CHAPTER 53 : Everything Has Changed

86 6 4
                                    

Come back and tell me why
I'm feeling like I've missed you
All this time
And meet me there tonight
And let me know that
it's not all in my mind



"Merielle Saavedra, will you answer question number four?" Napatingin ako kay Ma'am nang narinig ko ang pangalan ko. Pero hindi ko siya naintindihan kasi lipad ang isip ko.



Kaagad kong nilingon si Allain at tinuro niya ang libro namin.



Ay shete, nag-rereview nga pala kami sa Math!



"Ahm..." Sumimple ako ng tingin kay Allain at sa tinuturo niya sa libro. "Question 4: What do you call the triangle with no equal sides?"



Ilang beses ko pinagpipilian ang choices A, B, at C. Pero hindi ko alam.



"Saavedra, we don't have all day." Paalala sa akin ni Ma'am.



It's time to do the pinagbabawal na teknik! "Letter C po, obtuse triangle." I confidently answered her sabay upo.



When in doubt, choose the power of letter C!



"Wrong. Anyone who knows the answer?" Kinabagsak naman ng balikat ko 'yung sinabi ni Ma'am.



Nakita ko sa gilid ng mata ko na tinaas ni Damian ang kamay niya. "It's B, scalene triangle." Hindi siya tumayo, sumagot lang sa upuan niya.



"Very good. Okay, next question..." Napalingon ako kay Damian na parang natutuwang mali ako ng sagot. He's smiling down on his book. Yabang mo!



Kung 'yung dati na okay pa kami, malamang inaway ko na siya.



Pero hindi kami okay.



After nung nangyari sa resort sa Batangas (nung nag confess ako pero sana di niya na-realize), hindi ko na talaga siya pinansin.



Hindi na din naman niya ako pinapansin eh.



Siguro ayaw niya na lang rin maalala na nag-confess ako ng feelings sa kanya. Or pwede rin namang hindi niya na-gets kasi wala naman siyang pakialam. Or pwedeng wala naman talagang dahilan para magpansinan pa kami. 



"Better luck next time." Bulong sa akin ni Allain habang nakangisi. Aminado naman akong mahina sa Math. Pero nakaka-disappoint pa rin.

Ms. Transferee Meets Mr. SC PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon