Chapter 39: Queen Bee's day

2.3M 51.6K 19.9K
                                    


Saan ba siya pwedeng pumunta? Tinanong ko na sa lahat ng mga kakilala niya rito pero hindi rin nila alam. Saan naman siya pupunta kung hindi sa pamilya at kaibigan niya?

Bumalik kaya siya sa Korea? Pwede rin, pero wala siyang sapat na pera para pumunta roon. Pwera na lang kung meron pa siyang sariling pera. Saan nga ba siya pwedeng pumunta?

"Candice, mahuhuli ka na sa class mo," paalala ni Mama. Sinara ko na 'yong laptop ko pagkatapos ay kinuha ko na 'yong gamit ko.

Sa ibang oras ko na lang itutuloy 'yong paghahanap ko kay Jeydon.

"Aalis na ko, Mama. Pakisabi na lang kay Paulo na dumiretso na siya sa birthday ni Stacey."

"Okay, sige. Ingat ka, anak."

"Okay, Ma. I love you." Lumapit ako kay Mama para yakapin siya.

Marami na akong hindi nasasabi kay Mama. Palagi kasi akong walang oras. I miss being with her. Kapag natapos na ang lahat ng problema ko, sisiguraduhin kong makakapag-bonding ulit kami.

Pagkalabas ko pa lang ng bahay, nakaabang na agad si Lucas sa labas.

"Good morning, mahal na prinsesa." Hindi ko napigilan na mapangiti. May kakaiba akong nararamdaman kapag nakikita ko si Lucas. Para bang gumagaan 'yong pakiramdam ko. Siguro dahil na rin sa maamo niyang mukha. "Nakatulog ka ba nang maayos? Buong gabi kang nasa panaginip ko e."

"Buong gabi pala ako nangungulit sa panaginip mo. Ikaw ang dapat kong tanungin kung nakatulog ka nang maayos." Pareho kaming natawa sa sinabi ko. "Mabuti pa ay pumasok na tayo. We're going to be late." Ngumiti lang siya sa 'kin pagkatapos ay pinagbuksan niya ako ng kotse.

Habang nasa kotse kami, naisip ko si Stacey. Nagustuhan niya kaya 'yong trip to Korea na regalo ko sa kanya? Nabanggit niya kasi sa 'kin na gusto niya ulit bumalik do'n kaya binili ko agad 'yong offer sa internet na one-week stay sa Busan at Jeju.

"Mukhang malalim 'yong iniisip mo." Biglang tanong ni Luca, "Iniisip mo si Jeydon?" Napatingin agad ako sa kanya, gulat sa tanong niya.

"Ha? Ah... hindi ah... hindi ko siya iniisip." Tumawa na naman siya. Ano bang nakakatawa sa sinabi ko?

Totoo naman e. Si Stacey 'yong iniisip ko at hindi si Jeydon.

Iniiwasan ko na isipin si Jeydon kapag kasama ko siya. Ayokong maging unfair kay Lucas. Hindi niya deserve 'yon.

"O, bakit defensive ka? Okay lang naman kung isipin mo siya e. Ako nga rin naiisip ko siya." Nanlaki 'yong mata ko sa sinabi niya. Hindi na lang muna ako nagsalita pagkatapos ay hinintay ko siyang magsalita ulit. "Nasaan na kaya 'yong mokong na 'yon? Nag-aalala rin ako sa kanya." Tumingin ako sa kanya at gano'n din siya sa 'kin kaya nakita ko 'yong mata niya na puno ng pag-aalala.

Nakakatuwa lang isipin na hindi pa rin niya nakakalimutan ang pagkakaibigan nila ni Jeydon. Tingin ko nga ay best friend pa rin 'yong tingin niya kay Jeydon pagkatapos ng lahat ng nangyari.

"Makikita rin natin siya. 'Wag kang mag-alala," sabi ko pagkatapos ay hinawakan niya 'yong kamay ko.

"Sana nga. Dahil kahit karibal ko siya sa 'yo, mahalaga pa rin siya sa 'kin." Napangiti na lang ako.

Ang bait ni Lucas, napakabait niya.

Pagdating namin sa school, dumiretso agad kami sa classroom namin. Nando'n na si Stacey, naghihintay sa 'min.

"O, bakit late kayo ha? Nag-date pa kayo?" pang-aasar niya sa 'min ni Lucas.

"Si Candice kasi napasarap 'yong tulog kakaisip sa 'kin." Tiningnan niya ako sabay kindat. Umiral na 'yong pang-aasar nilang dalawa sa 'kin ni Stacey.

The Good Girl's Revenge (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon