Chapter 30: Second chance

2.2M 56.3K 19.7K
                                    

CANDICE

Lahat kami ay nasa lobby na maliban lang sa tatlong tao. Sina Jeydon, Kim, at Marky. Hindi ko alam kung bakit wala pa rin sila rito. After fifteen minutes, aalis na 'yong bus namin papuntang Incheon Airport.

"Mukhang hindi na darating sina Jeydon," singit ni Blake. "May nangyari bang hindi maganda kahapon sa inyo?" Nagulat ako sa tanong niya. Wala namang nangyari na hindi maganda kahapon. Kung meron, ayon ba 'yong dahilan kung bakit wala sila?

"Maayos kaming nakabalik ni Jeydon dito." Biglang sumingit sa pagitan namin si Stacey. "Anong pinag-uusapan niyong dalawa?"

"Wala naman, kinukumusta ko lang si Candice," patay-malisyang ngumiti si Blake sa kanya. Tiningnan ko si Stacey at mukhang hindi siya satisfied sa sagot ni Blake. "Candice my loves, yosi lang muna ako sa labas."

Pagkaalis na pagkaalis pa lang ni Blake, inusisa na ako ni Stacey. "Anong nangyari sa inyo ni Jeydon kahapon?"

"Wala naman," matipid kong sagot ko dahil wala naman talagang kakaibang nangyari kahapon.

"Mabuti naman. Akala ko kasi bumalik 'yong feelings mo kay Jeydon." Seryoso ba siya?

"May feelings na lumalala at may feelings din na nawawala." Tiningnan ko si Stacey at ngumiti ako. "Sa kaso naming dalawa, matagal nang nawala 'yong feelings na minsang lumala." Kinuha ko 'yong bag ko tsaka ako tumayo. "Tara na?"

Sumunod sa 'kin si Stacey pati na rin sina Tiffany. Saktong paglabas namin ng hotel, dumating 'yong mga bus na maghahatid sa 'min sa airport.

"Guys, tara, sumakay na tayo!" sigaw ng professor namin.

Tinanaw ko 'yong tatlo pero wala pa rin sila. Hinayaan ko na lang. Ano pa bang pakialam ko sa kanila? Kay Marky lang naman talaga ako nag-aalala.

"Candice, nandito si Shawn," sabi ni Tiffany sa 'kin kaya napatingin kaming lahat sa direksyon kung nasa'n si Lucas. "Naks, mukhang sinusundo ka na naman ah."

Nakangiti sa 'kin si Lucas habang naka sandal siya sa sasakyan niya. Bigla akong tinulak nina Tiffany papalapit sa kanya.

"Lucas, bakit nandito ka?" Ngumiti na naman siya sa 'kin. Shet, ang gwapo ni Lucas.

"Uuwi na tayo sa Pinas." Bigla niyang hinawakan 'yong kamay ko. "Tara na?"

"Ha? Uuwi ka na rin? Pero kasi, kasabay ko sina Stacey." Nilingon ko sina Stacey at lahat pala sila ay nakatingin na naman samin.

"Ayiee!" asar nila sa 'min. Pati mga professor, nakisali na rin. Mga sira talaga.

"Pinsan, sige na. Sumama ka na kay Shawn!" sigaw ni Juan Paulo.

"Go, go, Shawn!" sigaw naman ni Tiffany.

Mga sira talaga sila. Si Stacey, ang laki ng ngiti sa 'kin pero si Blake, parang hindi masaya.

"Let's go! Aalis na 'yong private plane."

"Ha? Private plane?" 'Wag mong sabihin na sa private plane talaga kami sasakay? "Are you serious?"

Hindi niya ako sinagot at ngumiti lang siya sa 'kin. I guess that is a yes kaya pumasok na lang din ako sa loob ng kotse niya.

Habang paalis kami, kitang-kita ko na kinikilig na naman 'yong schoolmates ko sa 'kin at pati sina Stacey. No'ng malapit na kaming makalayo, nakita ko si Blake sa side mirror ng kotse. Mukhang naiinis siya sa hindi ko alam na dahilan. Ang sama kasi ng tingin niya sa 'min. May galit ba siya kay Lucas?

"Kumusta naman 'yong tulog ng prinsesa ko?" tiningnan ko si Lucas. Kahit nakatingin siya sa kalsada, kita ko pa rin 'yong malapad niyang ngiti. "O, bakit hindi ka sumasagot? Hindi ba maganda 'yong umaga mo?"

The Good Girl's Revenge (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon