CHAPTER 60 : Every First Is Awkward

111 7 5
                                    

One week matapos ang Sportfest, busy na naman ang St

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


One week matapos ang Sportfest, busy na naman ang St. Marynians sa Foundation Week. Naka-move on na ang St. Marynians sa pagkapanalo ng New Gen sa Sportfest. Isang linggo na namang walang klase at panay reminders lang ang mga teachers sa amin tungkol sa deadline ng mga ipapasang projects bago matapos ang taon.


Pang-apat na araw ng Foundation Week, parang nagsawa na kami kaagad tumambay at magpalaboy-laboy sa mga pakulo ng bawat klase pagdating sa booths na nakakalat sa campus. 



Kaya naman nasa usual spot na lang kami sa cafeteria lagi tumatambay hanggang sa pwede nang makauwi. Kasalukuyan akong nakatunganga sa announcement screen sa cafeteria. 


Kahapon lang ito nilabas at ngayon nagkakanda-gulo na sila Sara, Allain, at Phoebe kung anong mga isusuot nila.


December 16th. Kanina ko pa pino-problema ang date ng Christmas Ball na kasabay ang surprise birthday party namin kay Phoebe.


Naka-ready na ang lahat para next week. Kaso itong SC Office, late na maglabas ng announcement!


"Siguro I will try black this time, what do you think?" Tanong ni Allain habang nagsusuklay ng buhok niya.


"Merielle, Phoebe, do you need dresses for the ball? I can lend you some! Just help me with my look!" Sabi naman ni Sara.


"That's great idea! Pwede rin namang mag-shopping tayo?" Phoebe suggested.


"Guys? When do you plan to submit the performance tasks we're asked to do?" Si Samuel, walang pakialam kung hayahay or hindi, talagang trip niya ang pagaaral.


Napatingin ako lahat sa kanila. Hindi niyo ba makita ang totoong problema?! Magkasabay ang Ball sa birthday ni Phoebe!


Sikreto kong tinext 'yung tatlo about sa concern. Sabay-sabay nilang binuksan 'yung message at bigla silang na-rattle, pero hindi nila pinaalam.



Sakto namang tumayo si Phoebe dahil tumawag si Kyle. Agad kaming nagkumpulan. "Oh no, we're doomed! Paano natin siya isu-suprise?!" Bungad ni Sara.


"Maybe we can just ditch the ball? Since Phoebe is more important?" Sabi ni Samuel at lahat napatingin sa kanya.


"Seryoso ka? It's a night to remember! A night of a lifetime nga, nakalagay! Tapos hindi tayo pupunta?!" Sigaw ni Allain.


"Guys! Kalmahan niyo nga." Napapakamot ako sa ulo sa mga 'to. "What if dito na lang din sa school natin siya i-surprise?"


At dahil doon sa suggestion ko, ako na ngayon ang namomoblema kung paano mangyayari 'yon.



Ms. Transferee Meets Mr. SC PresidentWhere stories live. Discover now