Chapter 40: Who and where?

2.2M 54.7K 28.5K
                                    

Pagkarating na pagkarating ko pa lang sa bahay, humiga agad ako sa kama ko. Nakaramdam ako ng pagod at takot. Pinagmasdan ko ulit 'yong nameplate na nakita ko kanina.

"-- S&B"

Ano kayang ibig sabihin nito? Initials kaya siya no'ng pangalan ng may-ari? 'Yong may-ari kaya nito 'yong lalaking gustong manakit sa 'kin kanina? S and B? Ibig sabihin ba no'n, pagmamay-ari ito ng dalawang tao? Kung 'yong lalaki na sumunod sa 'kin ang isa roon, sino pa 'yong isa? Sila ba 'yong nakasakay sa motor? Posible, dahil dalawang tao ang nakita kong nakasakay roon. Isang lalaki at isang babae na may mahabang buhok.

Nakakapangilabot talaga 'yong mga pangyayari. Lalo na no'ng nakita kong may hawak na kutsilyo 'yong lalaki. Magnanakaw lang kaya 'yon o talagang matagal na niya akong balak saktan? Nakakapagtaka rin kasi na simula roon sa building, naramdaman ko na 'yong presensya niya. Sandali, 'yong nag-text sa 'kin tungkol kay Jeydon. Sila rin ba 'yong gustong manakit sa 'kin? Bigla na lang akong kinilabutan. Kung kilala niya si Jeydon at alam nila na nawawala siya, ibig sabihin lang, kilala ko 'yong taong 'yon. Kilala ko 'yong taong gustong manakit sa 'kin.

Aish! Hindi ako sigurado sa lahat ng mga naiisip ko. Ang sakit sa ulo.

"Candice, matulog ka na." Nakatayo si Kuya sa pinto ng kwarto ko. Seryosong nakatingin sa 'kin. "May problema ba?" Lumapit siya sa 'kin.

"Kuya, ano kasi... kanina..." Hindi pa ako natatapos sa sasabihin ko, nag-react na agad siya.

"May nanakit ba sa 'yo?! Sabihin mo kung sino!" Nagdalawang-isip akong sabihin 'yong totoo.

"Kuya, wala. Kanina kasi, ang dami kong nakain kaya sumasakit 'yong tyan ko." Biglang huminahon 'yong mukha niya.

"Ayon lang pala. Akala ko naman kung ano na. Ang takaw mo kasi, Manang, e! May dragon ba riyan sa tyan mo ha?"

"Wala 'no! 'Yong tyan ni Jeydon ang meron!" Nagulat ako sa sinabi ko, pati na si Kuya. Bakit ko nabanggit 'yong pangalan niya? Natigilan kaming dalawa ni Kuya nang panandalian. "Sige na, Kuya, matutulog na ako. Matulog ka na rin! Mukha ka nang zombie," pag-iiba ko ng usapan.

"Itong mukhang 'to? Zombie? Aba, ako na 'ata ang pinakagwapong zombie," sabay tawa. Whatever, Kuya Charles. "Uminom ka na ng gamot tapos matulog ka na. Good night, Manang." Pinatay ko na 'yong ilaw no'ng umalis siya.

Mag-aalala nang sobra si Kuya pati sina Mama kapag sinabi ko. Ayoko nang pag-aalalahin pa sila. Isa pa, problemado rin ngayon si Kuya kaya mas mabuti na solohin ko na lang ang problema ko. Kaya ko naman 'to e. Alam kong kaya ko.

Marami na akong napagdaanan. Pati si kamatayan, nalagpasan ko na kaya hindi pwedeng hindi ko makaya kung ano mang panganib ang nagbabanta sa 'kin.

Inalis ko muna kung ano ang mga iniisip ko ngayon. Pagod na ang katawan at isip ko kaya mas mabuti na magpahinga na lang muna ako. Sigurado na sa mga susunod na araw, kakailanganin ko ng lakas sa mga pwedeng mangyari sa 'kin.

***

Minulat ko agad ang mata ko. Maaga pa at wala pang araw. Nag-desisyon na akong bumangon para tumakbo sa labas. Tulog pa silang lahat, pati na rin si Cholo. Kaya nag-decide na lang ako na tumakbo mag-isa. Nag-iwan ako ng note sa ref kung sakaling hanapin nila ako.

Naglibot muna ako sa buong subdivision. Pagkatapos ng kalahating oras, nagpahinga muna ako sa park.

Sa lugar na 'to, palagi kong naaalala si Jeydon. Punung-puno kami ng alaala rito. Naisip ko ulit kung nasaan na siya. Maayos kaya 'yong lagay niya? Hindi naman siguro masama na mag-alala pa rin ako para sa kanya. Naging malaking parte siya ng buhay ko at kung may tao man na makakaintindi sa kanya, ako 'yon dahil pareho kaming niloko ng daddy niya.

The Good Girl's Revenge (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon