, you know, feeling ko lang yun. Kasi ang bilis niyang maka-move on sakin eh. Ni hindi nga siyang nagdalawang-isip nung nakipaghiwalay ako sa kanya. Feeling ko dahil yun sayo. You know, maybe he likes you na." 



Hindi ko nagugustuhan ang mga lumalabas sa bibig ni Phoebe, masyadong nakakatakot at baka maniwala ako.



Nag-init yung mukha ko. "P-pero bakit naman ang super iwas at lamig niya sakin?!"



She glared at me. "Duh! Can't you see and feel it!? He's freaking jealous!" Sigaw niya. "Sa inyo ni Samuel, I guess?"



Parang kumalabog ang dibdib ko ng sobra. Jealous siya? Dahil ba yun sa palaging kasama ko si Samuel? Nagseselo---



"Peaches!" Tawag sakin ni Samuel. Nilingon namin ni Phoebe si lalaking pogi dala-dala yung mga bag namin. "Time na. Let's go?" Ngumiti siya. "Sorry to interrupt your girl talk, but it's time."



Kinuha ni Phoebe yung bag niya. "Thanks Sam. I guess mauuna na ako sa room." Sabi niya sabay gora. Naiwan kaming dalawa ni Papa Sam. Pag tinitignan ko siya naaalala ko yung kiss niya. At naaalala ko din yung inis na mukha ni Kyle!



"S-salamat." Bulong ko sabay abot sa bag ko. Pero hindi niya binigay yung bag ko. Tinaas niya pa sa lugar na hindi ko naaabot. Asar. "S-samuel, akin na yung--"



"Not until you tell me what's bothering you." Sabi niya in a seryosong voice. Shet. Nakatulala lang ako sa kanya. Ang pogi din nito eh. "Peaches?" Tawag niya sakin.



"H-hah? Ano?" Napakamot ako ng ulo. "K-kasi ano... may problema lang ako sa bahay eh." Sabi ko. "P-pinagalitan ako ng Papa ko dahil betlog ako sa long test natin sa math nung isang araw." Pagpapalusot ko. 



Pero totoong betlog talaga ako sa long test na yun. 360 degrees nga na bilog sa test paper ko eh. Pero hindi yun yung dahilan kung bakit ang gulo ng buhay ko ngayon. Dahil kay Kyle!



Tumango-tango si Samuel. Meaning lumusot yung palusot ko at pinaniwalaan niya. "Wait, peaches, what's betlog?"



Natawa ako bigla. "Edi itlog! Duh!?" Nakita ko yung mukha niya na parang napahiya siya sa reaction ko. "S-sorry. Pang-mahirap kasing term yun eh. A-ano... betlog means... zero. Bilog kasi yung zero diba? Parang itlog. Ayun." 





Hooo! Hirap din mag-explain eh!



"Oh, so you got betlog." Sabi niya habang tumatango. "Wait, why? You didn't study before the test?"



"Ah, oo." Sabi ko. Binalik na niya yung bag ko at sabay na kaming naglakad papuntang room. "Wala kasi akong notes nun eh. Tinamad ako magsulat." 



"Well, maybe I can help you. I will lend you my notes." Sabi niya. "And I can give you a private lesson." He winked at me. Namula naman ako sa sinabi niya. 



Nginitian ko lang siya sabay pasok na ng room. Saktong nakabangga ko si...



Si Kyle!



"S-sorry!" Sabi ko habang nakayuko. Pagtingin ko sa kanya, nakatingin siya kay Samuel at dinaanan lang ako. Coldness overload! 



Hinila ako ni Samuel sa upuan namin na dating upuan ni Kyle. Nasa unahan na kasi siya nakaupo eh. Tinignan kong lumabas si Kyle sa room papuntang ewan. "Did you guys have a fight?" Tanong sakin ni Samuel. "I can sense he's pissed."



"Yes, he is." Sabat ni Phoebe. Pinanlakihan ko siya ng mata para manahimik. "Probably annoyed because the council is in chaos." Sabi niya.



"Chaos?" Sabay naming tanong ni Samuel. 



She rolled her eyes once again. "Didn't you guys know? Pinapatalsik na si Kyle bilang president ng council." Sabi niya. "Ngayong araw yung impeachment, actually. Akala ko alam niyo?"



"B-bakit daw?" Tanong ko. "Saka bakit wala ka dun? Diba vice president ka?"



"Duh? Isn't it obvious? I'm here because I don't want to vote him out. Lahat ng officers na pupunta doon ay gusto siyang paalisin. This position is so important for Kyle. Doon nakasalalay yung scholarship niya." She explained. "I maybe a bitchy ex-girlfriend, but I know how to care for a person like him."





Hala.





______

#MERIELLEandtheEXCITINGPART

~FL01

Ms. Transferee Meets Mr. SC PresidentWhere stories live. Discover now