Epilogue (2nd part)

2.3M 59K 30.6K
                                    



The Lost Planet Tour - EXO CONCERT.

How could I miss that?

Ang careless ko talaga. Ngayong month pala 'yong concert nila. Ang pagkakakita ko, next month pa. Kaya pala ang dami nilang interviews kasi may concert sila at ngayon 'yon. Alas-syete ng gabi. Alas-syete?

Tiningnan ko 'yong relo ko at malapit na mag-alas-dyis. Hindi maari! Baka wala na akong maabutan do'n! No way! Ang pinapangarap kong concert!

"Taxi!"

Dumiretso lang 'yong taxi at hindi siya huminto. Anong problema nila? Kailangan kong makaabot sa concert ng EXO!

"Taxi!"

Pangalawang taxi na 'yon pero hindi pa rin siya huminto sa 'kin. Papara pa sana ako kaso may sakay naman.

"Wah! Jeydon at EXO, hintayin niyo lang ako riyan! Makakaabot din ako."

"Taxi! Utang na loob, parahan niyo ako!"

Sa pang-apat na taxi na dumaan, sa wakas ay pumara na rin siya sa 'kin. Sumakay agad ako ro'n tapos pinapunta ko siya sa stadium kung nasaan 'yong concert.

Ewan ko kung nagkataon lang o talagang minamalas ako ngayon pero sobrang traffic papunta ro'n na halos mas mabilis pa sa 'min 'yong pagong. Ilang minuto na lang, matatapos na 'yong concert! Hindi na ako makakaabot e.

Sa inis ko, bumaba na ako ng taxi tapos naglakad na lang ako papunta ro'n. Hindi na naman gano'n kalayo 'yong stadium e. "Wait lang talaga, Jeydon at EXO. On the way na ko."

Habang papalapit ako, ang dami kong nakakasalubong na mga babae. Mukhang fans din sila ng EXO at mukhang pauwi na sila? Wah! Tapos na ba 'yong concert?

"Ang pogi ni Luhan!"

"Kyah! Ang sexy sumayaw ni Sehun!"

"Grabe, ang galing nila kumanta at sumayaw, lalo na sina Baekhyun at Chen!"

Mukhang tapos na nga 'yong concert. 'Yong excitement ko, bigla na lang nawala at parang nanghihina ako. 'Yong SVIP ticket na 'yon, nasayang na lang nang gano'n? Isa pa, regalo sa 'kin 'yon ni Jeydon e.

Pagdating ko sa tapat ng gate, nagsisilabasan na nga 'yong mga babae. Para akong naiiyak. OA na kung OA pero kasi concert 'yon ng ultimate idols mo tapos hindi ka nakapunta. Pwedeng pwede namang nando'n kaso wala talaga eh. Goodbye, EXO.

Sandali, nasa'n si Jeydon?

Lumapit ako sa entrance at wala nang lumalabas. Mukhang wala nang tao sa loob. Jeydon, nasa'n ka na ba ha?

"Miss, you're just on time," sabi sa 'kin no'ng guard ng stadium.

Nang-aasar ba siya ha? I'm just on time ha? E wala na nga akong naabutan. Tapos na 'yong concert e. Wala nang EXO at hindi ko pa nakikita si Jeydon. Kapag ako nainis, iiyak talaga ako rito para lumabas 'yong EXO!

"Please come in." Kitam, nang-aasar nga talaga siya. "They're waiting for you." Tumaas bigla 'yong kilay ko. Sinong naghihintay sa 'kin?

Pumasok na lang din ako sa loob. Pagdating ko roon, wala nang tao kahit isa at patay na 'yong mga ilaw. Loko 'yon si manong guard ah. Sinong naghihintay sa 'kin dito? Multo? Bigla tuloy akong natakot. Baka mamaya, may lumabas na multo rito.

Muntik na akong mapatalon no'ng biglang bumukas 'yong mga ilaw sa stage.

"This is for you, Candice." 'Yong boses na 'yon, boses 'yon ni Suho, 'yong leader ng EXO-K. "Hope you like it."

The Good Girl's Revenge (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon