Chapter 24: School project

2.6M 54.2K 18.3K
                                    

JAYSHIN

Ang tagal nito ni Tammy! Amp. Pinaghihintay niya 'yong gwapong katulad ko. Sa lahat ba naman kasi ng magiging partner ko sa school project, siya pa? Tsk, tsk. Pasalamat siya at mabait ako kaya nakakapaghintay ako sa kanya nang ganito.

Biglang dumating si Troy Hyung. "O, Jayshin, hinihintay mo ba 'yong kapatid ko?"

"Oo, Hyung, matagal pa ba siya?" Natawa siya bigla.

"Panigurado, nagpapaganda pa 'yon para sa 'yo." Ngumiti siya nang nakakaloko sa 'kin.

"Kuya!" sigaw ni Tammy mula sa taas. Napababa siya bigla tapos hinampas niya si Troy Hyung. "Ano bang pinagsasabi mo ha?!" Sus, kunwari pa siya. Mukha namang nagpaganda pa siya talaga kaya siya natagalan. Mukhang ayos na ayos siya ngayon e.

"Tammy, nagbibiro lang ako. 'Wag kang guilty, pwede? Mas lalo kang mahahalata ni Jayshin niyan." Kinindatan niya pa ko.

Kahit kailan, pilyo talaga si Troy Hyung. Pareho lang sila ni Jeydon Hyung. Nakalulungkot lang talaga na hindi na sila magkaibigan ngayon. Dati sanggang-dikit pa silang dalawa pero bigla na lang nawala ang lahat. Kung maiintindihan lang sana ni Troy Hyung 'yong sitwasyon ng hyung ko.

"Sige na, iwan ko na kayo. Marami pa akong gagawin. Jayshin, ikaw nang bahala sa maldita kong kapatid." Sinamaan pa siya ng tingin ni Tammy bago siya makaalis. Hindi pa ba niya alam sa sarili niya na maldita siya? Siya nga 'ata reyna ng pagkamaldita e.

"At ikaw, Jayshin, tatayo-tayo ka na lang ba riyan? Tara na, umalis na tayo!" sigaw niya sa 'kin tapos tinarayan niya pa ako. Pambihirang babae 'to! Ang hirap ispelengin. Ako na nga naghintay nang matagal, ako pa nasigawan at natarayan? Napakamot na lang ako sa inaasal ni Tammy. Useless lang makipag-argue sa kanya. Siya 'yong babae na ayaw magpatalo.

Lumabas na kami ng bahay nila, at dahil eighteen na ako, binigyan na ako ni Dad ng kotse. Inalalayan ko si Tammy papunta sa kotse ko pero nakataas pa rin 'yong kilay niya. Seriously?

"Do'n na lang tayo sa mall na may shop ni Noona Jaycee."

"K," sungit niya. Naiinis lang tuloy ako. Hindi ako sanay na ganito siya. Dati naman ang sigla-sigla niya.

Habang nagda-drive ako, nakatingin lang si Tammy sa labas. Mukhang malalim 'yong iniisip niya. Para akong maso-suffocate sa sitwasyon naming dalawa. Ang hirap gumalaw. Isa pa, nakakabingi 'yong katahimikan. Hindi si Tammy 'to e. Hindi kami 'to.

"Si Snow Man ka ba?" pagbabasag ko ng katahimikan naming dalawa.

"Bakit?" Nakataas pa rin 'yong kilay niya sa 'kin.

"Ang cold mo kasi e."

Bigla siyang hindi nagsalita. Sobra na talaga siya. Ano bang problema niya sa 'kin? Alam kong nasaktan ko siya noon pero sobra na 'yong ginagawa niyang 'to sa 'kin.

"Ano bang problema mo?" Tumingin siya sa 'kin pero bigla siyang napatingin sa harap. Napatingin din ako agad sa harapan namin.

"Si Ate Anne 'yon, hindi ba? Bakit nasa tapat siya ng bahay nina Candice?" Hininto ko 'yong sasakyan.

"Sino si Anne?" Nasa tapat nga siya ng bahay nina Noona. Nakatayo lang siya roon na parang may tinitignan siya.

"Isa siya sa Powerpuff Girls. Friend namin sila ni Ate Kim. Ano kayang ginagawa niya riyan?"

Napatingin siya bigla sa 'min at nagkatinginan kami. Bigla siyang nagulat kaya sumakay siya ng kotse. Parang nagmamadali siyang umalis no'ng nakita niya kami. Nakakapagtaka, kakaiba 'yong inaasal niya at hindi maganda 'yong kutob ko.

The Good Girl's Revenge (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon