Chapter 18: 5th member

2.7M 57.9K 24K
                                    

CANDICE

Tahimik lang kaming lahat tapos nakatingin kami kay Ginno. Akala mo may nakita silang multo. Nabasag lang 'yong katahimikan no'ng nagsalita si Troy.

"Nagpapatawa ka ba, Marky?!" reklamo ni Troy. Nasa likod pa rin niya si Tiffany para awatin siya in case na magwala siya. "Si Ginno?! E muntik na niyang patayin si Candice e!"

Tiningnan kong mabuti si Ginno. Maikli na 'yong buhok niya kumpara sa huli ko siyang nakita.

"Troy, matagal nang napatawad ni Candice si Ginno," mahinahon na sabi ni Marky. "Tingin mo ba isasali ko siya sa Badburn kung alam kong katulad pa rin siya ng dati?"

"Sumali ka na nga do'n sa grupo nina Jeydon tapos dadalhin mo pa rito si Ginno?! Nababaliw ka na 'ata talaga." Hindi pa rin kumakalma si Troy kaya lumapit na ako sa kanya.

Maliban kay Marky, hindi nila alam na matagal na kaming nagkausap ni Ginno. Pagkalabas na pagkalabas niya pa lang ng kulungan, pinuntahan niya agad ako sa Korea para humingi ng tawad. No'ng una, parang ayokong maniwala pero hindi nagsisinungaling 'yong mga mata niya. Alam kong nauto niya ako noon pero ngayon, alam kong nagsasabi na siya ng totoo. Isa pa, matagal na niyang napagbayaran 'yong kasalanan niya sa kulungan.

"Troy, tama na. Matagal ko nang napatawad si Ginno. Alam kong nagbago na siya." Hindi makapaniwala sina Troy sa sinabi ko. "Mas mabuti nga na sumali si Ginno sa 'tin. Magaling siyang mag-basketball at mas makakabuti 'yon sa team."

"Candice? Paano kung may binabalak na naman pala siya sa 'yo? Minsan na siyang nagtaksil sa 'yo, sa 'tin. Kaya hindi imposible na gawin niya ulit 'yon." Magsasalita sana ako pero biglang lumapit si Ginno sa 'min.

"Troy, alam kong wala ka pa ring tiwala sa 'kin pero sana bigyan mo ako ng chance na patunayan ulit 'yong sarili ko. Patawad sa lahat ng nagawa ko noon." Nilagay niya 'yong isa niyang kamay sa balikat ni Troy pero inalis agad ni Troy 'yong kamay niya. "Troy—"

"Shut up! Kahit anong gawin mo, hindi na maibabalik 'yong tiwala na sinira mo."

Bigla siyang naglakad palayo. Natahimik lang kaming lahat. Kahit si Tiffany, hindi alam kung anong gagawin niya sa boyfriend niya. Balak sanang sundan ni Tiffany si Troy pero pinigilan ko siya." Ako na, ako na ang kakausap sa kanya."

Umalis ko para sundan si Troy. Kung meron mang dapat kumausap sa kanya, ako 'yon. Kaya lang naman siya nagkakaganyan dahil nag-aalala siya sa 'kin.

Hinanap ko siya. Nilibot ko bawat sulok ng campus pero hindi ko siya makita. Lumabas ako at nakita ko siya sa may parking lot, nakasandal siya sa kotse niya at nagyoyosi siya. Lumapit agad ako. Pagkalapit ko, inalis ko agad 'yong yosi sa bibig niya.

"Troy, mag-usap tayo." Tiningnan niya ako na parang dismayado siya sa 'kin. "Ano bang problema mo? Alam kong wala ka nang tiwala kay Ginno dahil sa ginawa niya noon pero sana bigyan mo siya ng last chance to prove himself again."

"Candice, ayan ka na naman sa ugali mo na 'yan. Magtitiwala ka tapos ano? Sa huli, ta-traydorin ka nila tapos mapapahamak ka?"

"Troy, everybody deserves a second chance. Matagal nang nagsisi si Ginno sa lahat kaya please lang, I'm not asking you to trust him. I'm asking you to trust me." Umiwas agad ng tingin sa 'kin si Troy. Hindi siya nagsasalita. Nag-iisip siguro siya. "Kahit para na lang sa 'kin, bigyan mo siya ng chance."

Huminga siya nang malalim bago siya humarap sa 'kin. "May tiwala ako sa 'yo. Kung para sa 'yo mapagkakatiwalaan siya, susubukan ko siyang pagkatiwalaan."

Niyakap ko siya. "Salamat, Troy."

Nakangiti kami pareho. Inaya ko na siyang bumalik sa pantry. Pagdating namin do'n, lahat sila ay nag-aantay pa rin sa 'min. Una kong napansin si Tiffany na alalang-alala kay Troy.

The Good Girl's Revenge (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon