CHAPTER 66 : The Stakes Are High

79 8 3
                                    



Pinagmasdan ko si Mia at Damian na magkausap nang masinsinan pagkatapos naming magharap-harap sa principal's office kanina. Napalingon naman ako sa umiiyak na parents ni Mia, habang may teacher na kumakausap sa kanila.




Kanina rin sa harapan sa loob ng office, na-open ng mother ni Mia na she's been taking pills and attending appointments because Mia has been showing signs of intermittent explosive behavior, simula pagkabata, at lately mas lalong lumala. 



Kaya pala, minsan sala sa init, sala sa lamig siya. At may tendency nga siyang maging violent minsan at mapanakit. At maging aggressive.




Now it all made sense.



Napatunayan kong totoo ang mga threats ni Mia sa akin dahil sa video na nai-record ko. Damian, Phoebe, and Kyle helped me para mag-testify 'yung pinsan ni Mia na si Mikko Mendez about the pink drink incident.


Hinanap rin ni Damian 'yung Tina Agustin na nag-video sa amin ni Phoebe nung inaway namin ang secret girlfriend ni Gino noon. Hindi na nagdalawang isip 'yung Tina na makipag-cooperate, at sinurrender na rin ang kopya niya ng video para mabura.



I am lucky, dahil ayaw nang masabit sa gulo ng Brighton Academy at sinunod na lang nila ang gustong mangyari ng Papa ni Damian. 



Mia will not be suspended.



She will not be punished.



Kasi, 'yung mismong parents na niya ang nag-pull out sa kanya sa St. Mary High. 



Her parents were very understanding sa nangyari, siguro ay dahil kilala talaga ang anak nilang gagawa ng ganon, kaya hindi na sila umapela.



Dapat ay nandito rin ang parents ko, kaya lang ayoko namang abalahin si Papa dahil kakagaling niya lang sa ospital. Si tita naman, buntis, at ayokong ma-stress siya.




Medyo nakakanginig nga lang ang mga nangyari. Pero kinaya ko naman mag-isa.



"Hey." Nilingon ko si Damian at doon lang naputol ang pagkatulala ko. "It's over now, Merielle. Let's go back to the classroom."


Doon ko lang napansin na wala na sila Mia at ang ibang nandito kanina sa labas ng principal's office. Tumango at at tumayo sa kinauupuan ko. Isang mahigpit na hawak sa kamay ang ginawa niya sa akin. 



"I've cleared the air with Mia." Sabi niya habang naglalakad kami pabalik ng classroom. "As advised by her psychiatrist, I need to directly tell her that I don't have any interest to have a relationship with her at all. She's been having over-attachment issues too."



Tumango ako. Now, I feel sorry for Mia.



"Hey, it's never your fault." Napansin niya sigurong parang tumamlay ako. Well, palaban akong tao. But hearing Mia's story, she must have suffered a lot.



Somehow, parang napanatag na lang rin ako kasi at least tapos na.

Ms. Transferee Meets Mr. SC PresidentWhere stories live. Discover now