Chapter 35: Reunion

2.4M 56.3K 26.3K
                                    

CHARLES

Taena. Pambihirang buhay 'to. Palagi na lang akong gumigising na mabigat 'yong loob ko. Nakakasawa na rin. Nakakainis kasi 'tong si Serina! Hindi siya maalis sa isip ko.

Kung siya, nagagawa niya akong kalimutang nang gano'n na lang dahil sa Xander na 'yon, ako naman ay halos mabaliw na kakaisip sa kanya. Hirap talaga kapag gwapo ka, inborn na sa 'yo 'yong pagiging faithful at loyal. Hays! Bakit kasi ang gwapo ko?

Teka nga. Oo nga pala. Gwapo ako kaya bakit ako namomroblema sa mga gano'ng bagay? Kung masaya siya ro'n, bahala siya. Ang dami-daming nagkakandarapa sa 'king babae e.

Narinig kong bumukas 'yong pinto ng kwarto ko. "Kuya, gising ka na ba?"

"Hindi, tulog pa ako," pang-aasar ko. Sinamaan niya agad ako ng tingin. Magsu-super sayan na naman siya kaya pinigilan ko na siya. Ngumiti ako sa kanya. "Good morning, Manang." Tumabi agad siya sa 'kin.

"Wala ka bang naaalalang event ngayong araw na 'to?" Natahimik lang ako kasi wala akong idea kung anong meron. "Hays! Confirmed! Magkaaway kayo 'no?"

Nanlaki 'yong mata ko no'ng na-realize ko. "Pucha! Monthsary nga pala namin ni Serina ngayon." Napabuntong-hininga na lang kaming dalawa ni Manang.

"Kuya, anong bang nangyari sa inyo ni Ate Serina?"

"Malay ko sa amazonang babae na 'yon. Busy siya ro'n sa Xander na 'yon. E di bahala siya! Ang gwapo-gwapo ko para maghabol!" Tumawa ako nang malakas. Bahala talaga siya sa buhay niya. Mami-miss niya rin 'yong gwapo kong mukha.

"Okay, sabi mo e. Panindigan mo 'yan ah? Hindi ikaw 'yong maghahabol." Sa tono ng boses niya, parang nang-aasar pa siya.

"Anong gusto mong sabihin diyan, Candice?" Tumawa siya bigla. Taena, nang-aasar nga 'to.

"Para kasing sa inyong dalawa, ikaw 'yong palaging hindi makatiis at ikaw 'yong palaging naghahabol." Tiningnan ko siya sa mata niya tapos ay tumawa ulit ako nang mas malakas sa tawa niya.

"Seriously? Sorry, I'm not aware." Sige na, aaminin ko, tumatawa ako ngayon pero at the back of my mind, nasapul ako sa sinabi ni Candice. Tama siya sa lahat ng sinabi niya. Change topic na lang. "Oo nga pala, kumusta si Jaydee?"

Biglang natigilan si Candice.

"Unti-unti na naman siyang gumagaling, Kuya. Sana nga tuluyan na siyang gumaling." Nararamdaman ko 'yong bigat ng pakiramdam niya. "Ayokong ipasok sa isip ko na may taning talaga 'yong buhay niya. Alam kong gagaling siya."

"Si Jeydon? Masamang damo 'yon kaya matagal pa mamamatay 'yon."

"Sabagay, weirdo na pusa nga pala 'yon at ang mga pusa ay may siyam na buhay kaya hindi siya basta-bastang mamamatay." Nag-iba bigla 'yong itsura niya. Kapag naaalala niya si Jeydon, napapangiti na lang siya bigla.

"Mahal mo pa ba siya?"

"I can never unlove him. I just love him in a different way now." Nakangiti pa rin siya pero alam kong pilit lang 'yon. "Nagdesisyon na kaming pareho na mag-let go. Ayoko na rin ipilit e. Kahit anong lapit ko kay Jeydon, patuloy niya lang akong itinutulak kay Lucas. Isa pa, mas maaalagaan at mas mamahalin siya ni Kim. I think it's better to leave it that way."

"Piliin mo kung saan ka sasaya. Kahit naman anong maging desisyon mo, susuportahan kita." Napatingin siya sa 'kin. "You deserve to be happy and not miserable."

"Thanks, Kuya. Thanks for being the best brother to me." Lumapit siya sa 'kin pagkatapos ay niyakap niya ako.

Niyakap ko rin si Candice. Masaya ako para sa kanya kasi unti-unti na siyang nagiging okay. Wala na 'yong galit sa puso niya. Alam ko isang araw, babalik din 'yong dating Candice na nakilala namin. Hindi pa nga lang siguro ngayon dahil alam kong may gumugulo pa sa isip at puso niya.

The Good Girl's Revenge (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon