Chapter 48: Stella & Bunny

1.9M 50.9K 24.6K
                                    

CANDICE

Pangalawang beses.

Ito na 'yong pangalawang beses na mangyayari 'to sa 'kin. Wala akong laban habang nakaupo at parehong nakatali 'yong kamay at paa ko. Hinihintay na dumating si Jeydon para iligtas ako. Palagi na lang bang ganito 'yong mangyayari? Kumbaga sa story, common at cliche na 'to e. Hindi ko tuloy naiwasan na magalit sa sarili ko. Bakit ko hinayaan na mangyari ulit 'to? Mas malakas at matatag na ako ngayon. Hindi na ako 'yong dating Candice na mahina kaya hindi na dapat pa humantong sa ganito ang lahat.

Minulat ko paunti-unti 'yong mata ko.

Nasa isang stage ako at sa akin lang nakatutok 'yong ilaw. Walang kung anong nakalagay sa bibig ko pero ang higpit ng pagkakatali nila sa kamay at paa ko. Walang katao-tao rito. Tanging ako lang at 'yong mga kuneho sa paligid ko... at bakit hindi ko agad naisip 'yon?

B stands for Bunny.

"Gising ka na pala."

Hinanap ko kaagad kung saan nanggaling 'yong boses niya. Nasa harap ko siya at nakaupo habang pinagmamasdan ako.

"Sabihin mo, hindi naman ikaw 'yon. Hindi mo 'to magagawa sa 'kin." May nakita akong ngiti sa gilid ng bibig niya.

"Alam mo kung ano 'yong katangahan? 'Yong alam mo na 'yong totoo pero naniniwala ka pa rin sa kasinungalingan." Nakaramdam ako bigla ng matinding galit. "Ganyan ba kalaki 'yong tiwala mo sa 'kin ha, Pinsan?" Tumayo siya para lapitan ako.

"Anong nagawa ko sa 'yo, Paulo?" Naglakad siya nang pabalik-balik sa harap ko. "Gaano ba kalaki 'yong kasalanan ko sa 'yo para pati ako na kadugo mo ay gantuhin mo ha?" Huminto siya sa harap ko tapos nag-Indian seat siya habang may hawak siyang mansanas.

"Good question." Kumagat siya sa mansanas na hawak niya. Ibang-iba siya sa Juan Paulo na kilala ko, na pinsan ko. "Hindi naman ako gano'n kababaw na tao para lang gawin ang lahat ng 'to dahil wala lang, trip ko lang." Kumagat ulit siya sa mansanas na hawak niya habang ang sama ng tingin niya sa 'kin. "So basically, you ruined my life, Candice."

"Ako? I ruined your life? How was that even possible? Paulo, mahalaga ka sa 'kin kaya kahit kailan, hindi kita kayang saktan." Ngumiti lang siya habang patuloy na kumakagat ng mansanas.

"Sige, let me tell you a secret." Nilaglag niya 'yong mansanas tapos may kinuha siyang kuneho. "Ampon lang ako, Candice. Inampon ako ni Dad para mabuo na 'yong pamilya nila ni Mom noon. Masayang-masaya kami at mas sasaya pa sana kami kaso namatay si Dad. At no'ng nangyari 'yon, para na rin akong nawalan ng ina. Mom hated me. She believed that I was the reason for dad's death but luckily I was able to survive that. No'ng dumating na sana 'yong araw na magiging okay na kami ni Mom, na magiging masaya na sana ulit kami... doon ka dumating sa buhay namin at mula noon, sinira mo na lahat." Kitang-kita ko sa mata 'yong galit niya sa 'kin. Hindi ko maiwasan na maiyak.

"I'm sorry. I'm sorry for everything. Wala akong intensyon na sirain kayo ni Auntie." Natawa siya bigla.

"Sorry? Anong magagawa niyan ha? Sorry is just for losers." Hinagis niya palayo 'yong kuneho na hawak niya pagkatapos ay kinuha niya ulit 'yong mansanas na hawak niya kanina.

"Ikaw at ikaw na lang 'yong palaging nakikita ni Mom e. Ikaw at hindi ako. No'ng dumating kayo ni Uncle sa Korea, parang nawalan na ako ng lugar at saysay sa buhay ni Mom. Palaging sinasabi sa 'kin ni Mom na sana ako na lang daw si Candice. Candice, Candice, Candice! Puro Candice na lang! Nakakaumay na. Inis na inis ako sa 'yo noon pa lang. Gusto kong mawala ka na lang bigla. Inagaw mo 'yong atensyon na para sa 'kin." Sa galit niya, may luha na tumulo galing sa mata niya. "Simula noon, naging walang kwenta na 'yong buhay ko. Naging sobrang patapon na 'yong buhay ko at hindi ko na alam kung saan ko pupulutin pa. Sinira mo 'yong buhay ko. Sinira mo!"

The Good Girl's Revenge (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon