Chapter 25: May The Best Woman Win

2.4M 56K 20K
                                    

CANDICE

Pinatong ko lang sa lamesa 'yong ulo ko habang nakatingin sa screen ng cellphone ko. Hinihintay ko 'yong text sa 'kin ni Lucas. Kada-oras naman, nagte-text siya. Pero ngayon, mag-aapat na oras na at wala man lang siyang kahit na anong text.

"Miss mo na?" nakangising tanong sa 'kin ni Stacey. Nagbuntong-hininga na lang ako habang nakatingin sa screen ng cellphone ko.

"Yeah, I miss him." So badly.

"Hindi naman nakakabawas ng ganda kung ikaw 'yong unang magte-text." Nakataas 'yong kilay niya habang sinasabi niya 'yon pero nakangisi pa rin siya sa 'kin.

"Ayoko lang siyang istorbohin. Baka kasi busy siya roon e. Hihintayin ko na lang 'yong text niya sa 'kin," I said while pouting my lips. Ang nakakatawa lang, biglang dumaan sina Jeydon at Kim. Para siyang unggoy na kapit na kapit kay Jeydon.

Napahinto bigla si Kim sa harap namin. Akala ko magsasalita siya pero tiningnan niya lang ako pagkatapos ay inirapan niya ko.

"Aba!" react agad ni Stacey. Pero bago pa man siya makatayo ay pinigilan ko na siya. "Bee, bitiwan mo ko. Susundan ko 'yon tapos sasabunutan ko siya."

"I have a better idea," nakangiti kong sabi kay Stacey. "Ang maganda, hindi 'yan ang unang nakikipag-away. Magmumukha ka lang kasing cheap no'n." That's Candice's Beauty Tip 101. "Dapat siya 'yong unang lalapit sa 'yo at do'n ka lang magre-react. Tawag do'n, self defense. Mas magandang pakinggan kaysa sa war freak, 'di ba?" Tumayo ako pagkatapos ay hinila ko si Stacey papunta ro'n sa table sa harap nina Jeydon at Kim.

Hinarap ko talaga si Kim. Tiningnan ko siya nang mata sa mata pagkatapos ay nginitian ko siya nang sobrang lapad. Oo, inaasar ko siya sa ngiti ko. Knowing her, susugurin niya ako.

Hindi naman ako nagkamali. Tumayo siya at naglakad siya papunta sa harap ng lamesa namin. Pagkatapos ay nagsalita siya habang tinatarayan niya ko.

"Iniinis mo ba ko?" tiningnan ko siya. Syempre hindi ako nagpatalo sa kanya at tinarayan ko rin siya. Mas maganda ako kaya mas may karapatan ako na mag-inarte. "Hindi ka ba naturuan ng mga magulang mo na kapag tinatanong ka ay dapat sumagot ka? Manners ang tawag do'n." Nagpantig 'yong tenga ko no'ng dinamay niya 'yong magulang ko.

"Malay mo ba sa salitang manners, e wala ka nga no'n." Nakatingin lang ako sa kanya habang nakangisi ako.

"I'm sorry but I think I'm more educated than you." Aba, Inglesera.

"Ah, gano'n ba? Kaya pala nang-agaw ka ng boyfriend ng may boyfriend. Okay, sige. Mas edukada ka na pero isa lang masasabi ko." Lumapit ako sa kanya, sa harap ng mukha niya. "I'm too classy to deal with your trashy attitude and too high to lower down to your standards."

Sa totoo lang, gusto ko na siyang sabunutan ngayon dahil sa pagdamay niya sa magulang ko pero kinakalma ko lang 'yong sarili ko. Ang maganda, dapat maganda pa rin kahit naiinis na.

"Babe, what's happening?" biglang singit ni Jeydon mula sa likod.

"Babe, ito kasing ex-girlfriend mo, inaaway ako." Wow ha. Wow na lang masasabi ko sa kanya. "I think bitter pa rin siya because of your breakup." Nagpapaawa effect siya kay Jeydon pero kapag titignan niya ako, nakangisi naman siya. "She even slapped me."

"Ganyan ka na ba desperada, Candice? Hindi kasalanan ni Kim na siya 'yong pinili ko at hindi ikaw."

Right at that moment, gusto kong sampalin si Jeydon. Ayokong lokohin 'yong sarili ko. Oo, nasaktan ako. Nasaktan ko hindi dahil mahal ko pa rin si Jeydon. Nasaktan ako kasi kung kausapin niya ako nang gano'n, parang hindi ako naging parte ng buhay niya. Nagawa niya talagang sabihin 'yon sa 'kin? Gano'n na ba siya katanga para maniwala kay Kim?

The Good Girl's Revenge (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon