Chapter 4: Hidden feelings

3.1M 65.5K 26.1K
                                    

SHAWN LUCAS

"Shawn..."

Nilingon ko siya. Napakaseryoso ng mukha niya. Lumapit siya sa 'kin kaya pinatay ko 'yong sindi ng sigarilyo ko.

"Anong kailangan mo, Kie?" Pareho kaming sumandal sa kotse ko. "May problema ba?"

"Tungkol 'to kay Candice."

"Bakit? May nangyari ba?"

"Natatandaan mo pa ba 'yong pagkikita natin noon? Sabi mo sa 'kin gusto mo si Candice, hindi ba?" Inalala ko 'yong pagkikitang 'yon. Oo, sinabi kong gusto ko si Candice. Ano namang meron do'n? Matagal na 'yon, at isa pa, matagal ko nang kinalimutan 'yong nararamdaman ko para kay Candice.

"Bakit mo ba 'yan sinasabi?"

"Just answer me: Do you like her?" Hindi ko alam kung saan papunta 'tong usapan namIn ni Marky pero may kutob akong may hindi magandang nangyari.

"Do you want an honest answer? Yes, I like her pero matagal ko nang kinalimutan para kay Jeydon."

"Forget about Jeydon. I want to ask you a favor."

"What is it?"

"Gusto kong ipagkatiwala sa 'yo si Candice. I know that between the two of us, you can protect and love her more that I can." Hindi ko maintindihan si Marky. Bakit niya pinagkakatiwala sa 'kin si Candice? 'Andiyan naman si Jaydee. "Shawn, ikaw na lang 'yong makakatulong kay Candice."

"Pre, ano bang sinasabi mo? Hindi kita maintindihan."

"Nagkabalikan na sina Jeydon at Kim." Nagkabalikan? Paano mangyayari 'yon? Sina Candice at Jeydon pa. 'Wag mong sabihin na... "Shawn, kailangan ka niya."

"What the hell?! Nagawa 'yon ni Jeydon?! Niloko niya si Candice? How could he possibly do that? Mahal na mahal niya si Candice 'di ba?" Pakiramdam ko, sasabog ako sa galit.

"I don't know and I don't want to know. Shawn, kung nakita mo lang kung gaano nasasaktan si Candice ngayon, maawa ka sa kanya. Kailangan niya ng dadamay sa kanya. Kailangan ka niya." Hinawakan ni Marky 'yong mga balikat ko, para bang sinasabi niya na ako nang bahala sa lahat. Unti-unti siyang naglakad palayo.

Hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa 'yon ni Jeydon. Wala akong maisip na dahilan para balikan niya pa si Kim. Hindi naman pwedeng ma-blackmail lang siya ni Kim o ng Dad niya. Kilala ko siya, hindi siya nagpapasindak at nagpapatalo. Posible bang bumalik lang talaga 'yong pagmamahal ni Jeydon kay Kim? Pero paano si Candice?

Si Candice... Kailangan niya ko.

Sinubukan kong tawagan si Candice pero hindi niya ako sinasagot. Fuck! 'Asan na ba siya? Nag-aalala na ako sa kanya. Nasa bahay kaya nila?

Nag-drive ako pabalik sa bahay nila. Papasok pa lang ako sa loob, nakasalubong ko na agad si Charles.

"Shawn, bakit bumalik ka? Teka, alam mo ba kung nasa'n si Candice? Kanina ko pa tinatawagan 'yon e. Si Jaydee naman hindi ko rin ma-contact. Pambihira! Nag-date siguro 'yong dalawang 'yon. Psh!" Sigurado akong na kina Jeydon siya ngayon. Charles, kung alam mo lang kung anong nangyari, sigurado akong mabubugbog mo si Jeydon. "Huy! Natulala ka na ba sa kagwapuhan ko?"

"Lul! May naisip lang ako. Sige, alis na ko!"

"Bastos na bata 'to o! Tinatanong pa kita about kay Candice!" Hindi ko siya pinansin, dumiretso agad ako sa loob ng kotse ko.

Pasensya na, Charles, hindi pa siguro 'to 'yong tamang panahon para malaman mo. Kilala kita at alam kong hindi mo papalagpasin 'yong ginawa ni Jeydon. Makakagulo lang lalo 'yon sa sitwasyon ngayon.

The Good Girl's Revenge (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon