CHAPTER 57 : Bad Blood Boiling

100 6 2
                                    

The following week after ng incident sa meat shop, at after idaldal ni Phoebe kay Damian ang mga sikretong tinatago ko, pansin ng lahat sa room ang absences ni Damian sa klase.



Tatlong araw na siyang hindi pumapasok. 



It was a big talk, actually.



Tatlong araw nang wala si Damian. Hindi ko naman siya magawang tawagan o i-text kasi hindi ko alam kung sasagutin niya. Ang alam ko lang, galit na galit siya na tinago ko 'yung tungkol kay Mikko Mendez at mga threats ni Mia sa akin.



Isang malaking question mark pa rin 'yung gagawin niya. 



Pero bakit ba kasi hindi siya pumapasok?



Si Mia mukhang nag-lie low sa pagtataray at pamamansin sa akin. Ayokong ipakita na naaapektuhan ako sa threats niya. Pero dahil alam na ni Damian, at wala siya ngayon dito, natatakot ako ng slight.



"Naririnig mo ba ang sinasabi ko, bakla?" Tanong sa akin ni Allain tapos nun sinabayan na niya ako sa paglalakad papuntang cafeteria para mag-lunch. "Very busy ang sched ng St. Mary simula next week." 



Napalingon at ang nagkibit-balikat. Wala na ako sa council kaya hindi na ako aware sa school activities. "Next week, tayo ang host ng Annual Interschool Sportfest. Tapos sumunod na week naman ang foundation day  ng St. Mary High. Then the week after that, Christmas ball na!" 



Napatigil ako sa mga sinabi niya. "Christmas ball?" 



"Oo, tignan mo dali!" Hinila niya ako papasok ng cafeteria at dali-daling tinuro 'yung announcement na naka-flash sa TV screen.

"Oo, tignan mo dali!" Hinila niya ako papasok ng cafeteria at dali-daling tinuro 'yung announcement na naka-flash sa TV screen

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


'Yung mga sumunod na slides sa announcement ay iba pang schools na kasali, pero sa ibang schools gaganapin ang competition dahil hindi naman pwedeng lahat ng schools pagsama-samahin sa iisang lugar. 



Napanganga ako sa mga logo ng schools na nakikita ko. "New Gen na naman?!" Napasigaw ako. Naramdaman kong lumapit sila Sara, Samuel, at Phoebe sa kumpulan ng students na nagbabasa sa iba pang announcement slides. At kasama ang Brighton!



Kaya siguro wala si Damian dahil abala na naman siyang mag-asikaso sa mga events na gaya nito.



"Yes, but this time, sila naman ang pupunta sa atin." Nakangiting sabi ni Phoebe. "It's exciting, isn't it?" Hindi ko siya pinansin. Simula nung pinangunahan niya ako kay Damian nung nakaraan, parang ang hirap niyang pansinin.



"Come on, Merielle, it's been days." Tawag niya sa akin.



"Will Kyle be playing?" Tanong ni Samuel. "I want to join the basketball game."



"Perfect!" Sigaw ni Allain habang nagtatalon. "Pero hindi ba kayo nae-excite sa foundation week at Christmas ball?"



December na nga pala. Ang bilis nga naman ng panahon. "Hindi." Matipid kong sabi pagkatapos nun ay bumalik na ako sa upuan namin. Inunahan ko na rin silang kumain, maya-maya ay sumunod na sila.



Ms. Transferee Meets Mr. SC PresidentWhere stories live. Discover now