Chapter 38: Truth

2M 52.1K 14.3K
                                    

CANDICE

"Candice..."

Binuksan ko 'yong mata ko. Nakilala ko agad 'yong boses niya. Nakatayo siya sa pintuan ng kwarto ko. Akala ko ay aasarin niya ako o guguluhin pero sa itsura pa lang ng mukha niya, napakaseryoso na. Pakiramdam ko, may importante siyang sasabihin sa 'kin.

"Ano 'yon, Kuya?" Bumangon ako sa kama ko pagkatapos ay lumapit ako sa kanya. "May kailangan ka ba sa 'kin?"

"May gusto akong sabihin sa 'yo. Sumunod ka na lang sa 'kin sa may garden." Tumalikod siya tsaka naglakad palayo.

Nagulat ako sa ikinikilos ni Kuya. Pakiramdam ko, may mali. Nag-ayos agad ako ng sarili ko pagkatapos ay dumiretso na ako sa garden namin. Nakaupo si Kuya sa table at seryosong naghihintay sa 'kin. Bigla tuloy akong kinabahan.

"What is it?" tanong ko pagkatapos ay umupo ako sa harap niya. "May kailangan ba akong malaman?"

"Meron at tungkol 'yon kay Jeydon."

Pagkabanggit pa lang ng pangalan niya, mas lalo na akong kinabahan. Naisip ko kung tungkol 'yon sa kalagayan niya. May nangyari bang hindi maganda sa kanya? Pero ano pa ba 'yong kinalaman ko kay Jeydon? Siya na naman mismo 'yong nagtataboy sa 'kin palayo.

"Kung tungkol 'yan kay Jeydon, kailangan ko pa ba yang malaman?" Walang gana kong tanong.

"Wala siyang sakit. Walang taning 'yong buhay niya. Lahat ng mga 'yon, isa lang kasinungalingan." Natigilan ako sandali tapos natawa ako bigla.

"Akala ko seryoso ka pero hindi pala. Ano 'yan? Bagong prank? In fairness, natawa ako ro'n." Natigil ako sa pagtawa no'ng nakita ko 'yong mukha ni kuya na seryoso pa rin. "Seryoso ka ba talaga sa mga sinabi mo?"

"Oo," seryoso at matipid niyang sagot.

"Hindi ko maintindihan." Huminga muna nang malalim si Kuya. "Hindi totoo na may sakit siya?"

"Lahat ng kasinungalingan na 'yon ay pakana lang ng daddy ni Jeydon. Pinalabas lang niya na may sakit at may taning na 'yong buhay ni Jeydon pero ang totoo, wala." Hindi na ako nakapagsalita sa sobrang gulat. "Sinulsulan niya si Jeydon na hiwalayan ka dahil sa sakit niya. Pinamukha niya kay Jeydon na wala na siyang kwenta para sa 'yo para na rin makipaghiwalay sa 'yo si Jeydon. Mahal na mahal ka ng ugok na 'yon kaya mas pinili niya na magsakripisyo dahil ayon ang akala niyang tama." Hindi ako makapaniwala na nagawa lahat 'yon ng daddy niya.

Para akong nanghihina sa mga sinabi ni Kuya. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Para bang lumulutang 'yong utak ko. Hindi ko na namalayan na napatayo na pala ako sa kinakatayuan ko pagkatapos ay naglakad ako palabas ng bahay.

"Candice! Saan ka pupunta?" pagpipigil sa akin ni Kuya.

"Kailangan kong mag-isip, Kuya. Pakiusap lang, hayaan mo muna ako." Dumiretso lang ako sa paglalakad. Kung saan ako pupunta? Hindi ko rin alam. Ang alam ko lang ay gusto ko na mapag-isa.

Lahat ng nangyari, isa lang palang kasinungalingan at palabas. Pareho kaming biktima ni Jeydon sa pangyayari. Pareho kaming niloko at pinaglaruan. At ang masaklap pa, daddy niya 'yong may gawa nito.

Nakaramdam ako ng sakit. Ang hirap tanggapin. Kasabay ng mga luha sa mata ko na unti-unting tumutulo, hindi ko na namalayan na nasa park na ako. Tulala ako at parang wala sa sarili.

Napaupo ako sa isang bench. Hindi ko na napigilan na maiyak. Napakasaklap ng mga nalaman ko, nakakapanghina.

Paano kung hindi nagsinungaling sa amin si Dave Lopez? Masaya pa rin kaya kami ni Jeydon? Kami pa rin kaya?

Kung hindi nangyari 'yon, hindi sana nawala 'yong pagmamahal na meron ako para sa kanya. Hindi sana kami nasaktan at nagdusa nang ganito. Hindi na sana nadamay pa 'yong ibang tao sa gulo na 'to. Hindi sana kami naghiwalay at nag-let go.

The Good Girl's Revenge (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon