Chapter 60: Goodbyes

2.2M 51.5K 15.2K
                                    



"They say experience is the best teacher. Well I guess the worst experiences teach the best lessons. And according to Pete Seeger, the difference between education and experience is that education is when you read the fine print; experience is what you get when you don't. So graduates, make your every experience in life memorable. Always learn from it and make the best out of it."

Napatingin na naman ako sa paligid para hanapin 'yong dalawa. Hindi sila umakyat kanina sa stage no'ng tinawag 'yong mga pangalan nila at kanina ko pa sila hindi nakikita. Nasa'n kaya sina Jeydon at Lucas? Wala ba talaga silang balak pumunta sa graduation?

"Congratulations, graduates!"

Lahat kami nagpalakpakan sa sinabi ng University President namin. Tumayo kami pagkatapos ay hinagis namin pataas 'yong mga cap namin. Inalis ko muna sa isip ko 'yong dalawa.

Tumingin ako sa langit at nakita ko ro'n si Papa na nakangiti sa 'kin. Hindi ko mapigilan na maging masaya.

Sa wakas, graduate na ako.

Sobrang saya naming lahat. After all the pain and hard work, nakatapos din kami sa pag-aaral. Sabi nga ni Mama, ang diploma ang isang bagay na hindi pwedeng ipagpalit sa kahit na anong bagay sa mundo. Sabi naman ni Papa, ang diploma ay pwede mong ituring na isang karangalan mo. Ang sarap sa pakiramdam na naka-graduate ka.

"Congratulations, Bee!" bati sa 'kin ni Stacey.

"Sa 'yo rin, Bee." Hinila niya ako papalapit sa kanya tapos nag-selfie kaming dalawa. Maya-maya, biglang lumapit sa 'min si Tiffany.

"Oy oy! Bakit kayo lang ha?" Bigla siyang nag-pout kaya tinarayan agad siya ng kapatid niya.

"Halika nga rito!" Hinila niya si Tiffany tapos nag-picture din kaming tatlo pero hindi pa natapos 'yon do'n.

Bigla na lang na sumali sa amin sina Marky, Blake, Ginno, Six, at Troy.

"Graduate na tayo!" sigaw ni Ginno.

"Woohoo! Let's go celebrate!" sigaw naman ni Blake. Ang saya-saya nila. "Party! Party! Party!"

"Tara sa bahay!" singit ni Troy.

"Candice, pupunta ka ba?" tanong ni Tiffany sa 'kin. "I'm going there." Nilingon ko si Mama at naghihintay na siya sa 'kin.

"Mauna na kayo. May pupuntahan pa kami." Hinila ko silang dalawa tapos niyakap ko silang magkapatid. "Congratulations sa 'tin! Graduate na tayo!"

"Thanks, Bee. We'll see you later, okay?" Ngumiti ako at tumango sa kanila pagkatapos ay naglakad na ako papunta kay Mama.

"Congratulations, anak." Hinawakan ko 'yong kamay ni Mama.

"I'm sorry, Ma. Wala akong honors ngayon. I guess masyado akong na-distract sa ibang bagay." Ngumiti lang siya sa 'kin.

"May honors ka man o wala, I'm so proud of you, anak. You and your brother are my greatest achievements in life. I love you, anak." Niyakap ako ni Mama at gano'n din ako. "Let's go? Nando'n na 'yong Kuya at Halmoni mo."

Bago ako umalis, nilingon ko ulit 'yong place. Nagbabakasakali na makita ko sina Lucas at Jeydon pero bigo ako. Pareho silang wala sa graduation namin. Nasaan kaya sila?

Nag-drive kami papunta sa puntod ni Papa. Dahil magkaiba kami ng university ni Kuya, kasama ko si Mama at siya naman ay kasama sina Halmoni at Yaya Linda. Pagdating namin do'n, sinalubong agad kami ni Kuya Charles.

"Congratulations, Manang!" Ginulo-gulo niya pa 'yong buhok ko. Aish! Sira na 'yong ayos ng buhok ko. Si Kuya talaga.

"Congrats din, Kuya! Sa tanda mo na 'yan, buti graduate ka na!" Tumawa ako nang malakas kaya bigla niya akong sinamaan ng tingin.

The Good Girl's Revenge (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon