CHAPTER 54 : Improvement

86 6 6
                                    


Kinabukasan, recess time, maingay kami sa cafeteria dahil pinagbigyan kami ni Samuel na i-review niya kami sandali. Bukas na kasi ang exam, at lahat kami on fire mag-review. Apat kami nila Allain, Sara, at Phoebe na nagtatalo at nagpapaunahan ng sagot.




"Sure ako! Letter D yan!" Sigaw ko sa kanila habang kinakain ako ng excitement. Naalala ko na na-review ko 'yung tanong ni Samuel at kaagad akong sumagot.




"Letter C ako!" Sigaw naman ni Allain.





Hindi na sumagot si Sara at Phoebe, kasi nga tama ako!




"Merielle is correct, letter D." Nakangising sagot ni Samuel sa akin. "Congrats, you finally got one point, Merielle."





"Yes!" Kaagad kong kinuha 'yung prize na isang box ng Pepero tapos nagtatalon-talon sa tuwa. Kanina pa kasi ako nabe-betlog sa mga tanong, nakailang box na sila ako isa pa lang. 





Sa sobrang saya ko napasayaw pa yata ako konti. Tapos naramdaman kong hinila ako ni Phoebe. "Merielle tabi, mababangga mo si---"





At may nakabangga nga ako. At si Damian 'yon. Shit. Saglit kaming lahat nanahimik nung dumaan siya, at nag-ingay rin naman agad nung lumabas na siya ng cafeteria.   





"All is good!" Sabi ko sa kanila. "Next question!"



Kinurot ako ni Phoebe sa tagiliran. "Ano 'yun? Hindi pa rin kayo nagpapansinan?" Tanong niya sa akin. Nag-kibit balikat lang ako at hinintay ang next question ni Samuel.




"Oo, girl. Mga ilang weeks na rin talaga simula nung nasa Batangas ata tayo, madalang na lang silang mag-usap." Sabi naman ni Allain.




Hindi ko sila pinansin. "Samuel! Next question please?"





He shook his head tapos sinara na ang notebook niya. "Recess is over, Peaches. Sorry." Tapos nun binuhat na niya 'yung lunch bag at ibang gamit ni Sara. Kasunod naman nun ay ang pag-bell na hudyat na tapos na ang recess.




Habang hinihintay ang next subject ay abala akong magbasa ng mga notes na pinagpuyatan ko kagabi isulat. Mas naiintindihan at naalala ko kasi kapag sinusulat ko, kesa sa printed lang.



 "Merielle, ganda ng notes mo, pakopya?" Tanong ni Allain sabay abot ng notes niya sakin. "May ginawa rin akong reviewer."





"Sure!" Nakangiti kong sabi sa kanya. "Mamaya ise-send ko sa'yo."




Nanahimik ang classroom at nag-ayos na ako ng upo. Akala ko next subject teacher 'yung pumasok, si Damian lang pala. 



Napansin kong tumigil siya sa harap ng classroom. "Announcement, the rest of the classes are canceled to prepare you for the exams tomorrow." 


Nag-hiyawan ang mga kaklase ko pati si Allain. Damian lifted his hand, at mabilis naman silang tumahimik."You can either go home or stay. Just be on time tomorrow." 



Nagkatinginan kami sandali pagkatapos nun ay lumabas na ulit siya ng classroom. 



Halos kalahati ng mga kaklase ko ay umuwi. Pati si Allain umuwi! Pagkabukas ko ng phone ko, nagpaalam na rin si Phoebe, Sara, at Samuel. They all wanted their peace sa last day of review. 




Ms. Transferee Meets Mr. SC PresidentWhere stories live. Discover now