Chapter 22: Stranded

2.6M 57.5K 26.9K
                                    

"Gising na, Prinsesa!"

Ang sarap pakinggan ng boses niya. Ibang-iba sa boses ko. Dapat pala hindi ko siya ginawang alarm tone kasi parang mas inaantok lang ako.

"Gising na, Prinsesa!"

Pinatay ko 'yong alarm ng cellphone ko.

"Ito na po, mahal na Prinsipe Lucas." Hindi ko napigilan na mapangiti.

Medyo maaga pa naman pero bumangon na rin ako. Natulala ako saglit kasi naalala ko na naman 'yong nangyari kagabi. Napahawak ako bigla sa labi ko tapos naalala ko 'yong halik ko kay Lucas. Wala akong kahit na anong pinagsisihan sa ginawa ko na 'yon. Sinunod ko lang kung ano 'yong sinabi ng puso ko no'ng panahon na 'yon at 'yon ay ang halikan siya. Hindi naman ako nabibilisan sa mga pangyayari. Matagal na naman kaming magkasama ni Lucas at malapit na ako sa kanya noon pa.

Sa totoo lang, gusto ko rin naman si Lucas e. Gustung-gusto ko siya pero masyadong nakatuon kay Jeydon 'yong atensyon ko kaya hindi ko siya napansin. Linimitahan ko 'yong sarili ko sa iba dahil sa pagmamahal ko kay Jeydon.

Dahil noon, si Jeydon lang ang mundo ko.

Tumunog bigla 'yong phone ko. Nakita ko agad 'yong pangalan ni Lucas sa screen ko kaya napangiti na naman ako.

"Lucas?"

"Alam mo? Minsan, gusto na talaga kitang galitin."

"Ha?" Tulog pa ba 'to si Lucas? Anong pinagsasabi niya?

"Para ako naman 'yong patulan mo."

Muntik na akong matawa. Ang aga-aga, binabanatan niya na ako ng mga pick up lines. Siya na ba 'yong pumalit kay Blake?

"Last mo na 'yan, please?"

"Akala ko pa naman kikiligin ka ro'n." Mukha siyang batang nalungkot kasi naagawan siya ng candy. Nakakahawa 'yong lungkot ng boses niya. "I love you."

Bigla akong natigilan. Ewan ko ba, umabot na 'ata sa buwan 'yong ngiti ko. Kinikilig ba ko? Pambihira! Kinikilig nga 'ata ako dahil hanggang ngayon, nakangiti pa rin ako. Bakit kasi ang sarap pakinggan ng sinabi ni Lucas? Alam mo 'yong bad boy na boses tapos kapag nag "I love you" sa 'yo, sobrang lambing? Ang lambing ng boses niya kaya kahit na sa tatlong salita na 'yon, naramdaman ko 'yong pagmamahal niya sa 'kin.

"Candice? 'Andiyan ka pa ba?"

"Ha? Ah e, oo 'andito pa ko." Narinig ko siyang tumawa nang mahina. "Bakit ka natatawa riyan?"

"Mukhang kinilig ka sa 'I love you' ko e." Bakit alam niya?

"Ha? Hindi 'no! Kinilig ka ryan?" Slight lang kaya.

"I love you ulit."

Amp! Bakit ganito? Napapangiti na naman ako nang sobra. Kinikilig na naman ako. Lucas naman! Ano bang ginagawa mo sa 'kin?

"I love you, Candice."

Hindi ko na kaya. "Tama na! Oo! Kinikilig na ako, okay?" Ayan, natawa na naman tuloy siya. "Tsss, ang sama mo 'no? Trip mo ko!"

"Masama ba na magsabi ng totoo? E sa mahal kita e."

"Oo na po. Hindi mo na kailangang sabihin pa kasi damang-dama ko naman e." Pakiramdam ko, ngumingiti siya sa kabilang linya. Ang lakas talaga ng pakiramdam ko.

"Hindi ko alam kung ano ba talaga tayong dalawa ngayon pero sapat na ko ro'n. Katulad nga ng sinabi ko sa 'yo, hindi ako nagmamadali at kayang-kaya kitang hintayin. Masaya na kong malaman na may lugar pala ako riyan sa puso mo kahit papano."

Bigla akong na-touch. Ibang iba talaga si Lucas kumpara sa ibang mga nanliligaw. Kahit kailan, hindi ko nakitang nag-take advantage siya sa 'kin lalo na noon na nag-break kami ni Jeydon.

The Good Girl's Revenge (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon