CHAPTER 56 : Trouble Magnet

93 5 7
                                    


"Alright, time's up, pens up!" Sabay-sabay na nag-angalan ang mga kaklase ko kasama ako nang magsalita ang adviser namin. "Finished or not, you have to submit your papers now."



Napahinga ako nang malalim at napangiti. Tumayo ako at sumabay sa mga nagpasa ng papel sa harap. Natapos ko ang exam sa Math at lahat nasagutan ko! Halos kalahati rin sa exam ay alam ko. All thanks to my awesome reviewers!




At pati kay Damian. 



"My gosh! Akala ko katapusan ko na." Sabi ni Allain na kasabay kong magpasa. "Sana mapasa natin 'yang Trigo, it's time to pray!" Ngayon tapos na lahat ng mga subjects namin, oras na ngang magdasal at tawagin lahat sa langit para lang makapasa. 




Nakangiti akong bumalik sa upuan ko at napansin kong nakatingin si Damian sa akin. The memory of him with me on the way home yesterday made me feel something weird. Nangungusap ang mga mata niya na parang tinatanong kung okay ang exams ko.




I gave him a thumbs up at konting ngiti. He just raised his eyebrow and smiled back. Pagkatapos nun nag-ayos na ako ng gamit at nag-unat unat bago lumabas ng room.




"Damian, sabay tayo lunch?" Ayan na naman si Mia at ang usual pa-sweet niyang voice. Ngayong alam ko nang may masama siyang balak sa akin, natutunan ko na lang na manahimik kapag nandyan siya. At dumistansya kay Damian kapag malapit siya.



"No, thanks. I'm good." Narinig kong sagot ni Damian kay Mia. "Sander." 



"Yes, Pres?"



"Have lunch with Mia today." Hindi ako lumilingon at nagpapaka-busy magsuklay ng buhok pero natutuwa ako sa mga naririnig ko today. 




"Yes, Pres! Masusunod!" Sagot naman ni Sander sa di kalayuan. Tapos napansin ko na tumayo si Damian at lumapit sa akin. Napabalikwas naman ako nang may naramdaman akong tusok sa tagiliran ko. Nakakakiliti na nakakagulat.




He poked me using his finger. "Are you busy today?" Tanong niya sa akin. Oo sa akin, kinausap ako ni Damian sa harap ni Mia na feeling ko nakatingin na agad sa amin. 



Sunod-sunod ang pagtango ko at lumayo sa kanya. "Ah eh, oo, very busy!" Hindi ako pwedeng lumapit sa'yo kapag nandyan si Mia, mukhang ikakamatay ko. Damian shrugged his shoulders and went outside. 



"Allain. Tara lunch na tayo, hinahanap na tayo nila Phoebe." Sabi ko at mabilis na akong tumayo at hinila siya. Mahirap na, baka ako ang mapagbuntunan ni Mia ng galit. Halata naman kasing disappointed siyang tinanggihan siya ni Damian.




Dali-dali kaming pumunta ni Allain sa usual spot namin sa cafeteria at nandoon na sila Phoebe, Sara at Samuel na nagtatawanan. "Guys, tapos na ang hell week natin!" Sara said cheerfully. "Why don't we go out tomorrow?"



"Parang group date, ganon?" Tanong naman ni Allain. "G ako dyan!"



"Pwedeng isama si Kyle?" Tanong kaagad ni Phoebe na nakangisi. "Please?"



"Of course!" Sabay na sagot ni Sara at Samuel. 


Ms. Transferee Meets Mr. SC PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon