Chapter 13: Threat

3.1M 65.3K 17.5K
                                    

Third-Person POV


"Sandaling panahon na lang ang natitira para kay Ginny," malungkot na sabi ng doktor.

"Hindi pwede! Gumawa kayo ng paraan. Magbabayad ako kahit na magkano," inis na sabi ni Marky.

"I'm sorry pero wala na tayong magagawa, Mr. Lim." Hindi na napigilan ni Marky ang sarili niya.

"Meron, at sisiguraduhin kong gagaling siya." Tinalikuran ni Marky si Dr. Tan.

Naglakad siya pabalik sa kwarto ni Ginny. Hindi niya alam kung paano niya itatago sa dalaga na malubha na 'yong lagay niya at konti na lang 'yong natitirang oras para sa kanya. Madami pang gustong gawin si Ginny sa buhay niya at gusto ni Marky na magawa lahat 'yon ni Ginny.

Pumasok siya sa loob at naabutan niyang nagbabasa ng bible si Ginny. Sa itsura pa lang niya, alam mo nang may malala na siyang sakit. Hindi na naman napigilan ni Marky na magalit. Galit siya sa mundo dahil sa dinami-dami ng tao, si Ginny pa 'yong may ganitong sitwasyon. Bakit si Ginny pa 'yong kailangan magkaganito? Bakit hindi na lang sa isang masamang tao? Bakit sa isang tao na napakabait pa nangyari 'to? Ayan 'yong paulit-ulit na tumatakbo sa isip niya.

"Bakit hindi ka pa magpahinga, Ginny?" Napalingon ang dalaga sa kanya. Nagkaroon agad ng ngiti sa mga labi niya. Hindi maipagkakaila na masaya siya sa tuwing nakikita niya si Marky.

"Hinihintay kasi kita." Naisip na naman ni Marky kung anong sasabihin kay Ginny. Pinilit niyang itago ang galit na nararamdaman niya.

"'Wag kang mag-alala kasi sabi ng doktor, gagaling ka pa basta inumin mo lang 'yong mga gamot mo." Tumabi siya sa dalaga at pilit ngumiti. Isang pekeng ngiti na agad namang nahalata ni Ginny. "Madami pa tayong pupuntahan. Pupunta pa tayo sa Batanes, 'di ba?"

"'Wag mo na akong lokohin." Ngumiti ulit si Ginny pero sa pagkakataong ito, may halo nang kalungkutan sa mukha niya. "Alam ko nang mamamatay na ako."

"Ginny, 'wag mong sabihin 'yan!" Hindi napigilan na Marky na mapasigaw. "Hindi ka pa mamamatay." Hinawakan ni Ginny 'yong kamay ni Marky. Tumingin siya nang diretso sa mga mata nito.

"Pinahiram lang ng Diyos ang buhay na meron tayo ngayon. Kaya kung kagustuhan na niyang kunin 'yong buhay na meron ako, dapat buong puso ko siyang tanggapin." Malungkot si Ginny pero tanggap na niya ang mga mangyayari. "Isa pa, handa na naman akong mamatay."

Inalis ni Marky ang pagkakatingin niya kay Ginny. Para bang nadudurog ang puso niya sa mga naririnig niya. Nadudurog ang puso niya kapag nakikita niyang nalulungkot ang babaeng mahal niya. "Kung ikaw handa nang mamatay, ako hindi pa."

Unti-unting tumulo ang mga luha ni Marky. Hinawakan ni Ginny ang mukha niya pagkatapos ay inalis niya 'yong mga luha sa mata ni Marky.

"Patawarin mo ako, Marky. Ayokong maging dahilan ng kalungkutan mo." Agad na pinigil ni Marky si Ginny sa mga susunod niya pang sasabihin.

"Ginny, 'wag mong isipin 'yan. Isa ka sa mga nagpapaligaya sa 'kin." Naisip ni Marky na itago 'yong lungkot na nararamdaman niya. Ayaw niyang mag-alala si Ginny. "Isa ka sa mga dahilan kung bakit gusto kong gumising kada umaga. Kung bakit gusto kong mabuhay."

Napangiti ang dalaga.

"Sabi sa bible verse na nabasa ko, 'Love is patient and kind, love does not envy or boast, it is not arrogant or rude. It does not insist on its own way, it is not irritable or resentful, it does not rejoice at wrongdoing, but rejoices with the truth. Love bears all things, believes all things, hopes all things, endures all things. Love never ends.'" Tumingin siya sa binata. "Noong una, hindi ko siya maintindihan pero ngayon, alam ko na. Tinuro mo sa 'kin kung ano ba talaga 'yong kahulugan ng pag-ibig." Hinawakan ni Ginny 'yong mukha ni Marky. "Marky, mahal kita."

The Good Girl's Revenge (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon