CHAPTER 33 : Conflicts... again?

91 4 5
                                    



Matapos ang game, sabay-sabay pa rin kaming kumain ng lunch ng usual gang. Nanlibre si Allain ng softdrinks at ibang ulam sa cafeteria kasi nga, si Samuel ang naging MVP at nanalo ang klase nila.


Masaya naman ako, pero hindi pa rin mawala sa isip ko 'yung iyak ni Sara. At 'yung magiging effect ng ginawa kaninang stunt ni Samuel sa kalagitnaan ng game. I am so dead.


"Gino could have won this too!" Sabi ni Samuel after niyang ikwento ulit 'yung laro sa amin. 


"Oo naman, nagsend nga ako ng video kanina eh, he was so jealous." Dagdag ni Phoebe.


Patapos na akong kumain nung tinawag ako ni Samuel.


"Peaches?" Tawag sa akin ni Samuel. Napatingin ako bigla sa kanya. "Can I talk to you for a sec?"


Lahat sila napatingin sa akin. Pati si Sara. Oh no. "Ahm, ano..."


"Go on guys," nagulat ako nung nagsalita si Sara bigla. "We'll wait here."


Sa likod ng cafeteria ko siya niyaya, kung ano man ang gusto niyang pag-usapan namin. "Congrats ulit, Samuel..." I said awkwardly.


"Thank you, Peaches." Tapos non parang nag-ayos siya ng composure niya. He even cleared his throat before speaking. "We have been friends for quite some time now and we spent enough time to get to know one another."


"Samuel..." Shet, eto 'yung mga linyahang pinapanood ko lang sa TV, at pinagnanasaan kong sana mangyari sa akin in real life. 


Nangyayari na nga, pero...


"I like you, Merielle." He finally said it. He likes me. "I don't know why or how, but I knew I liked you and your funny, quirky, smiles when I met you. I like you, and I just want you to know that."


Then hinawakan niya 'yung kamay ko. "Now that Kyle's here, I know I have to fight harder for you, and I will."


"Samuel." Gusto ko siyang pahintuin. Pero ayoko siya makitang ma-disappoint.


"I know it will be hard now that he's around here, but I will do anything, Merielle."


At this point, parang kailangan kong sabihin talaga 'yung totoo. He was honest, at siyempre deserve niya ring maging honest ako sa kanya. Diba? 


"Samuel, I'm sorry..." Unti-unting nawala 'yung higpit ng kamay niya sa akin. "We've always been friends at mas gusto kong ganun tayo."


Who wouldn't fall for him diba? Parang ang romantic ng lahat pagdating sa kanya. Pero...


Bakit may pero, Merielle?


"Do you still like Kyle, after everything he's put you through?" May kung ano sa boses niya. Parang ngayon ko lang nakita 'yung galit niyang ganito. "Or was it because of the new President? Damian?" Napaangat ako ng tingin sa kanya. "Yes, I know. Gino told me."


Napailing ako. "Dahil 'yon sa mas gusto kong pahalagahan  'yung friendship natin over any other things, Samuel. Naniniwala akong mas lalalim ang connection natin as friends." Napahinga ako nang malalim. "Samuel, sana maintindihan mo. Ikaw ang isa sa mga taong ayokong masira at mawala sa akin, dahil lang sa mga ganitong bagay."




Totoo naman. Mas gusto ko pang maging friends kami dahil sure na forever relationship namin as friends.



He was silent for a long time. "Sara likes you." Hindi ko mapigilan 'yung bibig ko. Shit, it wasn't my story to tell.


Ms. Transferee Meets Mr. SC PresidentWhere stories live. Discover now