CHAPTER 11 : SHE'S BACK

745 25 2
                                    

Isang magandang umaga na naman para akin ang dumating. Excited akong nagasikaso nang maaga para makapasok sa school. I am in the mood for walking! 



Well, nakasanayan ko na kasing maglakad since malapit lang naman ang school (well, medyo) tapos nakakaipon pa ako nang malaki dahil tipid sa pamasahe.



At syempre, baka matyempuhan ko si Kyle at makasabay.



Pero sabi ni Manong guard na nakatambay sa gate ay maagang pumasok si Kyle. Himala!



"Merielle!" Napalingon ako. At laking gulat ko nang makita ko si Phoebe na papalapit sa akin.



"Phoebe.." Yung na lang nasambit ko. Bigla na lang ako kinabahan at malay ko ba kung bakit.



"Good morning! Long time no see ah!" She greeted happily. Ako? Napapilit lang ng ngiti. Hindi ako sure kung dapat pa kaming maging friends, since tinarayan niya ako nung nakaraan.



"Ang tagal mo ding nawala ah." Sabi ko habang sumasabay siya sa paglalakad. "Anong nangyari?"



"Ah, oo eh. Nagkasakit kasi ako." Sabi niya. Hmm. Ba't parang ang bait niya ngayon? Eh nung kelan lang parang ang maldi-maldita niya. At simula no'n, hindi ko na siya masyadong inintindi at sineryosong maging friend. 



Para kasing dangerous eh.



"Buti naman at gumaling ka." Sinabi ko ng mahina.



"Are you saying something, Merielle?" Tanong niya. Pilit pa din siyang humahabol sakin kahit na mabilis na yung lakad ko. Hello, hindi pa ba obvious? Ayaw ko siyang makasabay at makausap.



Isang nakakabwisit at sirang umaga na naman ang meron ako. Buhay naman talaga oo.



"Hey, wait up, Merielle. Are you avoiding me?" She exclaimed.



Napatigil ako sa paglalakad. Naradaman ko na din yung mga tingin ng ibang estudyante sa amin. Oh edi siya na magaling gumawa ng eksena.



"H-hindi no. Eto talaga. Nagmamadali lang ako kasi baka late na tayo. Hindi mo na kelangang ipagsigawan yun no." Sabi ko. Pinipilit kong wag magalit sa kanya. Pero onti na lang. Promise. Pipitik na talaga ko.



She smiled fakingly. Oh you don't have to do that Phoebe. You're just wasting your effort. Kala mo naman maniniwala akong mabait ka. Hmm!



"Then let's go na."  Sabi niya. Kinuha niya yung braso ko at hinila niya ko papunta ng room. Hinayaan ko na lang siya para wala ng drama.



"Merielle, peram ako ng notes mo ha. I believe marami na kong na-miss na lessons natin." Sabi niya sabay upo. Tinignan ko yung upuan ni Kyle, wala yung bag niya. Siguro nasa SC room siya, nagbi-busy-busy-han na naman yung taong yon. Siguro alam niyang nandito na kasi si Phoebe. 



Now that Phoebe's back, pano na kami? Chos. Walang ganun Merielle. Wag kang ganyan! Friends lang kayo nun ni Kyle.



"Merielle, wala ka bang notes?" Tanong ulit ni Phoebe. Kinuha ko yung notebook ko na sinulatan ko naman kahit papaano at binigay kay Phoebe. 



"Salamat!" She smiled at me. Again. You know, Phoebe you don't have to force yourself to be with me. Malayang malaya kang tarayan ako. Hmm!



A dead silence takes place.



"Merielle, sasabihin mo ba kay Kyle yung nakita mo?" Bigla na lang niyang sinabi. Napatingin ako bigla kay Phoebe, her eyes are so gentle. Kitang-kita sa kanya na parang natatakot siya, nalulungkot, kinakabahan, lahat na. A very opposite of the Phoebe I used to encounter once. 



"Anong nakita ko?" Tanong ko sa kanya. Well, I would like her to elaborate.



"Yung... alam mo na. Basta. Alam mo na yun." Sabi niya. 



I sighed then looked at her intently. "Wala akong karapatang sabihin kay Kyle yung nakita ko. I will keep my mouth shut. Just like what you've always wanted." Sabi ko. Sinadya ko talagang maging cold yung tono ng pananalita ko. Wala lang, trip ko lang.



"Yeah, you are really disappointed." She smiled. "I know no one can understand. Kami na lang ni Kyle ang nagkakaintindihan doon."



"Anong ibig mong sabihin?" Grabe, bakit ang gulo na ng sinasabi niya?



"Alam ni Kyle yung tungkol samin si Gino." Her smile fade, and all I can see on her face is gulit, and pain. "He's very stupid to fall inlove with me. Kahit alam niyang kami ni Gino, well, actually hindi na talaga kami ni Gino..." 



Maski siguro siya nalilito na sa nangyayari. "I mean, I am trying to move on from Gino nung naging kami ni Kyle. But Gino said he's going to change now, so I broke up with Kyle  three days ago."


Bakit parang sakit ng ulo yung mga susunod na mangyayari dahil nalaman ko ito?


____

FL01

Ms. Transferee Meets Mr. SC PresidentWhere stories live. Discover now