Chapter 14: Ex boyfriend

3.1M 65.2K 27K
                                    

CANDICE

"I'm Blake Fuentebella at sisiguraduhin kong magiging girlfriend kita."

Napanganga na lang ako nang literal sa sinabi ng Blake na 'yon. Iniwan pa niya ako ritong nakatanga. What the hell? Pakiulit nga 'yong sinabi niya?

Siya raw 'yong magiging boyfriend ko? Joke ba 'yon? Nagpapatawa ba siya? Kasi hindi naman ako natawa. Sana mukha na lang niya 'yong ginawa niyang joke. Baka natawa pa ako.

Aish! Nevermind.

Pumasok na lang ulit ako sa loob ng coffee shop. Lahat sila nakatingin sa 'kin habang pabalik ako sa table namin.

"May problema ba?"

"Napag-uusapan kasi namin dito habang wala ka na baka may nanliligaw na sa 'yo." Pagkasabi no'n ni Troy, sinamaan siya ng tingin ni Tiffany.

"Ang ingay mo, Troy," iritang sabi ni Marky.

"Wala pa. Wala pang nangliligaw sa 'kin." Hindi ko alam kung bakit lahat sila napatingin kay Lucas no'ng sinabi kong wala pang nangliligaw sa 'kin. Anong meron sa kanya? May hindi ba ako alam? "Unfortunately, hindi ako kasing swerte kagaya niyo pagdating sa buhay pag-ibig."

"Ang ganda-ganda mo, Candice, kaya hindi imposible na magkaroon ka ulit ng boyfriend," sabi ni Tiffany.

"Kayo, maganda 'yong lovelife. Ako, maganda lang. Kuntento na ako do'n."

"That's the spirit, Bee! Tama 'yan! 'Yan ang motto ng mga magaganda na single." Tawa nang tawa si Stacey. But I know that behind that laughter, there's also bitterness. Hindi niya kasi matanggap na pinagpalit siya ni Edward kay Blossom. "Tignan mo nga naman, nakita ko pa sila."

Napalingon kaming lahat kay Blossom na kasama si Edward. Ang saya-saya nilang dalawa. Hindi na maipinta 'yong mukha ni Stacey. Kahit naka-move on na siya kay Edward, hindi pa rin niya matanggap na niloko siya ng isang lalaki.

"Oh my gosh. Sa lahat ba naman ng tao, siya pa 'yong makikita ko? Nakakainis 'yong mukha niya," parinig ni Blossom kay Stacey.

Alam ko naman na hindi magpapadaig si Stacey kaya tumayo agad siya para lapitan sina Blossom. Pipigilan sana siya ni Tiffany, pero inawat ko siya dahil alam kong hindi rin naman magpapatigil si Stacey.

"Bago mo sabihin na naiinis ka sa 'kin, tanungin mo muna kung natutuwa ba ako sa 'yo." Grabe 'yong kilay ni Stacey. Kung may abot-langit na ngiti, meron ding abot-langit na pagtataray, at kay Stacey Chua mo 'yan makikita.

"I don't care. Wala akong paki sa 'yo at sa nararamdaman mo," banat naman ni Blossom.

"'Yon naman pala e. The feeling is mutual. Wala rin akong pakialam sa 'yo at sa nararamdaman mo kaya tumahimik ka." Tinaasan niya ulit ng kilay si Blossom bago siya tumalikod at pumunta sa 'min.

Natahimik nga naman si Blossom at lumabas na lang sila ni Edward ng coffee shop.

"Alam mo, Stacey, ikaw na talaga ang reyna ng katarayan," natatawang sabi ni Troy. "Grabe, taob si Blossom sa 'yo."

"Gano'n talaga kapag maganda. Hindi nagpapatalo at nagpapaapi."

"Oha oha! Ate ko 'yan!" biglang sabat ni Tiffany. Natawa tuloy kaming lahat sa kanya.

Biglang tumunog 'yong cellphone ni Troy kaya natahimik kaming lahat. Sinagot niya agad 'yong phone niya. Mukhang importante 'yong tumatawag.

"Okay, Dad, pupunta na ko." Biglang nalungkot si Troy. "Guys, sorry, kailangan ko nang umalis."

"Iiwan mo rito 'yong kapatid ko? Mamaya ka na umuwi, Troy! Ang KJ mo naman. It's just your dad." Naging seryoso 'yong mukha ni Troy.

"He's my dad. He's not just my dad."

The Good Girl's Revenge (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon