CHAPTER 31 : Weird Morning

98 5 3
                                    

DAY 20 OF SCHOOL VISIT




"Doblehin mo kaya 'yung baon mo ngayon, anak?" Tanong sakin ni Papa habang nag-aayos ako ng bago bago pumasok. Napatingin naman ako kay Papa with matching kunot ng noo.



"Bakit naman, pa?"



"Eh, nangangayayat ka na eh." Sabi niya.



"Oo nga, eto apat na sandwich 'yung binaon ko sa'yo. Magtext ka kapag late ka uuwi ah." Singit naman ni Tita sa aken. Tinulungan niya akong ilagay yung juice at mga baon ko sa bag nang hindi matatapon sa oras na tumakbo ako. 



"Sige po, alis na ako." Paalam ko bago lumabas ng bahay. 



Tumambad naman sa harap ng bahay namin ang pamilyar nang sasakyan na itim. Yung hatid at sundo na car, courtesy of the Damuhong Damian. Kahit magaling na yung paa ko, talagang araw-araw pa din akong hinahatid-sundo.



Pero since si Damian naman ang dahilan ng pagpapahirap sa akin, at siya din nagdidikta ng trabaho kong padagdag ng padagdag, sinasamantala ko na itong free ride. Nakakaipon pa ko ng pambili ng milk tea. 



"Good morning, Manong!" Masigla kong binati si Manong Henry. "Dito ulit ako sa tabi niyo ah?"



Pabukas pa lang ako ng pinto sa passenger seat nung pinigilan niya ako. "Naku, Ma'am. Dito kayo sa likod umupo."



Huh? Weird.



Pagkabukas ko ng pinto sa likod kaagad na umakyat lahat ng dugo sa ulo ko. Hindi ready yung mga internal organs ko sa sight at presence ni Damian. "Anong ginagawa mo dito?!" Sigaw ko sa kanya.



"Just get it in, or we'll be late."



"Ano ngang ginagawa mo dito?!"



He eyed me as if I am some kind of a weird creature. Ang aga aga namba-badtrip!  Bakit simula nong gamutin niya yung paa ko hindi na ako nawalan ng rason mabwisit sa kanya?



"This car's mine, isn't that enough reason?"



"Sasakyan mo 'to?!" Sigaw ko sa kanya. Bigla naman ako natauhan bigla. Naku, sa lakas ng boses ko baka lumabas pa sila Papa tapos kung ano na namang isipin. Kaya pumasok na ako sa loob at umupo sa tabi niya. Well, hindi gaano katabi. "Sasakyan mo 'to?!" Sigaw ko ulit.



He put a finger in his ear. "Tone down the voice, please. It's freaking morning."



"All along sasakyan mo ang ginagamit ko?!" Sigaw ko sa kanya kahit na nabibingi siya.



Well, wala akong choice kundi awayin siya nang awayin at ipakitang naiinis ako sa kanya. Kasi...



Kasi kung hindi ko gagawin 'yon...



Basta ayokong maging mabait sa kanya! Ayokong mag-end up na umaasa ulit!



Hindi na sumagot si Damian at nag-umpisa nang umandar ang sasakyan. Tapos non biglang may inabot si Damuhong Damian sa aking folder na green. "Allain Madrigal, Class B."



"Oh, anong meron kay Allain?" Tanong ko sa kanya.



"He will be replacing Gino's slot." Maikling sabi niya. Na-gets ko naman na. Suspended kasi si Gino at 'yung nakaaway niya, as both decided by the two schools. Wala na kaming apila don, since yung kabilang side rin eh na-suspend.



"Okay, copy." Masaya ako ng ilang percent dahil makakasama ko ulit si very funny na dyosang si Allain. Another new member to the gang. Sad rin dahil wala si Gino. Well, at least maaaliw siya kay Allain.



Ms. Transferee Meets Mr. SC PresidentWhere stories live. Discover now