Chapter 37: Father and Son

2.2M 53.7K 14.4K
                                    

JEYDON

Minulat ko 'yong mga mata ko. Bumungad agad sa 'kin 'yong ilaw sa kisame. Nabalot ako ng takot nang mapagtanto ko na nasa hospital na naman ako. Ayoko sa lugar na 'to. Binabalik lang ng lugar na 'to lahat ng masasakit at mapapait na alaala ko.

"Anong nararamdaman mo?" Lumingon agad ako sa kanan ko para makita ko siya. "May masakit ba?" Nanlaki 'yong mata ko.

"Sabihin mo, panaginip na naman ba 'to?" Napangiti siya nang bahagya sa sinabi ko. "Totoo bang nandito ka ulit sa tabi ko?"

"Weirdo ka talaga 'no? Ano bang tingin mo sa 'kin ha? Multo?" Ngayon tumawa naman siya pagkatapos ay kinurot niya nang mahina 'yong pisngi ko. Nakaramdam ako ng sakit kaya ibig sabihin, hindi nga ako nananaginip. "O ayan, hindi na ba panaginip para sa 'yo ang lahat?"

"Ano bang nangyari? Bakit nasa ospital na naman ako?" Parang mas lalo lang sumasakit 'yong ulo ko kakaisip.

"Nahimatay ka kanina habang kasama mo sina Kuya. Dinala ka nila agad dito tapos tinawagan ako ni Kuya para sabihin na nandito ka." Inalala ko 'yong mga pangyayari kanina. Sumakit bigla 'yong ulo ko pagkatapos ay nagdilim na 'yong paligid. Tapos biglang nandito na ako sa ospital. "Okay ka na ba?"

"Oo, ayos na ako. Gusto ko nang umalis dito." Binalak kong umupo pero biglang sumakit 'yong ulo ko.

"Hanggang ngayon ba matigas pa rin 'yang ulo mo? Magpahinga ka nga muna." Napakamot na lang siya ng ulo. "Aish! Pasaway na pusa 'to."

"Narinig ko 'yon ah!" sigaw ko.

"E di narinig mo! Pasaway ka naman talaga e, kaya ka napapahamak." Napabuntong-hininga siya pagkatapos ay natahimik kaming dalawa. "Pwede mo pa rin naman akong maging nurse, di ba? Katulad ng dati? Kahit as a friend na lang."

Bigla akong natigilan. Oo nga pala, pareho na kaming nag-let go. Hanggang sa pagiging magkaibigan na lang kaming dalawa. Para akong tanga kasi bigla na lang akong nasaktan. Ano bang problema ko? Ito naman 'yong gusto ko.

"'Wag na, wala ka namang kwenta mag-alaga e," pang-aasar ko. Gusto ko lang siyang asarin. Minsan lang naman pwedeng mangyari 'to e.

"Wow ha? Kaya pala ako 'yong nagpapagaling sa 'yo dati?" Napangiti ako. Kahit naman hanggang ngayon, ikaw pa rin. "'Wag na nga. Ang choosy mo." Bigla siyang nagtaray sa 'kin.

Gustung-gusto kong tumawa pero kailangan ko na pigilan 'yong emosyon ko. Ayoko nang maging malapit pa ulit kami. Ayoko na mapalapit pa ulit sa 'kin si Candice at sa huli, masasaktan lang siya. Tama na 'yong nag-let go na kaming dalawa.

"Bakit ka ba nandito?" Nagulat siya sa tanong ko.

"Ah kasi... si Kuya... sabi niya kasi pumunta raw ako rito." Para siyang nawala saglit sa sarili niya. "Papunta rin ako sa bahay ninaa Lucas kasi dumating galing Korea 'yong pamilya niya. Dumaan muna ako rito kasi nasa airport pa sila."

Nainis ako bigla sa sarili ko. Ang gago ko para ipagtabuyan siya. Alam kong nagmamalasakit pa rin siya sa 'kin kaya siya nandito pero ano 'tong ginagawa ko? Isa pa, nakaramdam ako ng selos kay Shawn. Hindi ko na dapat nararamdaman 'to dahil wala na akong karapatan kay Candice. Ako naman 'yong nagtulak sa kanya papunta kay Shawn. Ang gago ko talaga. Wala akong kwenta.

"Sige, aalis na rin ako. Nandito pa sina Kuya. Tatawagin ko lang sila." Tumayo siya pagkatapos ay lumabas agad siya ng kwarto. Hindi ko man lang siya napigilan.

Napatingin na naman ako sa ilaw na nasa kisame. Naisip ko ulit 'yong katangahan na ginawa ko. Siya na 'yong lumalapit sa 'kin pero ako 'tong taboy nang taboy sa kanya palayo. Nasaktan na naman ba siya sa ginawa ko? Kailangan ko lang naman 'yon gawin dahil mamamatay na ako at hindi na siya magiging masaya pa sa 'kin. Ang gusto ko lang naman sa simula pa lang ay 'yong maging masaya siya.

The Good Girl's Revenge (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon