Chapter 44: Goodbye, Sweet Angel

2.2M 55.9K 30.9K
                                    

CANDICE


Isang linggo na simula no'ng nagkita kami ni Jeydon. Wala na ulit akong narinig sa kanya pero minsan pakiramdam ko ay nasa paligid ko lang siya. Hanggang ngayon, overwhelmed pa rin ako sa mga sinabi niya. After all these years at pagkatapos ng lahat ng nangyari, gano'n pa rin pala katindi 'yong pagmamahal niya sa 'kin. Mas lalo lang akong naguluhan kung sino na ba sa kanila ni Lucas 'yong mas matimbang sa puso ko.

Mali man itong nararamdaman ko pero mahal ko sila pareho. Minsan naiinis na ako sa sarili ko kasi hindi ako makapagdesisyon kung sino ba talaga 'yong dapat kong piliin. Alam kong pareho akong magiging unfair kina Lucas at Jeydon kaya naisip ko na lang na umiwas sa kanila pareho pero hindi ko magawa.

These past few weeks, naging busy si Lucas dahil sa mga medical treatment na pinagdaanan ng dad niya. May heart disease 'yong dad niya at malala na pala 'yon. Ito ang naging dahilan ng pagkamatay niya. Sobrang biglaan no'ng mga pangyayari. Hindi man lang niya sa 'kin sinabi 'yong tungkol sa problema niya kasi ayaw niyang mag-alala ako. Alam ko kung gaano kasakit mawalan ng ama lalo na 'yong biglaan. Hindi ko ma-imagine kung gaanong sakit 'yong nararamdaman ni Lucas ngayon.

Gusto ko na sanang umiwas muna sa kanya dahil baka mas lalo ko lang siyang masaktan pero hindi ko magawa, lalo na ngayon na kailangan niya ako dahil sa pagkamatay ng daddy niya. Isa pa, nangako ako sa dad niya.

"Mahal na mahal ka ng anak ko, Candice." Kahit na nanghihina na siya, nakangiti pa rin siya. "Mana talaga sa 'kin 'yong anak ko. Magaling pumili ng taong mamahalin..." Napangiti na lang ako sa sinabi niya. "Pwede ba akong humingi ng pabor sa 'yo?"

"Ano po 'yon?" Hinawakan niya 'yong kamay ko.

"Alam kong malaking bagay 'yong hihingin ko pero sana...'wag mong iwan si Shawn." Nagulat ako sa sinabi niya. "Kahit na pinapakita niya sa iba na malakas siya, hindi niya pa rin maitatago sa 'kin na mahina siya. Madalas ko siyang nakikita na malungkot at umiiyak sa bahay lalo na no'ng naghiwalay sila ni Kim...pero no'ng dumating ka ulit sa buhay niya, nakita ko ulit siyang sumaya katulad no'ng mga bata kayo."

Natigilan ako sandali. Kahit minsan, hindi pinakita sa 'kin ni Shawn 'yong kahinaan at kalungkutan niya. Buong akala ko, malakas siya pero mali pala ako.

"Alam kong malapit na akong mawala at maiiwan ko na sila kaya gusto ko bago mangyari 'yon, alam kong maayos sila. Selfish ang gagawin ko, Candice, pero sana ipangako mo sa 'kin na hindi mo siya iiwan..." Nakahawak pa rin siya sa mga kamay ko habang nakatingin siya sa mata ko. Kinabahan ako bigla kasi pakiramdam ko mawawala na siya. Hinawakan ko na lang 'yong kamay niya.

"Pangako po. Pangako hindi ko iiwan si Lucas."

Ngumiti siya sa 'kin pagkatapos ay pinikit niya 'yong mga mata niya. "Salamat, Candice. Ngayon, kampante na akong mawawala rito sa mundo."

Pinagmasdan ko lang siyang matulog. Maya-maya lang, dumating na si Lucas. Binigyan ko muna sila ng oras para makapag-usap kaya lumabas muna ako ng kwarto. Kumuha muna ako ng kape pagkatapos ay naghintay lang ako sa labas. Hindi nagtagal ay nakita ko si Lucas na lumabas ng kwarto. Bigla na lang siya napaupo sa sahig habang iyak siya nang iyak. Lumapit agad ako sa kanya para yakapin siya.

"Wala na siya, Candice. Wala na si Dad."

Sa puntong 'yon, kusa na lang din na tumulo 'yong mga luha ko. Nasasaktan ako para kay Lucas. Alam ko kung gaano kahirap 'yong pinagdadaanan niya. I've been there. Naisip ko rin sandali si Papa at 'yong mga oras na nawala siya sa 'kin nang wala man lang akong nagawa.

Mag-iisang linggo na no'ng namatay 'yong daddy ni Lucas. Hindi na ako umalis sa tabi niya simula noon.

Nandito kami ngayon sa puntod ng papa niya. Halos buong araw ni Lucas, nandito siya.

The Good Girl's Revenge (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon