Epilogue (1st part)

1.9M 49.5K 10.8K
                                    


Iniwan na ba talaga ako ni Jeydon?

Parang hindi ako makapaniwala. Ganon-ganon na lang ba siya aalis dito? Aba, hindi lang siya magbabakasyon sa Korea. Doon na siya titira for two years tapos hindi man lang muna siya nagpaalam sa 'kin? Psh. Stupid cat.

Yah! Jeydon! Weirdo ka talaga.

Pumunta ako sa information section para alamin kung talagang nakaalis na si Jeydon pero ayaw nilang ipaalam sa 'kin dahil confidential daw 'yon. Wala na akong nagawa kaya tinawagan ko na lang si Stacey. Isa naman sila sa may-ari nito e.

"Bee, pwede mo bang i-check kung kasama si Jeydon sa Korean flight na kakaalis pa lang? Thanks."

Hinintay ko 'yong text ni Stacey at umaasa ako na hindi pa umaalis si Jeydon, na nandito lang siya at hinihintay ako. Pero no'ng natanggap ko 'yong text ni Stacey, sobra akong nalungkot. Nakaalis na nga talaga si Jeydon.

Hindi ko maiwasan na matulala. Hindi ko na kasi alam kung anong gagawin ko.

Tumayo ako para bumili ng ticket. Susundan ko siya sa Korea.

Ang dami na niyang ginawa para sa 'kin. Nagbago siya para sa 'kin, kahit 'yong daddy niya kinalaban niya para lang sa 'kin, at kahit sarili niyang kaligayahan, sinakripisyo niya para lang sa 'kin. Panahon na siguro ngayon para bumawi naman ako sa kanya.

"I'm sorry, miss. Fully booked na 'yong next flight papuntang South Korea." Para akong nanlumo sa sinabi niya.

"Wala na talaga? Kahit ano riyan? Magbabayad ako ng kahit magkano."

"Wala na po talaga. Our next flight is tomorrow." Bukas pa? Hindi ko na kayang maghintay nang gano'n katagal.

"Sige, salamat na lang."

Naglakad muna ako papunta sa waiting area. Paano ko na susundan si Jeydon sa Korea? Nakapatay naman kasi 'yong phone niya kaya hindi ko siya matawagan. Tumunog 'yong phone ko at nakita ko si Stacey na tumatawag.

"I'm sorry, Bee. Wala na talaga akong nahanap na seat para sa 'yo. And I double-checked, talagang nakaalis na si Jeydon kanina."

"Gano'n ba? Thanks, Bee. I guess kailangan ko talagang maghintay bukas para sa next flight."

"Okay, Bee. Tawagan mo ko kapag may kailangan ka."

Jeydon naman, bakit ka umalis nang wala ako? Kaya mo ba talaga akong iwan dito? Kapag nakita kita, humanda ka lang sa 'kin.

Napatingin na lang ako roon sa dalawang babae sa harap ko.

"Pupunta ka pa lang Korea?"

"Oo, 'yong boyfriend ko kasi, binigyan ako ng ticket para masundan ko siya roon." May nilabas siyang sobre na parang katulad ng sa 'kin tapos may plane ticket 'yon papuntang Korea.

Nakakainggit naman. Sana binigyan din ako ni Jeydon ng ticket. 'Yon na ba 'yong graduation gift niya sa 'kin? 'Yong message niya na pupunta siyang Korea? Sandali nga, baka naman may laman pa 'yon? Kinuha ko kaagad 'yong sobre tapos pagbukas ko, nanlaki 'yong mga mata ko kasi may ticket pala roon na papuntang Korea. Bakit hindi ko siya nakita agad?

Kaya pala malakas 'yong loob niya na umalis kahit wala ako kasi may ticket pala roon sa gift niya sa 'kin. Gusto niya 'ata na sabay kaming pumunta roon. Ito pala 'yong regalo niya.

Ang saya naman, masusundan ko na rin si Jeydon sa Korea. Lagot talaga siya sa 'kin kapag nakita ko na siya roon.

Tumayo agad ako tapos hinarap ko 'yong dalawang babaeng nag-uusap sa harap ko. "Thank you!" Nagtataka sila sa ginawa ko pero hindi ko na sila pinansin dahil sobrang saya ko.

The Good Girl's Revenge (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon