Chapter 5: Big Brother

2.9M 62.8K 22.9K
                                    

CANDICE

"Kuya Charles..." Nakakatakot 'yong mukha niya. Alam na ba niya 'yong nangyari sa 'min ni Jeydon? "Paano mo nalaman na nandito ako?"

"Sinabi na sa 'kin lahat ni Troy. Pinuntahan kita kina Jeydon pero sabi ni Sunny umalis ka na raw kasama ni Shawn. Kaya naisipan ko na pumunta rito at tama nga ako dahil nandito ka." Mahinahon lang magsalita si Kuya pero mahahalata mo pa rin na nagpipigil siya ng galit niya. Huminga muna siya nang malalim bago magsalita. "Sabihin mo, totoo ba lahat ng 'yon? Iniwan ka ba talaga niya para kay Kim?"

Hindi ako makatingin kay Kuya. Hindi ko kayang magsinungaling sa kanya. Gusto kong sabihin 'yong totoo pero kilala ko siya. Iba siya kung magalit.

"Candice, totoo ba?" Sa tono ng boses niya, nawawalan na siya ng pasensya. "'Wag kang maglihim sa 'kin kasi malalaman ko rin naman 'yong totoo."

Tumingin ako kay Lucas. Tumango siya sa akin na para bang sinasabi niya na sabihin ko 'yong totoo. Tama si Kuya, malalaman din naman niya ang lahat e. "Oo, Kuya, iniwan niya nga ako para kay Kim. Nakipaghiwalay na siya sa akin."

"So totoo nga talaga, gago siya." Ramdam na ramdam ko 'yong galit ni Kuya Charles.

"Charles, maghunos-dili ka lang," sabi ni Lucas. Pati rin pala siya nararamdaman 'yong galit ni Kuya. Parang may itim na aura nang pumapalibot sa kanya.

"Paano ako maghuhunos-dili? E ginagago niya 'yong kapatid ko e!"

"Kuya, 'wag mong pairalin 'yong galit mo." Sinubukan namin siyang pakalmahin pero hindi pa rin nawawala sa kanya 'yong galit.

"Hindi niya pwedeng gawin sa 'yo 'to." Tumalikod siya sa 'min, pagkatapos ay naglakad siya palayo. "Humanda siya sa 'kin."

"Kuya! Anong gagawin mo?" Hinabol ko si Kuya para pigilan siya pero hindi niya ako pinansin.

"Noona, we better follow him. Come on." Sinundan namin agad si Kuya pababa.

Pumasok siya agad sa kotse niya. Kinuha naman ni Lucas 'yong kotse niya at sinundan namin si Kuya papunta kina Jeydon. Kinakabahan ako sa pwedeng gawin ni Kuya kay Jeydon. Ayokong magkasakitan silang dalawa.

Siguro nahalata ni Lucas na masyado akong nag-aalala kaya binilisan niya 'yong pagpapatakbo ng kotse niya. Pero kahit anong bilis ng takbo ng kotse namin, nauna pa rin si Kuya.

Pumasok kami agad sa loob ng mansion nila. Dumiretso kami sa kwarto niya at nagulat na lang kami ni Lucas no'ng nakita namin si Jeydon na nakahiga sa sahig. Hawak-hawak ni Kuya Charles 'yong kwelyo ng damit ni Jeydon.

"Tama na, Charles!" sigaw ni Kim habang inaawat niya si Kuya.

"Gago ka, Jeydon! Isa kang malaking gago! Nagtiwala ako sa 'yo pero binigo mo ako! Damn you!" Sinuntok niya nang napakalakas si Jeydon.

Lumapit agad kami ni Lucas para pigilan si Kuya pero hindi siya nagpapaawat.

"Sinong may sabi sa 'yo na pwede mong saktan at lokohin 'yong kapatid ko?!" Sinuntok na naman niya si Jeydon. "Lalampahin kitang hayop ka!" Sinuntok na naman niya si Jeydon.

"Charles, tama na!" Hindi niya pinansin si Lucas. Hindi pa rin niya tinitigil 'yong pagsuntok kay Jeydon.

"'Wag niyo akong pigilan!" Bugbog na bugbog na 'yong mukha ni Jeydon sa mga suntok ni Kuya.

"Ano ba, Charles?! Tama na!" Hindi pa rin niya pinakinggan si Kim at sinuntok pa niya ulit si Jeydon.

"Hindi! Bubugbugin ko muna 'tong hayop na 'to! Akala mo ba, Jeydon, gano'n-gano'n na lang 'yon?! Sasaktan mo na lang basta si Candice?!" Dumudugo na 'yong labi ni Jeydon. Hindi rin naman siya pumapalag sa bawat suntok ni Kuya sa kanya.

The Good Girl's Revenge (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon