CHAPTER 47 : I Did Something Bad

87 6 4
                                    

-St. Mary High / SciNAG Competition Day



"Hoy, galingan ninyo!" Bilin ko kay Sara at Samuel bago sila sumakay ng school bus papunta sa venue ng Interschool SciNAG Competition. "Kinakabahan ako sa inyo pero galingan ninyo ah!"



"Don't worry, we will do our best." Samuel confidently said. Tapos non ay inakbayan niya ulit si Sara. Si Sara naman mukhang hindi makapali at nagbabasa pa rin ng notes niya.



"I will not promise anything guys, kinakabahan na rin ako!" Sigaw niya.



Natawa naman kami nila Allain at Phoebe. Maaga kaming lahat pumasok para ihatid ng tingin sila Sara at Samuel at makapag-goodluck sa kanila bago umalis. "I-update niyo kami kapag nakarating na kayo doon ah?" Bilin naman ni Allain. 



"To the best of luck, guys! We're rooting for you." Sabi naman ni Phoebe. "Pagkatapos ng contest na 'to, pwedeng ituloy na naten 'yung swimming?"



"G!" Sabi naman ni Sara, at lumiwanag ang mukha niya. "We have to go now." Pinanood namin silang umakyat ng bus at nag-stay pa kami doon para lang panoorin sila na nagkukulitan sa upuan nila.



"Excuse me." Nawala lahat ng ngiti sa mukha ko nang marinig ko ang boses sa likod ko. Mabilis akong tumabi para padaanin si Damian. He looked very serious, ang aga-aga. Siguro ay kinakabahan din siya. 



"G-good luck." Hindi ko na talaga siya magawang tignan sa mata ng matagal. "Do your best." 



Huminto siya sa pagsampa sa bus at napansin kong hinarap niya ako. "Behave, don't play when the cat is away." Hindi ko maintindihan 'yung sinabi niya kaya inirapan ko na lang siya. Pagkatapos pinitik na naman niya ang noo ko. Jerk!



"Kiss!" Sigaw ni Allain habang pumapalakpak. Siniko naman siya ni Phoebe at biglang nagtigil 'nong parehas naming tinignan siya ng masama. "Joke lang! Good luck, Damian!" 



Tinanguan lang siya ni Damian. Napansin kong nagkatinginan sandali si Damian at Phoebe bago siya tuluyang umakyat. 



"Ikaw pauso ka." Inis kong sabi kay Allain. "At dahil diyan hindi kita papakopyahin."



"Ay? Ang sama? Wag naman ganon." Natatawang sabi niya sa akin nang pabalik na kami ng classroom. "Phoebe, hindi mo ba napapansin medyo nagkakaigihan itong si Damian at---"



"Huli ka na sa balita, girl." Sagot ni Phoebe habang nakangisi. "Matagal ko nang naaamoy 'yang Damian at Merielle tandem, mukhang barado yata ang ilong mo." Napabuga na lang ako ng hangin at umiling-iling. 



"Dudumi ng isip niyo, yuck." Papaliko na kami sa classroom namin nang sinalubong kami ni VP Mia na tumatakbo. "Oh, Mia?"



"Where's Damian?"



Tinuro ni Allain 'yung bus. "Teka VP Mia, bakit parang natataranta ka?"



"N-nothing." Sabi niya tapos mabilis siyang tumakbo papuntang bus. Nagulat kami nong sumakay siya doon. Bilin ni Damian na maiiwan ang mga officers dito, diba? 



Weird.



Nagpaalam na kami kay Phoebe dahil nasa kabilang classroom siya at sabay naming pinasok ni Allain ang Class B. "Nakaalis na si Damian?" Tanong ni Sander sa akin.



"Naka-ready na sila sa bus." Sabi ko sabay kuha ng libro para sa first subject. 



Natapos ang apat na subjects na parang lumipad lang ang oras. Hindi na sana ako lalabas para kumain pero pinilit ako ni Allain. Sumama na lang ako kasi walang kasama si Phoebe, dahil nasa contest 'yung dalawa. "Kanina pa 'yan wala sa sarili simula nong umalis sila Damian."



Ms. Transferee Meets Mr. SC PresidentWhere stories live. Discover now