CHAPTER 59 : State the Obvious

101 8 5
                                    

"A brave 3-point shot, and... it went in!" Sigaw ng sports commentator  sa mic na ikinahiyaw ng marami. "That was from number 17, Samaniego, what a shot!"



Kasalukuyang nababaliw ang crowd dahil sa three-point shot na ginawa ni Damian bago pa man maubos ang oras na natitira. 



The score was 33 - 28, at leading ang New Gen High. Pinanood ko kung paano mag-high five ang mga players ng St. Mary High kay Damian sa last minute shot niya. "Half-time, ladies and gentlemen! We will be having 20-minute break, before the second half of the game."



"Naku! Mananalo ang New Gen!" Sara said worriedly. Kasalukuyan kaming nasa bleachers sa Stadium at pinapaanood ang basketmall match ng St. Mary vs. New Gen. Kung sino ang manalo dito, kakalabanin nila ang Brighton at ayun ang magiging champion.



Defending champion raw kasi ang Brighton dahil nanalo sila last year.



Half-time na, pero nangunguna ang New Gen sa laban. Parang ang hirap habulin ng score, pero kita naman sa laro nila Samuel at Damian na gusto nilang manalo. "Kyle's so awesome! Ang galing!" Nangingiting sabi ni Phoebe habang pumapalakpak. "Tara puntahan natin sila sa gym locker."



Wala si Allain ngayon dahil nagre-ready siyang maglaro mamaya after ng match na ito. Kaya kaming tatlong girls lang  ang magkakasama. "Tara na, maybe Samuel needs water."



"May tubig naman siguro sila don?" Pagpipigil ko.



"Halika na!"



Bago pa man ako makagawa ng excuse ay hinila na nila ako pababa at papunta sa gym lockers ng mga players. Nandatnan namin si Samuel na kausap si Tristan, at parehas silang pawis na pawis.



"Samuel!" Tawag ni Phoebe kay Samuel habang kumakaway, masyado kasing crowded dahil maraming student ang lumabas to get snacks. "Your girlfriend wants to see you!"



Nahihiya namang lumapit si Sara dala ang bote ng tubig tapos inangat niya ang banner na ginawa niya at kanina pa namin winawagayway sa game. "How's the game?"



Samuel let out a heavy sigh. Tapos nagpapunas na siya kay Sara ng pawis. "It's a tough match, but we're trying."



"Kaya mo 'yan, Samuel!" Sabi naman ni Phoebe tapos lumingon-lingon siya somewhere. "Saan sila Kyle nakapwesto?" Tinuro naman ni Samuel ang kabilang gym locker na marami ring tao.



"Hi, Merielle." Napalingon naman ako kay Tristan. "Got something for me? Water, perhaps?" Nakangiti siya at hindi ko alam kung bakit. 



"Ah, eh. Wala, bakit wala ba kayong tubig dito?" Nilingon ko ang loob ng locker room at napansin ko si Damian na nakatalikod na nakaupo, may nakasabit na tuwalya sa balikat niya, at katabi niya ang isang galon ng tubig. "Meron dun eh!" Sabay turo ko. 



Natawa naman si Tristan habang kumakamot. "You're so cute, Merielle!" Sigaw niya. 



Nanlaki ang mata ko tapos umatras na lang ako papalayo sa kanya. Ang lakas masyado ng boses niya. At malamang sa malamang ay narinig ni Damian 'yon, dahil pati ibang players sa loob ay napalingon. Pero nakatalikod pa rin siya na parang walang narinig.



Wag mo siyang tignan! Alalahanin mong kinuha niya ang isang bagay na napaka-importante sayo! Wag na wag mo siyang titignan!



Umalis na lang ako doon at hinanap si Phoebe, since abalang mag-ngitian sina Sara at Samuel. Napadpad ako sa kabilang locker room sa gym at hinanap si Phoebe. 



Ms. Transferee Meets Mr. SC PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon