Chapter 46: Abducted

2M 50.8K 24.3K
                                    

CANDICE

"Totoo ba 'yan?" Hindi talaga ako makapaniwala sa mga sinabi niya. "Si Manong Sorbetero, ganito kayaman at isa siyang doktor?" Tumango siya sa 'kin. Magkaharap kaming dalawa sa lamesa habang kumakain ng noodles na niluto ko para sa kanya. Busy siya sa pagkain kaya hindi siya makapagsalita.

Pwede nang lumabas si Jeydon ng ospital kaya hinatid ko na siya pauwi sa tinutuluyan niya. Condo pala 'yon ni Manong Sorbertero na si Mr. Song, isang sikat at mayaman na surgeon. Nakakagulat talaga. Hindi ko expected na ganito pala siya.

"Kaya pala ang lalim niya palaging magsalita. May pagka-misteryoso siya. Nakakamangha naman," dagdag ko.

"Yesh. Funny, ishn't it?" sabi ni Jeydon habang puno pa rin ng noodles 'yong bibig niya. "Nakakatawa pa nga no'n, 'yong anak niya na itinakwil niya e workmate ko pala. Pakiramdam ko nga may purpose ako sa buhay nila e." Finally, natapos na rin siya kumain.

Naalala ko na naman 'yong babae na nasa coffee shop. 'Yong babae na tumawag sa kanya ng Jeydi. Ano nga ulit 'yong pangalan niya? Parang close na close sila at mukhang magaan pa nga 'yong loob nila sa isa't isa.

"Close ba kayo?" tanong ko, kaya napatingin siya sa 'kin. Bigla na lang siyang ngumisi sa 'kin. Anong problema niya? "O, ano 'yang ngisi na 'yan?"

"Napansin ko lang kasi na parang nagseselos ka kay Brina." Nag-evil laugh siya bigla. Hala! Ako nagseselos? Hindi 'no. Nagtatanong lang ako. Brina pala 'yong pangalan niya. "Wala kang dapat ipagselos sa kanya. Kaibigan ko lang siya." Napataas ako ng kilay.

"Anong tawag niya sa 'yo? Jeydi? Ang pagkakatanda ko kasi mga importanteng tao lang hinahayaan mong tumawag sa 'yo nang gano'n." Tumawa na lang ako. "Ano pa man, ayos lang. Hindi naman ako nagseselos. I'm just asking kasi 'di ba? Jeydi tawag niya sa 'yo." Tumayo siya sa pagkakaupo niya tapos lumapit siya sa 'kin.

"Ang cute mo kapag nagseselos ka." Ang kulit niya. Hindi naman talaga ako nagseselos e. "You have my heart so there's no need to be jealous. I'm all yours." Psh, hindi naman nga kasi ako nagseselos do'n.

"Really? You're all mine?" Hinawi niya 'yong buhok ko tapos tiningnan niya ako sa mata ko. Kapag ginagawa niya 'yon, may kakaiba akong nararamdaman, parang may kung ano sa tiyan ko.

"Yes, I'm all yours," sabay kindat. "Hindi ko alam kung anong ginawa mo sa 'kin pero patay na patay ako sa 'yo." Mas lumapit siya sa 'kin. 'Yong malapit na malapit. Konting galaw lang, mahahalikan na niya ako. "I'm so damn into you... I'm falling in love with you over and over again." Pakiramdam ko, tumayo lahat ng balahibo sa katawan ko. Damang-dama ko 'yong mabango niyang hininga tapos ang sexy pa ng boses niya. Ganito talaga siguro 'yong nagagawa ng isang Jeydon Lopez. "Wala ka man lang bang sasabihin?"

"Ha? A-ano naman 'yong sa-sabihin ko?" Natawa siya tapos niyakap na lang niya ako.

"Nothing. Don't say anything and just hug me." Weirdo talaga siya pero weirdo din ako e kasi niyakap ko nga siya. "Balik tambalan na ba ulit tayo? Buo na ba ulit 'yong Jeydice?" Tinulak ko siya pagkatapos ay tiningnan ko siya.

"Jeydice? Sino 'yon?" Bigla ba naman siyang natawa. Hari talaga siya ng ka-weirdoan.

"Jeydon plus Candice equals Jeydice." 'Yong ngiti niya sa 'kin, abot hanggang langit tapos mukha pa siyang bata. "Okay ba?"

Kinurot ko nga 'yong magkabilang pisngi niya. "Ang mais mo!" sabi ko.

"Shweet kaya!" Pagbitaw ko sa pisngi niya, tawa kami nang tawa kaso bigla na lang sumakit 'yong ulo niya.

"Okay ka lang? Masakit na masakit ba?" nag-aalala kong tanong. "Jeydon, ano? Magsalita ka, nag-aalala na ako!" Nakakapit lang siya sa kamay ko. Malapit na talaga akong mag-panic kaya ang ginawa ko, hinila ko siya papunta sa sofa. Kahit anong bigat niya, nagawa ko pa rin siyang dalhin do'n.

The Good Girl's Revenge (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon