Chapter 54: Love or Hate

1.9M 49.9K 26.2K
                                    

Jayshin


Nakatayo lang ako sa labas, hinihintay ko siyang dumating. Ang tagal ko na siyang hindi nakita at oo aaminin ko na miss ko na nga siya. Kahit ganon yon, abnormal at minsan parang halimaw kung magalit, mahal ko siya.

Nakita ko na yung sasakyan niyang paparating. Himinto siya nang hindi malayo sa kinakatayuan ko. Pagbaba niya nagtama agad yung mga mata namin. Ang laki nang pinag bago niya. Pumayat siya at humaba na yung buhok niya. Hindi na ganon kadami yung pera niya, nakakakain kaya siya nang maayos sa tinutuluyan niya? Choosy pa naman siya sa mga pagkain.

"Jayshin!" Lumapit agad siya sakin. "Buti nandito ka, kamusta na? Okay ka lang ba? Si Noona at mom kamusta na?" Shet para akong naiiyak pero hindi mo alam kung bakit. Napayuko ako para maiwan ko yung luha ko.

"Hindi kami okay simula nang umalis ka. Kailan ka ba kasi babalik ha Hyung?" Tinignan ko siya at sumeryoso yung mukha niya. Tinignan niya ako na para bang sinasabi niyang imposible na yon. "Fine, alam kong hindi ka naman papapilit. Matigas ulo mo eh. Sinusunod mo lang kung ano yung gusto mo."

"Yah! Hyung mo pa din ako kaya wag mo akong sabihan nang ganyan!" Nilagay niya sa balikat ko yung kamay niya pero hindi ko na napigilan na yakapin siya.

"Wala na akong kaasaran sa bahay, wala na akong kalaro sa basketball at PSP, wala nang magtatakas sakin kapag pinapagalitan ako ni Mom at ni Noona.. wala na akong Kuya. Hyung miss na kita."

Niyakap din ako ni Hyung tapos bigla niyang ginulo yunh buhok ko. "Hindi ka nawalan nang Kuya, hindi ako nawala. Palagi pa din nandito si Hyung para sayo pero ngayon iba na kasi may kailangang gawin si Hyung. Maiintindihan mo din ako Jayshin."

Naiintindihan ko naman si Hyung eh pero ang hindi ko maintindihan kung bakit kailangang mangyari 'to.

Nakita ako ni Hyung na umiyak kaya umiwas agad ako nang tingin dahil ayoko na makita niya akong umiiyak.

"Nakakainis, hindi ko mapigilan na maiyak Hyung!" Ginulo niya yung buhok ko.

"Ang tunay na Bad Boy hindi takot umiyak, kasi ang pag-iyak pagpapakita lang nang tunay mong nararamdaman."

Natigil tuloy yung pag iyak ko at napangiti ako. Ang lalim kasi nang sinabi niya at hindi siya sumablay. Nag iimprove na nga si Hyung. Siguro nga may magandang nadulot sakanya yung pag alis niya sa mansion.

"Hyung, ipangako mo na palagi ka pa din nandyan para sakin, kay Noona at kay Mom. Sana din maging okay kayo ni Dad kasi kahit anong mangyari, Daddy mo pa din siya." Ngumiti lang si Hyung.

"Pangako, palagi akong nandito para sa inyo pero sa ngayon may bagay pa akong kailangang gawin at patunayan kay Dad." Inangat niya yung kamao niya. "Ipangako mo na habang wala ako dito, ikaw muna bahala sakanila. Ikaw muna yung Jeydon Lopez, pwede ba?" Ngumiti ako. Naiintindihan ko yung gusto niyang mangyari kaya inangat ko din yung kamao ko at dinikit ko yon sa kamao ni Hyung. Ganyan mag pinky swear ang mga Bad Boy.

"Pumayag ako ngayin pero nagdadalawang isip na ako aHyung, ayokong maging Jeydon Lopez, mas gwapo ako sayo eh!" Tapos tumawa ako.

"Mas gwapo ako sayo uy! Umasa ka pa! Isa pa, mas okay na ngang hwag na lang. Alam ko naman na hindi mo kakayanin maging ako. Akala mo ba madaling maging gwapo?" Tumawa din siya pero mas malakas yung tawa niya. "Ang pagiging gwapo may kaakibat na reponsibilidad yan." Tumawa na naman siya.

"Akala ko naging normal ka na, abnormal ka pa din pala."

"Ano yon?!"

"Wala sabi ko ang gwapo mo." Tawa na naman siya nang malakas. Ang abnormal talaga.

The Good Girl's Revenge (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon