CHAPTER 58 : The First and Last Time

98 7 5
                                    

DAY 3 - INTERSCHOOL SPORTFEST - St. Mary High's Sports Field



Katulad nung first two days, sobrang ingay ng crowd na nanonood sa school field kung saan gaganapin ang Track and Field ngayon. Naguunat-unat ako habang pinapakinggan ang iba't ibang cheers ng bawat schools na kasali. 



"Merielle!" Napalingon ako kay Allain na may dalang camera, nakipagsiksikan siya sa gilid kung saan halo-halong students ang nandoon. "Picture dali! Ang ganda ng pwesto mo!" Sabi niya, at buti na lang malakas ang boses niya para maintindihan ko. Ngumiti naman ako. 



"Perfect!" Sumenyas si Allain na aalis na siya at babalik sa pwesto nila kung nasaan ang mga kaibigan ko. Medyo malayo sila dahil sobrang bumuhos ang mga nanood ngayon.



Sobrang dami kasing tao ngayon dahil third day na ng Sportfest. Dumagsa ang tao ngayon kasi natalo ang school namin sa swimming and  tennis games nung first day at nasungkit ng Brighton at New Gen ang mga medals. 



It was an invitation para pumunta ang mas marami pang students galing sa school nila para panoorin ang pagkatalo namin.



Maraming categories ang Track and Field kaya naka-sched ito ng isang buong araw. Sa women's relay ako nilagay. Pinanindigan ko na lang rin, dala ng kailangan kong patunayan sa mga classmates ko na hindi ako talunan.



Hindi sumali si Sara kasi gusto niya raw enjoy-in ang free day dahil walang klase. At dahil gusto niya raw tutukan si Samuel na suportahan sa laro niya sa basketball.



Ganun lang rin naman ang gusto ko sana, kaso napikon lang ako nung isang araw sa panunukso sa akin eh. Kaya pinagpatuloy ko na lang ang pagsali ko dito.



Nag-hudyat at pumito ang starter na instructor sa ibang school. At sabay-sabay kaming sampung runners na tumakbo nang mabilis. 



The crowd's noise went louder and louder, lalo na nung mapansin kong nangunguna na naman ang Brighton. Pinilit 'kong bilisan, this time, I am careful. 



Kahit hindi ako panalo. Basta 'di lang ako madapa.



Pumapang-apat ako sa relay. Naririnig ko ang cheer ng St. Mary High at ang tambol na dala ng New Gen. Magkahalong excitement, kaba, at hingal ang nangingibabaw sa akin ngayon. Nag-prepare naman ako, kahit papaano , bago ang araw na 'to.



Ayun nga lang, wala akong sapat na training.



Hindi ko kakilala ang mga kalaban ko pero pamilyar 'yung dalawang schoolmates ko. Pumapangalawa 'yung isa, at nangunguna talaga si ateng taga-Brighton. Ang bilis niyang kumilos!



I huffed and continued to run as fast as my feet would allow. Medyo sumasagabal ang buhok ko, nakalimutan ko pang itali. 



Kahit alam kong mukhang bruha na ako, sinikap kong unahan 'yung mga nangunguna sa akin hanggang nasa likuran na lang ako ng nangunguna sa race.



"I didn't come here to lose." Nagawa pang magsalita ni ate from Brighton. "Sorry!" Tapos non,  may mas ibinilis pa ang pagtakbo niya. Ang tindi niya! Para akong nawawalan na ng hininga.



I forged on and ran.



Nakatutok lang ang tingin ko sa puting finish line na konti na lang malalampasan ko na. 



Then, the next thing I knew, some of St. Marynians are cheering for me. I was the second to finish the race. 



Hinila ako sa kamay ng PE teacher naming si Mr. Ramos na tuwang-tuwa. Tapos non tinaas niya ang kamay ko sa ere. "Congrats!" Sabi niya tapos nabaliw na naman ang crowd.



Ms. Transferee Meets Mr. SC PresidentWhere stories live. Discover now