CHAPTER 14 : Oh no, Oh no no no no

617 16 4
                                    

Namumuo na pawis. Nanginginig na kamay. Malikot na mga mata. Tikom na bibig. 



"Huuy. Kanina ang daldal mo sa room tapos ngayon naman ang tahimik mo." Sita sakin ni Kyle while I'm hyperventilating-slash- kinikig. Yumuko ako para itago yung parang ketchup kong mukha. What the hell?



"Ang weird mo talaga." Ginulo niya yung buhok ko.



"Guluhin mo na buhay ko, wag lang buhok ko." Sabi ko sa kanya.



"Ano bang nangyayari sa'yo ha?" This time huminto siya sa paglalakad.



Then nilapit niya yung oh-so-good-looking face niya sakin. Shet. I felt my heart slammin' and jumpin' against my chest.  



I felt his hand over my forehead. "Wala ka namang lagnat. Pero bakit mukha kang nagtatae?"



Sira-ulong poging creature na 'to. 



"Hindi ako natatae!" Sigaw ko sa kanya tapos tapik ko ng kamay niya. Then lakad ng mabilis. Pero humabol siya sa akin. Trip niya lang siguro akong asarin.



Masama bang kiligin dahil kasabay ko siya umuwi galing school? Ha?



"Weirdo! Wait up!" Sabi niya. 



"Mauuna na ako may dadaanan pa kasi ako!" Sabi ko sabay takbo papalayo. Kumanan ako sa isang kanto tapos sinilip ko kung sumusunod ba siya.



Disappointment overload. Wala hinayaan nga ako nung kumag.



Sinampal ko ng malakas yung pagmumukha ko. "Ang tanga mo talaga! Chance mo na nga yun eh! Nagpapaka-Maria Clara ka pa! Gaga ka!" Sigaw ko sa sarili ko. 



"Okay, that's weird." Napalingon ako bigla. At nakita si Samuel na nakangiti sa akin.



"Hoy!~ A-anong ginagawa mo dito?!" Syete nakita niya bang sinasadista ko yung sarili ko?!



"Uhm, this is my way home, actually." He smiled. "Why are you...?" Tapos umubo siya. "Why are you scolding yourself?" 



 Okay, he thinks I'm crazy now. 



"W-wala lang. Hehe." Inayos ko yung sarili ko. "Minsan healthy kapag kinakausap mo yung sarili mo. You know." 



Tumawa siya. "Should I walk with you? Or are you going somewhere?"



"Ahhhh...." Lumingon lingon ako. Okay lang siguro kung kami na lang ang magsabay? Nakakailang kasi kapag si Kyle yung kasabay ko ehh. "Alam mo ba yung bahay ko?"



___

Dumaan muna kami ni Samuel sa isang convenience store. Sabi niya kasi may bibilhin lang siya so ako naman naghintay na lang sa labas. Baka kasi ma-tempt akong gumastos kapag nakakita ako ng lalamunin.



"Sorry for the long wait." Sabi niya. 



OMG. Hotdogs on stick ba yun? Burger ba yun? Tsaka Milk Tea ba yun?!



"Wow. Andami naman niyan." Sabi ko. Nagulat ako nung inabutan niya ko ng burger, hotdog at milk tea. "T-teka hindi naman ako humihingi--"



"My treat. Ayoko namang maglakad tayo ng nag-uusap lang. Gutom kasi ako ehh." Sabi niya tapos kumagat siya ng malaki sa burger. "Don't worry, hindi kita sisingilin dyan."



Napangiti ako. Eh kung ganito lang ba ng ganito edi magkakasundo kami! Hindi katulad nung kumag na yun! Gwapo nga pero kuripot! Ni minsan hindi niya ako nilibre ng kahit na ano! Pero binigyan niya na ako ng pagkain. 





Pero hindi pa rin libre yun! Hindi pa rin ganito kasarap!



"Uy salamat ha." Sabi ko. "Minsan try kong ilibre ka ng ganito. Nagtitipid kasi ako. Kapag hindi ako gipit, next time." 



"Then I'll wait." Sabi niya.



5:48 pm. At nandito na kami sa tapat ng bahay ko. "Uuuy peaches, salamat sa paghatid ha?"



Natawa na naman siya. Teka may saltik ba to sa utak? "Sorry, hindi lang ako sanay na may tumatawag sakin ng ganyan. Maybe I'll get used to it." Then he smiled. 



"Ah. Okay. Oo. Ako din dati ganun ehh. Gusto mo bang palitan? How about popcorn? pancakes?"



"I think that it would be better if we stay on Peaches." Sabi niya.



"Okay! Peaches. Salamat sa paghatid! At sa paglibre!" Sabi ko. 



"Wait." Hinila niya ako tapos hinalikan niya ako.



Hinalikan niya ako sa----HINALIKAN NIYA KO SA PISNGI! 



"Goodbye, then." Sabi niya tapos pinisil niya yung kabila kong pisngi. "See you tomorrow?"



Me tulala sa horizon. Nag-nod lang ako tapos tinignan siya sa kawalan habang naglalakad papalayo.



Kinakabog ng malala yung dibdib ko. Shete! Yung puso ko biglang nalalaglag! Hindi pwedeng basta-basta lang ako hahalikan. Nilibre lang ako hinalikan na ako?!



Friendly kiss lang naman sa cheeks yon.



Baka ganon mga mayayaman.



Ah ewan!



Nababaliw na ako! 





"Wow." May narinig akong pamilyar na boses. Lumingon ako at nakita ko si Kyle sa likod ng isang kotseng naka-park sa tapat namin. "Siya pala 'yung dadaanan mo ah?" Nakangisi si Kyle sa akin nung sumulpot siya somewhere.



"Ah, Kyle! Mali! Mali ang iniisip mo, hindi ganun 'yon--"



"I was worried. Akala ko kung ano nang nangyari sayo kasi naunahan pa kita dito." Umiling-iling siya tapos napangiti. "Anyway, I believe you're finally home safe. Sa susunod magiingat ka kapag naglalakad kang pauwi ha?"



Hindi ko siya maintindihan.



"Sa sobrang takbo mo nalaglag mo 'to." Inabot niya yung wallet ko. Shet, yung wallet ko!  "Sobrang pagmamadali mong makita si Sammy. Next time, talasan mo naman, Merielle. Medyo stupid." Tapos nun um-escapade na siya.



"Kyle. Sorry!" Sigaw ko, pero parang wala siyang narinig. Nag-wave lang siya ng kamay niya.



Guilt overload. 



Bakit siya ganun? Galit ba siya?



Galit ba siyang nakita niya kami ni Samuel?



So it means... it means ang OA ko na naman at masyado akong nagja-jump to conclusions.



"Oh, Merielle kanina ka pa nandyan? Nagkausap na kayo ng classmate mo?" Sabi ni Tita pagbukas niya ng pinto.



"Huh?"



"Kanina pa yung classmate mong naghihintay sa'yo eh. Nagkausap na kayo?"



"Ah, opo." Ang weird. Kung kanina pa nakita ni Tita si Kyle, dapat sa kanya na lang niya binigay yung nalaglag kong wallet. Hindi siya maghihintay sakin.



OMG. Ano to?!



Could it be that?



"Oh sige na pumasok ka na dito at tulungan mo kong magluto." Sabi ni Tita. Pumasok na ako ng bahay tapos takbo paakyat ng kwarto. 



Bwisit 'yang mga moves mo Kyle ha! 



______

~FL01

Ms. Transferee Meets Mr. SC PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon