CHAPTER 10 : Spell OA?

723 26 1
                                    


Hindi maipinta ang mukha ko habang nagte-take kami ng seatwork sa Chemistry. Eh paano ba naman kasi, nasa tabi ko si SAMUEL LIM na cute nga, pero parang hindi dapat hawakan! At nakabangga ko siya at nalaglag mo lang naman ang mga gamit niya, diba? 



Wala akong maramdaman kundi takot  kasi baka mamaya abangan ako nito sa gate o baka pahiyain na lang ako basta-basta! Tapos non, susunod na ang mga bullies, mga malditas, na unti-unting sisira ng high school life ko.



Sa dinami-dami ba naman kasi ng pwesto bakit dito pa? Nakakaloka naman kase eh. Sinadya siguro nitong poging to na dito pumwesto! Argh.



"Ahhm, Hi." Pagkalingon ko, nakangiti siya sa akin.



Kanina pa siya nakaupo dito, almost 45 minutes na tapos ngayon lang siya nag-hi? 



Isang pilit na ngiti lang ang isinukli ko sa kanya. Sabay balik sa paggawa ng seatwork. OMG. Sobrang nakakatense itong taong to! I need to get out of here to have some air! Masyado na kong nawawalan ng hininga sa sobrang nerbiyos eh.



Mabilis kong tinapos yung seatwork para makalabas at makalanghap ng sariwa at payapang hangin. Paano ba naman kasi yung taong yon!  Makapunta nga muna ng banyo para makapaglabas ng masamang---




"Miss, wait up!" Napahito ako sa paglalakad nung marinig ko yung boses na yun. OMG! Nananadya ba tong Samuel Lim na to?! Yung totoo, balak niya ba kong patayin sa sobrang takot ko na to?!



Nakakaloka.



Binilisan ko yung takbo papuntang CR para hindi niya ko mahabol.



Nakakainis naman. Ano bang kelangan niya saken hah?!



Halos sampung minuto din akong nasa loob ng CR... Para makasiguro na wala siya!  Paglabas ko ng cr saktong naglalakad si Kyle may dalang maraming papel papel echos echos. Sinabayan ko na siya para lang din makaiwas. 



"May tinataguan ka ba? ha? Para kang hinahabol ng multo dyan?" Pagpuna sa akin ni Kyle. 



"Shhh.. Wag kang maingay! tulungan na nga kita dyan.. 'San ka ba pupunta?" tanong ko naman.. Tumingin ako sa paligid ligid at waley naman si Papa Samuel Lim! Hihi.



"Malamang sa faculty ko dadalhin to! Eto kaya yung seatworks niyo--este natin kanina!" Sabi niya.

Ms. Transferee Meets Mr. SC PresidentWhere stories live. Discover now