CHAPTER 69 : Not Our Last

88 6 2
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



"Miranda, Allain P." Rinig ko ang tilian ni Sara at Phoebe sa upuan nila sa di kalayuan. Napahiyaw rin naman ako lalo na nang mag-posing siya sa harap ng stage at tinanggap ang Certificate of Completion at isang medal para sa pagkapanalo niya sa Annual Sportsfest noon. 



"Hoooh! I love you, Allain!" Sigaw ko sa kanya habang pumapalakpak. 



This is it, pansit! Ang ganda masyado ng ngiti ni Allain at perfect ang pagkakalakad niya.



"Shut it, Merielle." Sita sa akin ni Damian sa likuran ko. Nagsamaan kami ng tingin habang naghihintay matawag ang pangalan namin. Alphabetically arranged ang pila, at sa kamalas-malasan ng apelyido namin, pareho kaming dalawa ni Damian ang nasa dulo.



"Wag ka ngang magsungit ngayon." Sagot ko sa kanya tapos lumapit ako para ayusin 'yung suot niyang toga. "Ngumiti ka naman, kasi magpi-picture tayo mamaya!"



Kunot na noo lang ang sinukli niya sa akin. Hay naku, kailan kaya siya ngingiti ng sobrang luwag katulad ng ngiti niya kapag kaming dalawa lang?



"I'm going home after this, good luck with that." Sabi niya sa akin. Tinamaan ko siya ng masamang tingin. Nagusap na kami tungkol dito kahapon pa eh!



"Saavedra, Merielle C."  Sobrang laki ng ngiti ko nang matawag na ang pangalan ko. Maraming pumalakpak at narinig ko rin ang cheer ng friends ko sa akin. 



I looked back at Damian, he's also clapping, with a hint of a little smile on his face. 



Nakita ko rin na pumapalakpak ang Tita at Papa ko sa parent's seat.



Sabi ko hindi ako iiyak, pero napaiyak ako habang tinatanggap 'yung certificate. 



Sinuotan rin ako ng isang silver medal para sa pinanalo kong second place sa women's relay nung Sportsfest. 

Ms. Transferee Meets Mr. SC PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon