CHAPTER 30 : Bahala na!

89 5 2
                                    

DAY 16 / NEW GEN / SCHOOL HOURS


Halos kalahating buwan na din kami sa New Gen at medyo nagkakasanayan na din kami ng mukha. Simula nang nag-announce si Damuhong Kyle (New Gen's Student Council Leader) na nire-record yung mga concerns and reports, medyo nag-lie low ang mga students sa pambu-bully or somehow, naging peaceful ang stay namin sa school nila.


Dapat lang naman diba?


Pero minsan hindi pa rin maiiwasan na may magkairingan, mag-away, or magkasagutan dahil sa pagkakaiba namin.


Gaya ngayon.


"Alam niyo pwede namang hindi na lang kayo pumasok dito eh. Diba spoiled naman kayo at masyado naman kayong maaarte?" Sigaw ng lalaking taga New Gen. Pinapalibutan siya ng maraming estudyante. Kaagad akong lumapit sa crowd.


Iniwan ko ang klase at dali-daling tumakbo dahil si Phoebe nanghingi ng tulong. May kaaway daw si Gino. At eto na nga 'yon.


"Ah, spoiled at maarte ba?" Boses ni Gino yung narinig ko. Pinilit kong hawiin yung crowd para pumagitna sa kanila. Bago pa mahuli ang lahat. Gino, please think smart!


"GINO!" Boses ni Phoebe ang nag-guide sa akin para dumaan at makapunta sa gitna.


"Merielle! Over here!" Sigaw naman sakin ni Samuel. Binilisan ko pa lalo.


Pero it's too late. Dahil nagsasapakan na yung taga-New Gen at si Gino. "Ano? Ngayon ulitin mo ulit yung sinabi mo! Ang tikas tikas mong gago ka ha!" Paghahamon pa ni Gino.


"Gino! Tumigil ka please!" Halos masubsob si Phoebe kakapigil kay Gino na pinapaulanan ng suntok yung isa. Lumapit na din ako at hinila ko yung taga-New Gen. Napatingin ako sa paligid. Wala bang teachers? Walang magsusumbong?


"Hoy!" Sigaw ko sa mga nakatunganga lang. "Magsumbong na kayo sa teachers at guards! Ano pang ginagawa niyo ba't nanonood lang kayo dyan?!" Nakakaloka nagawa pang manood ng mga ito nagpapatayan na sila!


Yung ibang taga-New Gen chini-cheer pa yung pambato nila, talagang taga-St. Mary lang yung umaawat both sides. Nakita kong tumakbo na si Sara sa labas para siguro humingi ng tulong. What the hell?


Nasuntok muli ni Gino yung lalaki at naitulak nila ako paatras nang malakas. Shit! Kaagad namang bumawi yung lalaki at doon napuruhan si Gino sa mukha ng ilan pang suntok.


"Tangina mo! Papalag ka ba, ha?! Di ka papalag saken, tangina ka!" Sigaw ng lalaki.


Isang malakas na pito yung narinig ko, at kasunod non ay agad na nag-disperse ang crowd. Nagkatinginan kami ni Phoebe na parang naiiyak na. Hawak niya si Gino na medyo nagmaga na agad yung mukha, at hawak ko naman itong walang-hiyang lalaki na ito.


"Bitawan mo ko bibigwasan kita!" Sigaw sa akin ng lalaki.


"ENOUGH!" Napalingon kaming lahat sa may-ari ng boses. Si Mr. Baldivia, kasama ang ilang teachers at si Kyle. Maraming nagsitakbuhang estudyante at naiwan na lang kami nila Phoebe, Sara, at Samuel. "Can someone tell me what on Earth happened here?"


Binitawan ko na yung lalaking taga-New Gen. "Sir, sila yung nag-umpisa--"


"Are you involved again, Ms. Saavedra?"


"Hindi po!" Sabi naman ni Phoebe. "It was them--- that guy--"


"Other students who are not involved should go back to their rooms." Sabi ni Kyle. Hindi ko mapinta yung mukha niya. Parang kasalanan pa yata namin?


Ms. Transferee Meets Mr. SC PresidentWhere stories live. Discover now