CHAPTER 3 : Studies First?

1.4K 31 2
                                    


"Sino ka?" Tanong niya sa akin. 



OMG. Di pa nga pala niya ko kilala. Jusko Merielle, bakit ka naman niya dapat makilala? Ganoon ka ba kaganda, ha?  At saka bakit ba kanina ka pa nakatingin sa kanya? Bet mo ba?





Well, siguro.



Nag-smile ako sa kanya. Nag-iisip ako ng magandang intro pero biglang nangunot noo niya. 




"Sino ka nga?" Ulit ni Mr. Pogi. Sandali lang! Nagmamadali?




"Siya yung bago nating classmate. Yung transferee. Si Merielle." Paliwanag Phoebe na nasa harapan na pala namin.




Say goodbye sa prepared introduction. Say goodbye, missed chance.




"Ah, ganun ba?" Lumingon ulit yung lalaki sakin tapos nginitian niya ako. Pakiramdam ko para akong nawawalan ng hininga.




MERIELLE. Umayos ka. 




Wag kang malandi. Pagaaral ang inaatupag mo, okay?





"Welcome sa Class A!" Bati nito habang hinahawakan niya ang kamay ko. Nakatulala lang si Merielle Saavedra from Quezon Province... anong ginawa ko sa past life ko at naka-deserve ako ng ganitong classmate at seatmate?




"Shit, I forgot." Singit ulit ni Phoebe. "Siya si Kyle Martinez, President natin." Nakangiti niyang sabi. Alam mo Phoebe mabait at maganda ka, pero no need to singit-singit dahil okay na ko. Pwede na kong mabuhay sa St. Mary High. Okay na okay na ko promise.




"Ah, ganun ba? Hehehe..." Sabay tingin kay Kyle.




Narinig kong nag-ehem si Phoebe. "Kyle ba't ka na naman late, ha? Ikaw na bahala dito. Napaka-zoo na naman ng room kanina eh. May pinapasagutan kasi si Maam Sanchez." Sabay tabi niya kay Kyle.



Bali, pinapagitnaan namin ni Phoebe si Kyle.



Ewan ko bakit ang weird. Awkward. Eh maganda naman yung tumabi. Basta, ewan. Hindi ka kasi nagbawas kaninang umaga, Merielle.




"Pasensya na Phoebe, may dinaanan pa kasi ako. Tapos traffic." Pakamot na sinabi ni Kyle. "Ako na ang bahala sa mga power rangers nating classmates." Sabi niya sabay tayo.




Ayan na naman ang napaka-ganda niyang smile. Siya lang ang nakita kong lalaki na ang cute pag nangangamot. Yung iba kasi, parang may kuto, garapata, or balakubak sa ulo kung mangamot eh!




Nung nasa harap na si Kyle, kinalampag niya yung desk para kumuha ng attention.



"Classmates... ipapasa niyo yan sakin bago mag-6:50. Okay?" Sigaw ni Kyle sa harap. Tapos gumagawa na din siya ng seatwork, pero nakapwesto na siya sa teacher's desk.




Lumipat si Phoebe sa upuan ni Kyle para magkatabi kami. "Uy, hindi ka pa ba gagawa?" Tanong niya sakin.



"Ah, eh. Eto na, gagawa na ako." Tapos kinuha ko na yung libro ko sa bag ko at nagsimula na din ako magsagot. Hindi porke may cute sa klase kakalimutan mong mag-aral.i



"Gusto mong sabay tayo mag-recess mamaya?" Tanong ulit ni Phoebe.



"Sige ba." Sagot ko naman. Yes, sa wakas! May kasabay na ko sa pagkain!



Sabi na nga ba eh, it will soon turn out good.



__



RECESS / CAFETERIA



"Merielle... may hinahanap ka ba?" Tanong sa akin ni Phoebe. Napansin niya siguro akong lilingon-lingon habang kumakain kami. Hinahanap ko kasi kung saan na nagpunta yung SC President, baka sakaling dito kumain kasabay namin. Since he was so nice kanina. 




"Ahh wala. Napansin ko lang na dumami yung tao." Palusot ko. 




"Wala siya dito. Baka nasa Faculty na naman yun." Sabi ni Phoebe sabay ngiti.




Nangunot ang noo ko kasi parang nababasa niya ang isip ko. Masyado ba akong obvious?




"Huh?" Sabi ko na lang para kunwari di ko alam sinasabi niya.




"Sus, halata naman na si Kyle Martinez yung hinahanap mo eh." Sabi niya habang nakangiti, parang nangaasar pa siya.




"Hindi no." Natawa lang ako nang mahina. Aminin mo na Merielle, minsan di umeepek ang lying skills mo. 



"Gwapo siya, right?" Tanong ulit ni Phoebe. Nginitian na naman niya ko bago siya uminom ng juice. Ewan ko ba pero yung tingin niya sa akin biglang nakakailang. Ganda niya kasi. Nakaka-wala sa sarili yung mukha. Parehas sila ni Kyle. 




Speaking of Kyle -- oo, ang pogi niya. Wait -- feeling ko hindi pwede yung term na 'pogi' sa kanya. 




"Hehe, Oo nga ehh.." Sagot ko. "Actually, ang daming pogi at magaganda rito." 



Sa dati kong school marami rin naman, pero kasi dito, kakaiba ang mga estudyante. Kung kami sa dating school ko naghahabulan pa at nagbabasaaan ng sago't gulaman, ang bagong environment ko ay puno ng mga sopistikadang babae at mala-artistang lalaki. 



Kutis mayaman sila, ako at ang mga besties ko sa dati kong school ay kutis-kutisan.



"Maraming nagkakagusto sa kanya pero kahit isa dun wala siyang pinapansin." Paliwanag ni Phoebe.




Talaga? Snobbers din pala si Kyle? Keri lang, may karapatan naman siya. Pero, at least, approachable siya. Di tulad nung ibang boys na pogi, ngitian ko lang, akala mo hinipuan ko na. Nakikipag-friends lang naman. 



At sobrang seryoso ng ibang students dito.


Kaya no wonder na mapansin ko si Kyle, kasi approachable siya, at friendly rin. Well, cute na rin. Pero paano kaya nasabi ni Phoebe na hindi siya namamansin masyado ng girls?


"So medyo suplado din pala sya." Yun na lang nasabi ko. "Matagal na kayong friends?" Tanong ko. Mukha kasing ang dami niyang alam tungkol kay Kyle.




Teka nga. 




"Hindi naman. Friendly naman siya sa lahat. Kaso lang, kailangan niyang limitahan dahil nga  may girlfriend siya." Patuloy ni Phoebe habang nangingiti.



Halos mabugahan ko siya ng kinakain ko dahil sa pagkasamid ko.


___

FL01

Ms. Transferee Meets Mr. SC PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon