Chapter 59: Graduation Ball

2.2M 52.7K 14.8K
                                    

CANDICE

Nakatulala lang siya habang nakatingin kay Troy. Pareho akong naaawa sa kalagayan nilang dalawa. Naghiwalay man sina Tiffany at Troy, alam kong hindi mawawala 'yong pagmamahal nila para sa isa't isa. Naniniwala rin ako na magkakabalikan pa silang dalawa.

"Kasalanan ko ang lahat ng 'to." Nagsimula na naman siyang maiyak. "Kung hindi dahil sa 'kin, hindi siya maaaksidente... Hindi naman ito 'yong gusto kong mangyari." Lumapit ako sa kanya para yakapin siya.

"Wala kang kasalanan. Aksidente lang ang lahat," pagpapagaan ko ng loob niya. "Wala namang may gusto nito e."

"Candice, hindi ko mapapatawad 'yong sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanya."

"Magdasal na lang tayo na walang mangyari sa kanyang masama." Kahit papaano, napatahan ko na rin si Tiffany.

"Candice and Tiffany, take a break. Kami na muna ang magbabantay kay Troy."

Nagkatinginan kami ni Tiffany at mukhang ayaw niyang umalis pero wala kaming magawa. Sila ang pamilya ni Troy. Isa pa, kanina pa tinitignan nang masama ni Tammy si Tiffany. Mukhang sinisisi niya si Tiffany sa nangyari sa kuya niya.

Inalalayan ko si Tiffany na lumabas ng kwarto. Inaya ko siyang kumain sa may canteen ng ospital. Simula kahapon, hindi pa siya kumakain. Nag-aalala na nga ako sa kanya dahil baka pati siya ay magkasakit. Um-order ako ng makakain naming dalawa.

"You should eat, Tiffany." Parang naiiyak na naman siya pero pinipigilan niya lang. "You should be strong... for him."

"How? When I know that I'm the reason for all of his sufferings?" Nilagay niya sa mukha niya 'yong mga kamay niya tsaka siya umiyak ulit. "Ang sama-sama ko e." Lumapit ako sa kanya tsaka ko siya inakbayan.

"Ayaw niyang makita kang ganyan, so be strong. Okay?" Hinarap ko siya sa 'kin tapos pinahid ko lahat ng luha sa mga mata niya. "He's going to be fine."

Tumango siya tsaka siya kumain. Alam ko naman na sobra siyang nahihirapan. Napagdaanan ko na rin 'yan no'ng na-comatose si Jeydon.

Pagkatapos kumain, bumalik na kami at umupo lang muna kami sa labas ng kwarto ni Troy. Maya-maya, nakita namin sina Tita Tracy at Tito Mike na papalapit sa pwesto namin.

"Tammy?" sabi ni Tita Tracy. Kaya napalingon kami sa likod namin at nando'n nga si Tammy.

Sandali, kung nasa labas din sila, sino 'yong bantay kay Troy?

"Bakit mo iniwan 'yong kuya mo ha? Sinong bantay sa kanya?" nag-aalalang tanong ni Tita.

"Mom, calm down. Nando'n si Kuya Travis."

Nagmadali kaming pumasok sa loob at nakita namin si Travis. Nagulat kami kasi gising na si Troy at parang nagtatalo silang dalawa.

"Troy anak!" Lumapit agad sa kanya si Tita Tracy. "Anong nararamdaman mo?" Iniwan ko muna sila. Ako na 'yong nag-volunteer na tumawag sa doktor.

Pagpasok ni Doc sa loob, tiningnan niya agad si Troy. Hinanap ko si Travis pero wala na siya. Saan kaya siya nagpunta?

"How are you feeling, Mr. Mendoza?" tanong sa kanya ng doktor. May kakaiba kay Troy at hindi malaman kung ano 'yon.

"I'm doing good, Doc," malamig niyang sabi.

"That's good." Hinarap kami ni Doc. "We will just do some final tests and I can admit him after that. Everything seems to be fine."

"Thank you, Dr. Sanchez," sabi ni Tito Mike tapos sinamahan niya palabas si Dr. Sanchez.

"Anak, anong nararamdaman mo ha?" Nag-aalalang tanong ni Tita Tracy. "Hindi ka naman nagka-amnesia, hindi ba?" Biglang natawa si Troy. Meron pa ring kakaiba sa kanya.

The Good Girl's Revenge (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon