CHAPTER 27 : My Sworn Enemy!

100 5 3
                                    


Day Eleven / New Generation of Hope Academy / Morning



Text Message Received

I will not be in school after class. 
Leave the folders on my desk.
Don't. Ever. Forget.
-DS


"Huy! Bulag ka ba!?" Saka ko nalang napansin na may nakabangga akong estudyante, and worse, taga New Gen pa. "Tingin din sa dadaanan kase!"


Bwisit kasing umaga to, inumpisahan na naman ni Damian sa texts niya. Saan niya nakuha ang number ko? Ang creepy talaga non!


"So-sorry!" Sabi ko pero mas inunahan ko na lang siyang maglakad. Putakte late na ako! Late kasi akong nagising nila tita at hindi na maasahan ang alarm clock ko lately.


Patakbo akong papasok ng gate ng biglang hinarangan ako ng dalawang guard at tuluyang sinarado ang gate. Putakteng yan! So near yet so far na ko sa gate eh!


"Oh, yung mga late dyan pila kayo ng maayos tapos amin na ID niyo." Sabi ng isang guard.


"Ay, baket kukunin yung ID?" Tanong ko habang naghihingal. Napatingin na din ako sa mga kasamahan kong late-comers. Tatlo lang kaming taga St. Mary, the rest New Gen students na.


"Ire-record po sa loob yun, tapos sa Office niyo makukuha. For detention purposes."


----


"UNANG LATE LANG DETENTION NA?" Sigaw ko habang kumakain kami ng buong gang noon lunch time. "Sa atin diba tatlong beses bago detention? Grabe naman sila dito!" 


Hanggang ngayon hindi ko pa rin makuha kuha yung ID ko sa office dahil hindi naman nilinaw ng guard kung saang office. 


Office of the Student Council Leader pala! Office ni Kyle!!!


Malas ka na naman today girl. Una na-late ka dahil binasa mo text ni Damian tapos ngayon--


"Nakuha na ng iba yung ID nila, ikaw na lang hindi, Merielle." Sabi ni Phoebe na natatawa sa kwento ko. Clearly sawang-sawa na siya sa bullshit sa school na to. At lately medyo wala siya sa mood kasi siguro na-confirm na si Kyle dito nag-enroll. Halata din namang may something like LQ sa kanila ni Gino lately dahil ang tahimik nila.


"Peaches, do you want me to come with you?" Offer ni Samuel, as always, my knight and shining best friend na walang ginawa kundi pangitiin ka ng mga ngiti nya.


"Oh, I will come with you too!" Presenta ni Sara. "If hindi mo kaya, ako na lang kaya kukuha ng ID mo doon?"


See? Ang perfect nila sa isa't isa. Why can't they see it?


"Hindi na, ako na lang mamaya siguro." Tinuon ko na lang yung atensyon ko sa pagkain ko. 


"Ako, sasamahan kita." Sabi ni Phoebe na kinagulat ko. "After natin kumain samahan na kita."

Ms. Transferee Meets Mr. SC PresidentWhere stories live. Discover now