CHAPTER 5 : Sparks Fly and Troubled Lies

1K 31 4
                                    


"Weh, di nga?"




Shunga-shunga ka talaga, Merielle Saavedra! Kung ano ano lumalabas sa bibig mo.



Nandito ako sa CR ngayon. Kakatakbo ko lang palayo pagtapos ko magtanong sa pasabog ni Phoebe. Akala ko kasi nung una nangti-trip siya. Eh mukhang totoo na nga ngayon. Tapos ang dumi pa ng bibig ko. Bakit kasi hindi matigil yang bibig mo?



Sigh. Bakit ba lutang ako ngayon ha? Anyare sa akin ngayon? Kabago-bago mo lang dito Merielle, ganyan na ang asal mo. Tandaan mo, binabangga mo ang dalawang tao na makapangyarihan sa school.



Hindi ko din alam yung dahilan kung bakit ko nasabi yun sa harap ni  Phoebe.



Nainggit ba ko? Nagselos? Nairita? O Nagulat lang? 



Hoy, babaita anong selos selos? Wala ka pang isang taon na kilala mo yung tao wag ka mag-inaso dyan!



" Merielle! Are you alright? What happened?!" Si Phoebe. Sinundan niya pala ako. Ano ba kasi itong pagda-drama ko parang ewan lang.



"Phoebe..." Sabi ko.. Nag-smile ako ng onti then , "Sorry pala kanina hah... nag-joke lang ako nun." Sabay awkward laugh. "Dati kasi akong sira-ulo kaya ako minsan nakakapag-react sa mga bagay na di naman dapat bigyan ng reaction. Dati kasi akong siraulo."



Nangunot noo niya. 



"Para saan?" Tanong niya.



"Yung kanina... yung.." Di ko masabi yung kagagahan na nagawa ko. 




Natawa siya ng malakas.  "Oh, about me and Kyle? Secret lang natin yun ah. Actually, hindi talaga kami public couple. Konti lang kasi nakakaalam dito since bago pa lang kami."




Hays. Napahinga ako ng malalim. Akala ko kasi magagalit siya. Tapos magtitipon tipon siya ng ibang babae. Tapos susugurin nila ako. Tapos, sira na ang high school life ko eh.



"Ano nga palang nararamdaman mo ngayon? Kasi para kang balisa kanina ehh." Tanong ulit niya.



"Ahh... Ano kasi eh.." Hala sige magisip ka ng palusot! "Natae akong bigla kaya ako napatakbo papunta dito. Parang sumama ang pakiramdam ko, pero okay naman na."

Ms. Transferee Meets Mr. SC PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon