CHAPTER 63 : New Year, New Hassles

98 8 5
                                    

January / Resumption of Classes


Napatakbo ako papasok sa gate ng St. Mary High School. Excited akong makita ang mga friends ko na for sure, nasa loob na ng school at maagang pumasok para makapagkita muna kami. 


Nakita ko naman sila kaagad na nakatambay sa school garden. "Hi, guys!" Sigaw ko sa kanila at sinalubong naman ako ni Sara, Allain, at Phoebe ng yakap. Sumunod naman si Samuel.


"Oh my gosh, na-miss ko kayo!" Patuloy kaming nagtatalon-talon sa tuwa. Ilang weeks rin kaming hindi nagkita kaya sobra kaming sabik sa isa't isa.


"Happy New Year to us." Bati naman ni Samuel at kinamayan niya ako. I smiled up at him. "Where are your things?" Tanong niya, at napalingon naman lahat sa akin.


Shet, muntik ko nang makalimutan. 


"Ay, iba din oh. May tagabuhat ng bag si bakla." Narinig kong komento ni Allain nang manahimik ang grupo at sinilayan ang nasa likod ko.


Nilingon ko si Damian na papalakad sa grupo namin, buhat-buhat ang bag ko. Kaninang umaga kasi, hinintay niya ako sa tapat ng bahay namin para sabay raw kaming maglakad sa school. 


Todo tanggi kasi ako nung kinagabihan na magsasabay kaming pumasok, dinahilan ko na lang na hindi ako komportable ng laging sumasakay sa kotse. Kaya pati ako na-shock kanina kasi talagang nag-effort pa siyang pumunta ng bahay ng commute para lang magsabay kami.


Syempre kinilig ako konti. Hindi ko na rin matanggihan ang effort niya.


"Welcome back to school, Pres!" Bati ni Allain sa kanya. At mga nagsitanguan naman ang mga kaibigan ko, siguro nabibigla pa rin (kahit ako eh) or natatakot, ewan.


"Damian, good to see you." Bati naman ni Samuel, tapos nag-shake hands sila. Ang pormal talaga ni Samuel.


"You too." Seryosong sagot ni Damian, pero feeling ko kaya siya ganyan kasi ang awkward lang. He turned to me and reached for my hand. "Let's go?"


Nakita ko kung paano malaglag ang panga ni Phoebe at Sara. "Oh my god, kayo na talaga?" Pabulong na sinabi sa akin ni Phoebe at todo naman ang iling ko. Hindi na ako nakapagbigay ng paliwang kasi hinila na ako ni Damian papunta sa building namin.


"Sabay ako sa inyo!" Pakantang sinabi ni Allain na parang tuwang-tuwa sa nakikita niya. Tinignan lang siya ni Damian tapos nagpatuloy siya sa paglalakad.


Ramdam ko ang mga tinginan sa corridor ng mga estudyante sa kamay kong hawak ni Damian habang naglalakad kami. Hindi ako komportable pero tiniis ko ang mga tinginan nila. For sure, ako na naman ang mga target ng mga 'to.


Parang mga naestatwa ang buong Class B pagkapasok naming tatlo sa room. Mabibigat na tingin at mga naglalakihang mata ang mga sumalubong sa amin. 



Sino nga naman kasing ready makita ang SC President na ka-holding hands ang transferee?



"Hi guys, ang ganda ng umaga today! Masyadong nakaka-inlove!" Patuloy ni Allain sa pang aasar namin habang ine-enjoy niya ang reaksyon ng lahat. "Happy New Year sa lahat, sabay sabay tayong magsabi ng Sana Lahat!" 



Nakita kong masama ang tingin ni Mia sa akin at sa kamay namin ni Damian.




Damian put down my bag on my seat. Parang wala siyang pakialam na pinagtitinginan kami! 


"See you in a bit." Hinawakan niya sandali ang dulo ng buhok ko bago siya pumunta sa harap. Then, he is back to his usual business serious face. "Please proceed to the school grounds for our first flag ceremony of this year."


Ms. Transferee Meets Mr. SC PresidentWhere stories live. Discover now