Chapter 33: Confrontation (Part 1)

2.2M 53.5K 9.9K
                                    

CANDICE

Pareho nang dilat 'yong mga mata niya. Tiningnan niya agad ako at parang hindi pa rin siya makapaniwala na nakita niya ako.

"Nanaginip ba ako?" Hinawakan niya 'yong mukha ko. "Talagang nandito ka? Sa tabi ko?" Kinuha ko 'yong kamay niya at hinawakan ko 'yon.

"Oo, Jeydon. Nandito ako para sa 'yo. At hindi, hindi ka nananaginip dahil totoo lahat ng 'to."

Bigla siyang natigilan. "Anong nangyari?"

"Comatose ka na for two weeks. 'Yong araw na bumalik tayo galing Namsan, nawalan ka ng malay at do'n ka na-comatose. Umuwi na kami ng Philippines kinabukasan no'n pero no'ng nalaman ko 'yong nangyari, pumunta agad ako rito."

Tiningnan niya ako na para bang ang lalim ng iniisip niya. Ilang minuto rin siyang natahimik.

"Tinatawag ako ni Jenny. Pilit niyang kinukuha 'yong kamay ko. Gustuhin ko man na sumama, hindi ko magawa dahil naiisip kita." Napahawak siya bigla sa labi niya. "Isa pa, naramdaman ko 'yong halik mo..."

"Jeydon, hindi ka pa pwedeng sumama, hindi ka pa pwedeng mamatay." Hinawakan ko 'yong mukha niya.

"Sabihin mo, alam mo na ba?" Hindi maitatanggi sa itsura at boses niya na nanghihina pa rin siya. Hinawakan ko 'yong kamay niya.

"Jeydon, magpahinga ka lang muna." Tiningnan niya ako sa mga mata ko.

"Candice, answer me. Alam mo na ba lahat?" Napayuko ako habang hawak ko pa rin 'yong kamay niya. Bigla akong naiyak pero pinipigilan ko 'yong mga luha ko. "Please tell me..." Hinigpitan niya 'yong paghawak sa kamay ko.

"Oo, alam ko na lahat." Tiningnan ko si Jeydon. May mga luha na tumulo sa gilid ng mata niya. Ramdam ko 'yong sakit na nararamdaman niya. "'Wag mo na intindihin 'yon. Ang mahalaga ngayon ay ang makapagpahinga ka. Tatawagin ko sila." Tumayo ako pero bago pa ako makalayo sa kanya ay hinila niya 'yong kamay ko.

"Stay here. Please."

Bumalik ako at umupo ulit sa tabi niya. Ngayon, nakatingin na siya sa 'kin. Nilagay niya 'yong isa niyang kamay sa pisngi ko. Pagkatapos ng matagal na panahon, nakita ko ulit 'yong mga mata niya.

"Patawarin mo ako..." Pareho siguro kami ng nararamdaman ngayon. Pareho kaming umiiyak. "Patawarin mo ako kasi nasaktan kita. Alam mo naman na hindi ko kayang makita na nasasaktan ka, 'di ba? Pero kailangan ko lang 'yon gawin dahil ayokong mas lalo kang masaktan kapag nawala na ako." Mas lalo akong naiyak. Maisip ko pa lang na mawawala siya, sobra na akong nasasaktan.

"Hindi ka mawawala, Jeydon. Hindi pwede." Kinuha niya 'yong kamay ko pagkatapos nilagay niya sa dibdib niya.

"Alam mo bang araw-araw, sumasakit 'yong ulo ko dahil sa sakit ko? Sobrang sakit na minsan gusto ko nang mawala sa mundo para hindi ko na 'yon maramdaman. Sa bawat sakit, iniisip kita... kasi ikaw 'yong nagbibigay sa 'kin ng lakas." Hindi pa rin siya tumitigil sa pag-iyak. "Kung may isang bagay man na nagbibigay sa 'kin ng rason para lumaban, ikaw 'yon."

"Jeydon, sana sinabi mo sa 'kin. Gusto kong lumaban tayo nang sabay. Gusto ko na nasa tabi mo ako kada umaatake 'yong sakit mo. Gusto kong alagaan ka. Hindi naman kita iiwan e. Jeydon, mananatili lang ako sa tabi mo." Hindi pa rin tumitigil 'yong mata ko sa pag-iyak. Pinahid lahat ni Jeydon 'yong mga luha sa mukha ko.

"Stop crying. I hate it." Pinunasan ko rin 'yong mga luha pagkatapos ay ngumiti ako nang pilit. "Ayoko lang na maging pabigat sa 'yo. Ayoko na masaktan ka, na umiyak ka dahil sa lagay ko. Ayoko na palagi mo akong iintindihin. Ayoko lang na mahirapan ka..."

"Kahit kailan, weirdo ka. Alam mo ba 'yon ha? Ang stupid, stupid mo." Pinipilit ko pa rin na ngumiti kahit na nahihirapan na ako. "Sa ginawa mo bang paglihim sa 'kin, hindi ba ako nasaktan at nahirapan?"

The Good Girl's Revenge (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon