CHAPTER 62 : Holiday Feels

103 8 5
                                    


"Isang kilo nga nito."



Mabilis akong lumapit sa costumer at tinignan ang tinuturo niyang pork cuts na gusto niyang bilhin. "At saka one and a half nga nito, please." Sabi niya, sabay turo naman sa grounded beef na naka-display.



"Yes po, sir." I smiled sweetly. Sobrang laki naman ng ngiti ni Allain sa akin habang pinapanood niya akong magbalot ng binili niya. Feel na feel maging costumer!


Simula nang mag-umpisa ang Christmas holiday break, napapadalas ang bisita ng mga kaibigan ko dito at panay bili sila dito sa meat shop ni Papa. Pero sa katagalan, parang nakakaasar na rin kasi tulad nitong si Allain, sobrang nae-enjoy niyang maging costumer.


"I like the Christmas hat, Merielle." Sabi ni Allain tapos sumunod siya sa akin sa cashier. Inabot ko naman iyon kay Papa, since siya ang nasa tapat ng kaha ngayon.


Kinailangan na rin ni Papa ng makakatulong sa shop since maliit pa lang itong business na ito at wala pa siyang tao na pwedeng tumulong. Okay lang rin naman since may allowance akong kapalit!


"Bagay diba?" Sabat naman ng Papa ko habang inaasikaso ang binili ni Allain.



"Opo, ang cute cute ni Merielle, parang baby pa." Tinapunan ko si Allain ng tingin. 


"Ganyan lang 'yan pero may boyfriend na 'yang anak ko." Natatawang sabi ni Papa sa akin. Uminit naman ang pisngi ko kaya inirapan ko silang dalawa.


Mga ilang araw pa lang ng holiday break non, biglang sinadya ni Damian ang bahay namin at nagsabi na siya kay Papa na manliligaw siya. Ang inaakala kong galit na reaksyon ni Papa, napalitan ng pangaasar.



Hindi ko alam kung bakit!


Siguro dahil matagal nang naniniwala si Papa na manliligaw ko talaga siya simula pa nung una!




Buong akala talaga ni Papa na manliligaw ko na siya noon pa, simula nung unang punta niya sa bahay (nung pinapahirapan niya ako bilang secretary).



"Hindi ko siya boyfriend." Inalisan ko sila at kinuha ang phone ko para i-check kung nag-reply ba si Phoebe sa akin. Mga nasa kani-kanilang holiday vacation kasi ang iba naming kaibigan at kami lang nitong si Allain ang mukhang nag-stay home.



"Keep the change po." Napalingon naman ako kay Allain, na hindi tinatanggap ang sukli na binibigay ni Papa. "Holiday tips!" 



"Naku hijo, hindi namin matatanggap ito." Todo tanggi ni Papa.



Kinuha ko ang sukli ni Allain tapos ako mismo ang naglagay sa palad niya. "Allain, nakailang tips ka na dito eh. 'Wag na!" 



He smiled even more. "Okay then! See you, and Merry Christmas!" Nag-flying kiss siya sa akin tapos lumabas na ng shop. 


"Grabe ang mga kaklase mo anak." Napapailing si Papa habang nagsasalita. "Masyadong mga galante, ano?" 



Nagkibit-balikat ako tapos tumingin ulit ako sa phone ko. Ilang araw na ang nakalipas, wala pa ring paramdam itong si Damian. Hindi ba pwedeng busy siya sa family affairs naman? Since bakasyon?



Huling usap namin ay last week pa. Nung nagpunta nga siya sa bahay namin para magpaalam kay Papa. Pagkatapos non, hindi na kami ulit nagkita. Hindi rin kami nagtatawagan or nagte-text.



Ms. Transferee Meets Mr. SC PresidentWhere stories live. Discover now